Weekend. Gaya ng napagisipan ko ay mag-aayos ako ng decorations sa bahay.
Naligo muna ako at nagsuot ng shorts at oversized shirt. Pambahay lang para madaling kumilos.
Tulog pa ata si Prylx kaya nagluto muna ako ng agahan namin. Kumain na rin ako para diretso gawa. Nagwalis muna ako sa bahay at sa labas. Medyo mahirap din maglinis kasi anlaki pala netong bahay. Ngayon alam ko na kung bakit marami silang naglilinis ng bahay. Binilisan kong magwalis at naglunas punas naman ako. Yung mga photoframes namin pinunasan ko. Yung family picture namin at yung mga solo picture namin.
Bakit kaya may space yung family picture namin. Si mama at papa nakaupo sa dalawang upuan tapos sa likod naman ay nakatayo si kuya at ako tapos may space. Parang may kulang. Ganun.
Lahat ng family picture namin may ganun. Yung nakaupo kaming apat sa isang sofa, may space sa pinakadulo na para bang may nakaupo doon.
Flashback
"Ma'am and Sir maupo po kayo diyan sa gitna tapos kayong anak ay pumwesto sa likod."
"In a count of three, I'll take a shot. Three, Two--"
"Bae, usog ka ng konti kay Cobalt. Tabi kayo. Bale ikaw ang gitna tapos sa right mo si Cobalt." Sabi ni mama sakin na kinakunot ng noo ko
"Edi may space na sa left ko mama. Panget tingnan."
"Bae sundin mo na lang ang mama mo."
End of flashback
Bakit kaya ganun?? Sa bagay, sasabihin naman nila pag tamang panahon na.
Sinimulan ko ng maglagay ng garlands at xmas lights. Ito pa yung ginamit ko last year eh. Kaya uulitin ko na lang. Tipid din yun.
"Need a hand?" Gising na pala si Prylx
"No need. May kamay naman ako." Tumawa si Prylx. Eh totoo naman ah. May kamay naman talaga ako. Anong tingin niya dito? Palikpik?
"I mean, do you need a help?" Ahh. Yun naman pala eh.
Tinulungan niya akong maglagay ng mga decorations. Tapos ng lagyan ng mga decorations sa loob ng bahay. At yung sign, naaalala niyo pa ba?
Ang sign ko kasi ay....pag si Kevin mylabs ang naglagay ng star sa christmas tree ko ay sasagutin ko na siya pero imposible naman ata yun kasi wala siya.
"Itaas mo ng konti." Ambaba kasi ng pagkakalagay niya dun sa lantern. Nandun siya sa hagdanan at nakatungtong habang hawak hawak yung malaking lantern.
"Ayan! Okay na!"
Nilagay niya na yung lantern dun. Siya ang umaakyat sa hagdan at nagsasabit ng lantern kasi ayaw niyang ako ang gumawa. Sanay naman na kong umakyat dyan eh.
Ikaw parin pala ang hanap hanap~
Parapap~
Na kahit magpanggap~
Di matatago na ang yong yakap~
Ang hanap hanap parapapap~
Di nagbabago ikaw ang hanap hanap~
May tumatawag pala sakin. Nagpalit na ko ng ringtone eh hahaha. Ang ganda kasi. Parang sapul sa puso ko. Ganern hahah.
"Hello! The beautiful speaking."
[Tsk. I'm infront of your house.] Si Kevin mylabs?? Tiningnan ko yung caller at oo nga!!0___0
[Lulusawin mo ba sa titig yang phone mo?] Wahhh. Nakikita niya ko!!! Gaga!! Nasa labas ka kaya ng bahay kaya kita ka niya.
Pinatay ko yung tawag at dumeretso sa gate at pinagbuksan siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Pumasok lang siya dire-diretso at kumuha ng lantern
"Si Prylx ng bahala jan." Pero hindi siya sumunod. Saka nasan ba si Prylx?
"Prylx, andito ka lang pala sa kusina. Andito yung boss ko. Can you make our lunch?" Sana pumayag ka
"Okay."
"Yehey! Thank you!" Hinug ko siya saglit tapos tumakbo na ko palabas.
Ambilis naman ni Kevin mylabs. Nakasabit na lahat ng lanterns. Ilang minuto ko lang kinausap si Prylx tapos pagdating ko---BOOM TAPOS!
Pinapasok ko na siya sa loob at yung xmas tree naman. Sana yung sign gawin niya.
"Asan na yung star?" Tanong niya.
"Eto. Wait ilalagay ko lang." Umapak ako sa upuan pero dahil hindi ko nabalanse ay nahulog ako
"Tsk. Ako na nga." ^//////^ sinalo niya ko tapos....tapos siya na daw maglalagay ng star sa xmas tree. Wahhh!!!
Yung sign!!!!!! Ginawa niya!!!! OMG!!!!! Sasagutin ko na ba siya????
"Hey, bae okay na yung lunch natin. Wait. Your face is like a tomato." Napahawak ako sa mukha ko at dumiretso sa lamesa at kumain.
"Tapos ka na agad Betrilliana?" Kevin mylabs, don't talk to me muna. Kinakabahan pa ko
"Bae, take a rest first. Ako ng bahala dito." Pagsabi nun ni Prylx ay umalis na agad ako at nagpunta sa kwarto ko
Sasagutin ko na ba siya? O hindi.
Isa pang sign, pag nagawa niya yun ay sasagutin ko na talaga siya. Ano namang sign?
Kapag pumasok siya sa work ng may suot na santa claus hat! Tama! Hindi naman siya nagsusuot ng ganun kasi seryoso siyang tao.
Napag-isipan kong maligo at magpalit ng simple dress. Bibili na lang ako ng mga regalo. Naaalala niyo pa ba yung mga batang kasama ko sa mall dati? Bibilhan ko sila. Pati narin yung sa mga bata sa orphanage. May bago akong nakitang orphanage eh. Parang hindi siya bago, parang familiar nga eh.
"Prylx, samahan mo ko sa mall." Wala na pala si Kevin mylabs. Umuwi na daw kasi may emergency sa office.
"Anong bibilhin mo dito?" Nakasunod sa likod ko si Prylx at siya ang nagtutulak ng cart. Ako nauuna kasi namimili ako ng ibibigay ko.
"I discovered a new orphanage. Do you know the feeling that it is new to you but there is something that makes it familiar. Argh!" Kumuha na ko ng mga laruan na panlalaki.
"You are crazy. Not until you have an amnesia that makes that orphanage familiar to you. Alam mo na, baka nagkaamnesia ka at nasa past mo yung orphanage na yun." Napatigil ako sa sinabi niya. Amnesia....
"Hey! Don't be so serious! I'm just joking!" Yeah. Sana nga joke lang. Kasi kung may amnesia ako ay sasabihin naman sakin ni Kuya yun. Argh!! Sakit sa bangs!
Nagbayad na ako. Hinati namin yung mga plastic para mabuhat namin kasi ipapabalot pa namin to. My free gift wrap kasi sa SM tuwing pasko.
"Prylx, kung may amnesia man ako diba sasabihin sakin ng pamilya ko yun?" Sabi ko habang naghihintay sa mga regalo
"I told you not to take it seriously. Pero syempre family mo sila kaya sasabihin nila yun sayo pero kung hindi nila sinabi baka there is a reason behind that." Sabi niya sabay shrug ng balikat.
Bakit ko ba iniisip na may amnesia ako? Ano ko??? Nasa telenobela??
Toot
Fr: Ian Angelo
Long time no text?To:Iam Angelo
Di ka na kasi nagtetext eh:'(Fr:Ian Angelo
Sorry :)
Do you want us to meet?Meet? As in magkikita kami? Parang kinabahan naman ako dun kaya hindi na ko nagreply at umuwi na.
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)