Another month have passed and this is finally the day. Isang buong buwan na inaasikaso ni Tres yung proposal na gagawin niya at eto na yung araw na yun. He told Yvonne that he'll give Dev the proposal of the century and that's exactly what he's gonna do today.
"Ya, alis na po ako, ah." Paalam ni Tres kay Yaya Elen. "Kayo na po bahala. Sabihin niyo na lang po kay Dev pinatawag ako nang maaga sa office."
"Maniniwala ba yun? Ganito kaaga? Alas kwarto?" Yaya Elen said.
"Eh, basta, ya. Kayo na po bahala magpalusot sa kanya--"
"Idadamay mo pa talaga si yaya sa mga kalokohan mo?!" Dev said.
"A-ah, love.." Tres said.
"Ano?" Taas-kilay na sabi ni Dev. "Sige, umalis ka na! Go!" She said and pushed Tres away. "May kikitain ka, diba? Sige na!"
"Love, love, hindi yun ganun!" Tres said habang pinipigilan si Dev na maitulak siya hanggang sa labas ng unit. "Mahal, hindi nga yun ganun. Please, makinig ka muna sakin.."
"Whatever! I don't wanna listen to you!" Dev shouted.
"L-love, wag kang maingay. Nakakahiya sa mga kapit-bahay.." Tres said.
"Sabi ko na, eh." Dev said, not minding what Tres said. "Tanga kasi ako, eh. Isang sorry mo lang, isang yakap lang, marinig ko lang yung mga sweet mong salita, naniniwala na agad ako sayo. Hindi ko na nakikita na niloloko mo ako!"
"Mahal, hindi kita niloloko.." Tres said. "Please, makinig ka naman, oh.."
"Mama mo, makinig!" Dev said and slammed the door shut on him.
Tres creased his forehead, "Paano makikinig si mama eh wala na nga siya dito?" He said. "Love naman.."
Umalis siya para puntahan yung lugar kung saan siya magpo-propose. Yun naman kasi talaga ang gagawin niya. He's on leave for a week na para nga dito pero parang hindi pa ata matutuloy? Lol.
"Ang kapal ng mukha niya! May anak na kami tas nagloloko pa rin siya?!" Dev said. "Porke ba gwapo siya, mabait at gentleman at alam niyang maraming magkakagusto sa kanya, mambababae na siya?!"
Nakakunot ang noong napangiti naman si Yaya Elen dahil sa sinabi niya.
"Galit ka ba talaga, anak?" Natatawang tanong niya.
"Yaya, naman." Dev said. "Nanggigigil ako sa kanya!"
"Pero, gwapo siya? Mabait at gentleman?" Yaya Elen said with a teasing smile. "Sige, puntahan ko lang si Kobe."
"Yaya, help me!" Dev said.
"Anong gagawin ko eh pinaalis mo?" Yaya Elen said. "Kumalma ka nga. Mahal ka nun."
//
"Dapat nag-propose ka na agad kanina!" Rome said.
Dumiretso kasi si Tres sa unit nila Rome at Bianca pagkatapos niyang i-chekck yung place.
"Propose eh ayaw nga makinig sakin. Anong iisipin nun, ginagawa ko yun para makalusot sa "kasalanan" ko? Alam mo naman yun, diba." Tres said.
"Bakit kasi ang aga mong umalis!" Bianca said.
"Maaga ako lagi umaalis for a week na, Biancs. Ewan ko ba, bat maagang nagising yun ngayon." Sabi ni Tres.
"Oh, eh anong plano mo ngayon?" Rome asked
"Susuyuin ko, malamang."
"Paano pag inabot ka pa ng kinabukasan o ilang araw diyan sa panunuyo diyan? Alam mo naman yang babaeng yan, may taglay ding kaartehan sa katawan." Bianca said.
YOU ARE READING
How Would You Feel
RomanceTres Valdez and Dev Lazaro are neighbors who are forced to be parents to a baby whom they saw across the hallway of their condo units. Will this baby mark the start of a new family or will he be the start of an unending war between his new parents?