Kevin's POV
"Kevin bakit iisa lang yung kama??" Biglang uminit yung mukha. Pakiramdam ko namumula ako. Lumapit siya sakin tapos hinawakan yung pisngi ko.
"Namumula ka Kevin. Bakit??" Eto na naman yung puso ko. Parang tumatakbo. Ewan ko kung bakit..
**Flashback
"Good afternoon sir,ano pong room kukunin niyo?"
Pinakita na sakin nung babae yung itsura ng rooms. May ekis naman yung rooms na occupied na. Bale lahat ng mga rooms na good for two persons ay nakuha na. Kaya nagtanong ako
"Miss wala na pong iba?"
"Sorry sir. Wala na po eh. Sino po ba ang kasama niyo?" Tanong niya sakin. Okay naman ata yung service dito eh. Kasi nagsosolusyon sila sa problema ng customer
"Siya" sabi ko sabay turo kay Archan na nagtitingin ng mga paintings
"Ahhh. Honeymoon niyo po ba?? Nahiya pa kayo magsabi Sir. Meron po kaming room para sa maghohoneymoon."
End of flashback
Kaya ayoko naaalala yung kanina eh. Nakakahiya. Wala naman na kong nagawa kasi andami niyang sinabi. Feeling ko hanggang ngayon namumula ako eh.
Nakakahiya.
"W-Wala na daw ibang room eh" mabuti pang wag ko ng sabihin. Nakakahiya nohh
"Okay. Kevin wala pala akong extrang damit. Saka ilang araw tayo dito??" I dont know.
"Two days" yan. Napasabi tuloy ako
Sabi ko kay Archan maglibot libot muna kami dito para makatingin na rin kami sa itsura ng hotel namin dito sa Baguio
Naglakad lakad lang kami. Tahimik lang. Parang nanginginig nga siya eh. Nilalamig siguro siya
"Nilalamig ka ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. Kaya di ko na pinansin
Napalingon ako kay Archan na yakap yakap yung sarili niya. Baliw talaga tong babaeng to. Hinubad ko yung polo shirt ko tapos pinatong ko sa kanya. Kaya nakasando na lang ako ngayon.
"Thanks. Kevin gutom na ko^_^" hayy nako. Gutom na din ako eh. Parehas ata kami ng tyan.
Binalik niya na sakin yung polo shirt kasi yung restaurant dito may heater. Hinihintay kong dumating yung waiter. Ambagal naman nun
"Good evening ma'am and sir" inabot niya yung menu. Kaya pumili na ko ng akin.
"Isa po neto saka eto saka eto na din po. Tapos yung drinks ko iced tea. Thank you^_^" dami niyang tinuro dun sa waiter. Kaya sinusulat niya pa. Wala akong mapili eh.
"Ganun na lang din yung akin" naghihintay kami ni Archan. Antagal kasi ng pagkain eh. Nagugutom na ko.
"Kevin." Tawag sakin ni Archan
"Bakit?" May sasabihin sana siya kaso dumating na yung pagkain namin.
Masarap naman yung pagkain. Busog na busog ako neto. Tinawag ko na yung waiter pagkatapos ko kumain.
"Kevin, teka lang naman. Kumakain pa ko" may kasama nga pala ko. Hindi ko napansin
-__- antahimik kasi niya ngayon eh."Pasensya na. Bilisan mo. Andaming lalaki dito" sagot ko sa kanya. Tapos tiningnan niya ko. Yung tingin na mapanloko.
Archan's POV
Tapos ng kumain si Kevin mylabs kaya binilisan ko. Tinawag na rin niya yung waiter para sa bill. Grabe siya ohh!!
"Kevin, teka lang naman. Kumakain pa ko" ngayon lang ata niya napansin yung presence ko. Kasi tiningnan niya ko ng ganitong look
-__-"Pasensya na. Bilisan mo. Andaming lalaki dito" hahaha. Don't tell me nababading si Kevin mylabs?? Di ako papayag
"Na-iintimidate ka ba sa kanila?? Haha" ubos na pagkain ko. Yehey. Iinom na lang ako. Kaso tiningnan ako ng masama ni Kevin mylabs
"Kanina pa sila tumitingin sayo. Naiinis ako" sabi ni Kevin mylabs tapos lumabas na siya. Anyare dun? Buti na lang nakapagbayad na siya. Haha. Kinuha ko na lang yung drinks para naman makainom ako.
Asan na kaya yun. Two days lang daw kami dito. So first day namin ngayon tapos bukas second day. Sayang gabi na. Makapunta na nga lang sa may pool. May party dun eh haha.
(Playing:I want you to know by True Colors)
Yehey!! Party party!!! KJ kasi masyado si Kevin mylabs eh. Di niya tuloy malalaman na may party dito haha. Nakasuot parin ako ng floral dress kaya okay yung outfit ko dito. Haha. Mga babae at lalaking nakaswimming attire yung nandito. Wahh. May nakita akong pogi. Hihi. Makikidance na lang muna ako.
May waiter na naglalakad sa buong place tapos may bitbit na tequila o kung anuman yun. Kumuha ako ng isa. Yung parang blue tapos may payong na maliit haha. Ang cute.
"Hi miss" bati sakin nung isang lalaki. Dahil isa tong party ay makikiparty talaga ako haha
"Hello^_^" sabi ko naman sa kanya.
"Ako nga pala si Joerence" sabay abot niya ng kamay. Wait....Joerence... san ko ba narinig yan???
"Joerence name niya eh"
"Ikaw yung kapatid ni Lawrence??" Naalala ko na eh haha
"Pano mo nalaman??" Nagtataka siguro siya haha
"Katrabaho ko yun eh. Naikwento ka niya sakin pati si Terrence."
Ang galing noh?? Nameet ko yung triplets. Si Joerence,Terrence, at Lawrence. Ang galing hahaha. Puro sila RENCE. XD
"Baka andito rin si Terrence kasi diba bartender yun?" Tapos natawa siya
"Tama ka haha. Kaya nga andito ako eh" hala. Ang astigg
Nag-usap lang kami ng nag-usap. Tungkol daw sa magandang regalo sa xmas. Nag-away din daw pala sila ng GF niya. Ewan ko lang dun. Ang weird nga eh. Kapangalan ni bestfriend Patricia yung babae. Kaso wala naman nabanggit sakin si Pat.
"Babe! Kanina pa kita hinahanap" bakit andito si Kevin mylabs?? Saka sino si babe??
"Kevin?? Sino babe mo dito??" Bulong ko sa kanya.
"Babe naman. Hinanap kita tapos makikita lang kita dito na may kausap na lalaki?" Tinitingnan niya ko na parang makisakay-ka-na-lang-look.
"H-Ha?? Ah Oo. Kevin si Joerence pala. Kapatid ni Lawrence" sabi ko tapos pinagshashake hands ko sila
Tiningnan lang siya ni Kevin. Ano problema niya???
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)