The next day, Tres got an early call from Dev, telling him to meet her at the hospital. He took a bath and drove to the hospital pero nag-drive thru pa siya kasi hindi siya nakapag-bteakfast sa bahay. He even got a video call from Dev while he's driving.
"Asan ka na ba?!" Inis na tanong ni Dev sa kanya.
"Andito na nga. Malapit na." Tres answered. "Malapit nang mabusog." He said and showed Dev the burger he's eating.
"Urgh! Dalian mo kasi, nakakainis naman 'to!" Dev said.
"Joke lang. Andito na ako sa labas ng ospital. Baba ka or tataas ako diyan?" Sabi ni Tres. "Actually, baba ka na lang pala kasi kumakain ako dito sa kotse. Sige na, I'll wait for you."
Tres continued eating his breakfast when he heard knocks on his window so he hopped off his car to open the door for Dev.
"Eto naman, na-late lang ako ng konti, galit na galit na." Tres said. "Sige na, sakay ka na."
Dev went in so sumakay na rin ulit si Tres at kumain ulit.
"Kain ka, oh. Binilhan din kita ng breakfast." Tres said.
"Ayoko. Busog ako." Nakasimangot na sabi ni Dev.
"Weh? Busog daw. Sige na, wag ka na mahiya. Libre yan, wag ka mag-alala." Pamimilit ni Tres sa kanya.
"Busog nga sabi ako eh." Dev said.
"Sure ka?" Tres asked and Dev nodded. "Okay, sakin na lang 'to. Gutom ako eh. Di ako nag-dinner." He said and started driving habang kumakain pa rin.
"Can you finish your food, first? Pag tayo naaksidente, ha." Dev said.
"De, okay lang yan. Ganito naman ako lagi eh." Tres said.
"Kaya nga tignan mo yang mukha mo. Di pa naaksidente, wasak na." Sabi ni Dev.
"Grabe ka naman sakin, doc. Alam mo, ikaw lang hindi nakaka-appreciate sa kagwapuhan ko." Tres said sabay kagat sa kinakain niya namang jolly hotdog. "Lahat sila, sinasabing gwapo ako tas ikaw naman, di man lang makita yon. Bulag ka ba?"
"Wow, ha. Hindi ba pwedeng hindi lang talaga ako nagwa-gwapuhan sayo?" Dev said. "Your face is so mainstream."
"Eto? Etong mukhang 'to, mainstream? Bro, ito lang ganito sa buong Pilipinas. Baka nga sa buong mundo pa eh." Tres proudly said.
"Oo, at yang yabang at kapal ng mukha mo, yan lang din ang ganyan sa buong mundo." Dev said.
"Okay lang, ikaw lang din naman ganyan kaganda sa buong mundo eh." Tres said and stopped his car on the side of the road. "Yiiieee, kinikilig!"
"Baliw! Mag-drive ka na nga lang!" Dev said pero hindi siya pinansin ni Tres. "Ano ba, tara na!"
"Hindi pwedeng uminom lang sandali? Kumain ako, oh." Tres said sabay inom sa kape niya. "Whooo, sarap! Thank you, Lord!"
He continued driving kahit di niya alam kung saan sila pupunta. Basta hindi lang siya tumigil hangga't hindi sinasabi ni Dev.
"Dito na. Dito lang tayo." Dev said.
"Ano 'to?" Tres asked while looking outside his car. "Anong lugar 'to?"
"Engineer ka hindi mo alam 'to?" Dev said. "Office yan nila Vaughnn."
"Oh. Malay ko ba, hindi naman kami nagpupunta dito." Tres said. "Anong gagawin natin dito?"
"Baka mag-a-apply?!" Dev sarcastically said. "Malamang iche-check si Vaughnn!"
"Anong iche-check? Ano pa bang kailangan mong i-check dun eh halos lahat nga nakita mo na? Akala ko ba, makikipag-break ka na?" Tres said.
"Oo nga. Gusto ko lang mahuli siya dito. Malay mo, kasama na naman niya si Ry. Feeling ko kasi, dito sila madalas mag-meet eh." Dev said.
YOU ARE READING
How Would You Feel
RomanceTres Valdez and Dev Lazaro are neighbors who are forced to be parents to a baby whom they saw across the hallway of their condo units. Will this baby mark the start of a new family or will he be the start of an unending war between his new parents?