Chapter 4

1.2K 34 0
                                    

Gabi na rin...at wala akong ginawa kundi ang titigan ang folder na puno ng schedule ni boss bawat araw..

"Goodbye sir" dinampot ko na ang phone ko. Kasi nauna ng lumabas yung boss ko

Sinundan ko siya kaso grabe lang ha!!!yung height ko parang lumiliit pag kasama ko siya. Kaasar lang talaga,,,,tapos 1 kilometro na ata yung layo niya agad sakin(note the sarcasm). Ang haba ng legs ni boss grabe

"Sir!!!! Sir!!!"sigaw ko habang tumatakbo na palapit sa kanya

Lumingon naman siya kaya hinabol ko na. Sabi ko wait lang para huminto siya

"Sir...hahhh...hinnnnddii..kooo..pooo..mainntinndiiihannn yunnggg ...schedule nyyooo" hawak hawak ko pa yung tuhod ko at hingal na hingal. Halata naman sa boses ko dba??

"I'll just message you."tapos umalis na agad siya. Eh pano nya ko matetext kung wala siyang number ko??

"Penge po ng number nyo!!"sigaw ko ulit sa kanya pero hnd nya ko pinansin at nagtuloy tuloy sa kotse nya

"Bastos!!!!!kausap ka pa po boss!!!" Epal talaga yun. Pasalamat siya pogi siya kundi...ano...kundi natapon ko na sya sa bermuda triangle

Sumakay na lang ako sa sasakyan ko at umuwi na. Nakakapagod rin pala yung ganung trabaho. Yung titigan ka lang ng boss mo kasi beast mode siya. GRABE talaga as in!!(note the sarcasm)

Makatulog na nga. Hindi na ko kakain....

Sa Office

"Good morning sir" Bale naka office attire ako ngayon hahaha. Feeling secretary na talaga ako

"Morning" nakasubsob parin sa mga pape--- wait!! Binati nya ko?? Am I dreaming?? Kinurot kurot ko pa yung sarili ko.

"S-sir??" Nakakatakot tong boss ko. Ang creepy. Hindi siya bad mood ngayon pero iba parin aura nya. Atleast nabawasan

Wala siyang sinabi pero nag slight smile siya pero ano dawwww?!?!?! Slight smile!!! Smile!!! Nag smile siya!!! Slight lang pero smile padin!!! Wait....naghahyperventilate ata ako. Inhale. Exhale

"S-sir nag s-smile p-po ka-kayo??" parang natulala ako na ewan. Nakanganga pa nga ata ako

Tiningnan niya lang ako tapos back to work na ulit

"Hindi naman ata ngumiti si boss" Nagpunta na lang ako sa table ko

Hayyy..ambilis lunch na agad namin. Di ko inakala yun ah

"Boss este sir dalan po kita ng lunch. Ano po gusto nyo??" nasa pintona agad ako haha. Gutom na ko e

"Same with you" hindi parin lumilingon sakin tong si boss

okay...umalis na ko at nakipagsiksikan sa elevator haha.

"Excuse me lang po." Sabi nung lalaki.. Grabe siksikan na pumasok pa siya.

Parang pamilyar sakin yung pumasok. Lalaki na medyo mukang pamilyar sakin hahaha xD. Lakas trip ko ah. Gutom kasi ako eh

"Uy miss."

"Miss! miss!" Epal lang yung miss na yun. Hindi pa lingunin

"Miss na nakablazer." Aba nakablazer daw uy!! Magsalita na kasi para hindi na mag-ingay dito sa loob

"Hindi man lang lumingon" oo nga kuya. Ayaw pang lumingon

Ting! (tunog ng elevator)

Biglang may kumalabit sakin paglabas na paglabas ko

"Uy miss di mo ba ko naririnig kanina?" Sabi ni kuya kay...sakin??? Ako yung kinalabit eh

"Ako po?" Tanong ko sabay lingon sa paligid pero ako lang yung nandun

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon