Tres slept in his condo kasi he has to go Batangas ulit for the project. Nagpaalam siya sa lolo at lola niya na dito na lang siya para kahit papaano eh malapit sa office.
"Thank you, Lord." He said and smiled after doing the sign of the cross. Bumangon siya at lumabas sa veranda ng condo niya. "Good morning, universe!" He said and spread his arms widely. "You look great again 'cause you have Tres Valdez in you!" He said and chuckled.
Bumalik na siya sa loob at naghanda para pumasok sa trabaho. Naligo siya, kumain at nagbihis saka nag-ayos ng buhok niya, as usual.
"Yan! Gwapo ka na, Valdez!" He said to himself habang nakaharap sa salamin sa kwarto niya. "Tara na, engineer! Wag nang babagal-bagal."
Kinuha niya ang bag niya at ang susi ng kotse at bahay niya bago ini-lock ang lahat ng pinto at isinara ang mga bintana. Pasipol-sipol pa siyang naglalakad palabas ng unit niya nung may makita siyang malaking kahon sa gitna ng unit niya at ng katapat niyang unit. Lalapit pa lang siya nung lumabas yung may-ari nung unit sa tapat nung kanya.
"Uy, doc! Good morning! Laki ng package natin, ah!" Tres said and smiled at his neighbor.
His neighbor looked a bit surprised upon seeing him but eventually recovered and spoke.
"Ha? Hindi sakin yan. Baka sayo." Dev said. Yep, confirmed. They're neighbors.
"Luh. Walang magpapadala sakin ng ganyan kalak--"
Hindi natapos ni Tres yung sinasabi niya nung biglang may umiyak na sanggol.
"Oh my God.." Dev said.
Dahan-dahan silang lumapit dun sa kahon para i-check yun. Si Tres na yung ngabukas at parehas nanlaki ang mga mata nila nung nakita na andun sa loob ng kahon yung baby.
"What the fuck.." Tres said. "Sayo talaga yan, doc! Hindi yan sakin!" Sabi niya at lumayo dun sa kahon.
"Anong sakin? Hindi, no!" Dev said, in her defense.
"Eh basta, hindi sakin yan. Sige, bahala ka na sa kanya, ah. Doktor ka naman eh. Alam mo na gagawin diyan! Bye, doc! Good luck!" Sabi ni Tres at tinalikuran na si Dev.
"Hep hep hep!" Dev said and held him on his shoulder then pulled him back.
"Male-late na ko sa trabaho, doc." Tres said.
"So, iiwan mo na na lang sakin 'to?" Dev said and raised an eyebrow to him. "Papasok din ako sa trabaho pero hindi ko naman kayang iwan na lang 'tong bata dito."
"Eh anong gagawin natin?" Tres asked.
Dev picked the baby up at isinayaw-sayaw muna siya para tumahan.
"Bumili ka ng gatas at feeding bottle." Dev said.
"Ako?!" Tres exclaimed.
"May iba ka bang nakikita? Tayo lang tao dito, diba? Sige na. He won't stop crying." Dev said.
"Pucha naman. San ba nakakabili non?" Kamot-ulong tanong ni Tres.
"Diyan sa Mercury sa baba, meron. Dalian mo, ha!" Dev answered.
"Wow, ha." Tres said but Dev just rolled her eyes on him kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumunod.
Tres went out of the condo building at dumiretso sa Mercury just like what Dev told him. He walked around looking for feeding bottles and milk. Bumili na rin siya ng tubig kasi baka hindi pwede sa baby yung tubig nila sa condo.
"Langya, late na ko." He said while he's inside the elevator at pabalik kay Dev.
While inside, his phone rang. His boss is calling him.
YOU ARE READING
How Would You Feel
RomanceTres Valdez and Dev Lazaro are neighbors who are forced to be parents to a baby whom they saw across the hallway of their condo units. Will this baby mark the start of a new family or will he be the start of an unending war between his new parents?