Chapter 24

742 27 0
                                    

Kanina pa ko may naririnig na ungol eh. Anong oras na ba???

3:26 am.

Ang aga-aga pa. Sino ba yung maingay?? Saka bakit puro black?? Nasa bahay nga pala ko ni Kevin. Nakalimutan ko.

Si Boss pala yung umuungol. Mainit parin siya eh. Kukuha pa pala ako ng gamot saka tubig.

"Boss ano po nararamdaman niyo?" Pinaupo ko muna siya tapos si Jared andun padin

"Nako boss!! Baka mahawa si Jared sa sakit niyo. Ililipat ko na lang po muna siya" binuhat ko muna si Jared tapos nilipat ko siya sa may sofa. Malaki naman yung sofa eh kaya hindi siya mahuhulog

"Water please" inabot ko agad sa kanya yung tubig. Mahirap na

"Boss. Hinay hinay kasi sa trabaho. Ayan tuloy" nakakaawa siya. Iba pa yung trato niya sa mga maids kaya walang nag-aalaga sa kanya. Napakasungit ba naman kasi.

"I know." Kita mo. Taas kasi ng pride eh

"Boss pwede ilipat ko lang si Jared sa isang kwarto??"

"No..dito lang siya" okayy. Ayoko ng pilitin ka

Jared kawawa ka naman. May sakit si daddy mo. Dinalan ko siya ng unan para may yakap siya tapos kinumutan ko siya. Hayy...

"Archan.." left and right trabaho ko ah

"Yes po??" Ang galang ko talaga haha

"Matulog ka na din" hala siya!!! Ang sweet naman ni Boss. "kasi gigisingin pa kita mamaya" ansama naman. Sweet na sana eh

Makatulog na nga lang. Naka-upo lang ako tapos yung ulo ko nakayuko sa kama ni Boss. Goodnight na lang muna. Pagod ako eh

Kevin's POV

Ansakit parin ng ulo ko. Ahhh!!! Ayoko namang gisingin si Archan. Nahihiya na ko sa kanya. Alam ko namang masama ugali ko pero nakakahiya rin naman.

"Aww!" Ansakit talaga ng ulo ko tapos anlamig lamig pa.

"Boss! Anong masakit??" Masyado siyang concern sakin

"Nothing. Kaya ko na sarili ko" kakayanin ko. Ang hirap ng may sakit eh.

Jared baby sorry ha. Hindi tuloy kita makatabi. Baka kasi mahawa ka sakin eh.

Tatayo na nga lang ako. Dahan dahan lang baka kasi mahulog ako.

Blagg!!

"Boss!!!" Napatayo agad si Archan tinulungan niya kong tumayo. Nadapa kasi ako eh. At anlapit ng mukha niya sakin.

Lubdub. Lubdub. Lubdub

Bakit ganun?? Kinakabahan ba ko?? Bakit naman??

"Sorry. Dito na lang ako" nahiga na lang ulit ako. Ayoko na!!!

"Ano ba gagawin niyo Boss??" Ampangit pakinggan ng boss. Masyado siyang informal.

"Stop calling me Boss. Kevin na lang" ayan. Tumahimik siya tapos lumabas. Kukuha ata ng pagkain??

Dumating din agad siya na may dalang maliit na planggana saka towel na rin. Pinunasan niya ko ng mainit na tubig sa mukha. Nilagyan niya rin ako ng towel.

Lubdub. Lubdub. Lubdub.

Kanina ko pa to nararamdaman. Naiinis na ko!!! Ambilis ng tibok ng puso ko!! Baka dahil to sa sakit ko. Tama. May sakit lang ako

"Buti na lang crush kita kung hindi..di ako pupunta dito eh" haha. Baliw talaga siya. Bubulong tapos rinig ko naman. Saka crush niya pala ko ha

"Crush mo pala ko?" Bigla siyang napatingin sakin.

"H-Ha?? M-May sinabi ba a-ako??" Haha she's blushing!!!

Wait. I'm not smiling. No way!!

"Why are you blushing Archan?" I said with my sexiest voice haha. I don't know why am I doing this. nababaliw na ata ako

"H-Hindi. Mainit lang!" Sabi mo eh. Hindi na lang ako nagsalita pa. Pinunasan niya lang ako ng bimpo saka umalis rin siya agad

Betrilliana Archanny Espinosa parang hindi na ata matutuloy ang plano ko sayo.....



Archan's POV

Binalik ko na yung bimpo saka yung planggana. Pinunasan ko kasi si Boss este Kevin na lang daw pala. Sorry na!! Nakalimutan ko eh.

Sumisikat narin yung araw kaya magdadala narin ako ng pagkain.

"Excuse me po, pwede pong pahingi narin po ng pagkain para kay Kevin" inasikaso nila yung mga pagkain. Bakit parang andami naman

"Bakit po madaming pagkain?" Kasi limang tray ata yung hinahanda nila eh

"Ganyan talaga siya kalakas kumain kapag almusal ineng. Lalo na at may sakit siya. " woahhh. Ang galing naman

"Eh pano po si Jared?" Bata pa lang siya eh. Alangan naman ganyan karami yung kainin niya haha

"Gatas, pancake saka cookies. Tutulungan na lang kita magbuhat" pumayag naman ako kasi andami neto eh. Alangan buhatin ko lahat. Ano ko??? Pugita na may walong galamay. Haha

Habang paakyat kami nagkwento si Nanang. Nanang daw ang tawag sa kanya kasi siya yung parang nanay ni Kevin. Tulog pa yung ibang maids kaya siya palang yung nandito. Mabait naman daw si Kevin kaso hindi lang halata. By the way, wala naman akong say dun. Mabait naman ata talaga siya

"Ako na pong bahala. Thank you Nanang" lumabas na din sa Nanang kaya kaming tatlo na lang ulit.

Si Papa bear,mama bear at si baby bear hahaha. Anlandee ko.

Sino kaya ang mama ni Jared. Ang swerte ng mom niya. Kakainggit

"Archan subuan mo na lang si Jared. Kaya ko na sarili ko" sabi mo yan ha. Baka mamaya...

"Jared..pray muna tayo bago kumain" nag-opo siya tapos pinagdikit niya yung kamay niya saka pumikit siya

Lord, thank you po sa umagang ito. Thank you din po sa pagkain na masarap. Sana po ay gumaling na si Kevin.

Amen.

"Say ahh. Jared" nag-ahh siya tapos sinubuan ko siya ng pancake. Malakas din kumain si Jared. Mana sa daddy at mommy haha. Syempre ako yung mommy haha

Ubos na yung pagkain niya kaya pina-ubos ko na yung gatas niya.

"Nam nam!! Mommy nam nam!" Namnam?? Ano yun

"Busog na yan Archan. Sabay ka na sakin kumain." Ayiee inaaya niya ko haha. Pero sabay daw ako kumain??? Eh mauubos na niya yung pagkain eh.

"Kevin?? Ano kakainin ko. Naubos mo na ata eh" grabe siya oh!

"Oh. Ubusin mo ha" pinagtabi niya pala ako ng isang tray. Ayiee naman. Kinikilig na talaga ako haha.

Isang tray na puno ng fudz. *0* mabubusog na naman ako haha

Buurrrppp!!

"Hihihi. Buchog chi mommy" nakakahiya. Dumighay ako sa harap nila. At mommy daw ang tawag niya sakin. Hihihi.

"Haha. Archan pwede ka ng umuwi kung gusto mo" pinapaalis mo na ba ko mylabs??

Sige kung yan ang gusto mo. Haha. Dami kong alam. Uuwi na ko saka ako babalik. Diba?? Ang talino ko talaga eh

Byebye muna Kevin mylabs saka Jared baby

----------------------------------------------

Sana suportahan niyo ko:***

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon