32

570 22 3
                                    

Because of what happened, his grandparents told Tres to stay in QC until he's okay. Maybe, after the surgery. Basta, hangga't hindi pa siya okay, ayaw nilang dun siya mag-isa sa condo niya.

"La, alis na po ako." Yvonne said.

"Ang kuya mo, tulog pa ba?" Tanong ni Lola Au.

"Tulog pa, la. Gisingin ko na po ba?" Yvonne said.

"Wag na. Hayaan mo na munang magpahinga." Sabi ng lola niya. "Oh, take care, okay? Make sure na sa school lang ang punta."

"Opo. Bye, lo. Alis na ako." Yvonne said and hugged them saka nagmano at umalis na.

Asa labas na siya at maglalakad na dapat palabas ng village nung narinig niya ang boses ni Tres.

"Ash!" He called.

Nakadungaw siya sa bintana ng kwarto niya at ngiting-ngiti.

"What?" Yvonne said.

"Oh!" Tres said and threw the key of his car to her. "Use it." He smiled.

"Weh?" Yvonne said.

"Oo nga. Go, bago magbago isip ko." Tres said pero nakatingin lang si Yvonne sa kanya. "Sige na!"

Yvonne smiled, "Thank you, kuya! Love you!" She said and excitedly went to their garage to get Tres' car.

Si Tres naman, naupo sa kama niya at tumitig sa picture ni Jesus na nakadikit sa drawer niya.

"Thank you, Lord." He said and smiled.

Pagkatapos niya magdasal, bumaba na rin siya at naabutan si Yvonne na andun pa rin at pinupunasan yung kotse niya.

"Male-late ka niyan eh. Akin na nga." Sabi niya at kinuha kay Yvonne yung pamunas at siya na ang tumapos. "Sige na. Baka bawiin ko pa sayo yan."

"Thank you talaga, kuya!" Yvonne said and hugged him.

"Sus. Kagabi ang sungit-sungit mo sakin eh." Tres said, but he hugged her back.

"Eh ikaw naman kasi, eh." Yvonne said. "Pero, thank you pa rin! Labyu!"

"Hmm, ingat ka ha. Okay lang magasgasan yan, wag lang ikaw." Sabi ni Tres.

"Naks! Bait mo today, ah!" Yvonne said.

"Pinahiram mo pa pala ng kotse yan?" Sabi ng lola nila nung narinig na nag-uusap sila.

"Eh, hayaan niyo na, Lomy. Para din may gumamit ng kotse na yan kung sakaling mamatay na ako." Tres said. "Sayo na yan, Yvs pag wala na ako." He said and even wiggled his eyebrows at her.

"Hindi ka mamamatay, okay? Tigilan mo nga yang mga ganyan mo, kuya." Yvonne said. "Hindi nakakatuwa."

"Bakit, ayaw mo ng kotse? Akin na yang susi." Tres said.

"Oh, edi ayan na. Ayoko na gamiting yang kotse mo kung ganun lang din naman pala." Yvonne said at lalabas na sana ng gate pero pinigilan siya ni Tres.

"Uy, joke lang! Hahaha. Eto na, oh. Gamitin mo na, sige." Tres said.

"Wag na, ayoko na." Yvonne said.

"Joke nga lang. Arte nama nito!" Sabi ni Tres. "Oh, ayan na. Sige na, wag ka nang maarte."

"Don't say that again, okay? I don't wanna hear it anymore." Yvonne said.

"We have to face it, guys. Hindi pwedeng ikulong natin yung mga sarili natin sa hope na mabubuhay ako at gagaling. Pwede yung mangyari, oo. Pero, pwede ring hindi." Tres said. "Kaya, simula ngayon, lahat ng gagawin ko, hindi na para sa sarili ko. Para na sa lahat ng taong mahalaga sakin. Para kung sakaling, ma-tripan na ni Lord na magkita na ulit kami nila mommy at daddy, eh hindi ako magsisisi kasi nagawa ko yung mga gusto at dapat kong gawin habang andito pa ako, diba. Ganun lang yun. Wag tayong masyadong positibo para hindi tayo masaktan sa dulo. Oh, diba!" Sabi niya habang nagiting-ngiti pa. "Yun naman eh kung sakali lang."

How Would You FeelWhere stories live. Discover now