33

605 22 3
                                    

Since hindi nga pumapasok si Tres, nag-decide sila Rome na puntahan siya sa QC.

"Ano bang sabi ni big boss about kay Tres?" Wesley asked.

"Wala. Anong sasabihin nun?" Cheska said. "Okay lang daw. Pagaling, ganun."

"Eh, nagpaalam ba kayo na pupuntahan natin si gago?" Rome asked as well.

"Di na kailangan. Siya pa nga nagsabi na baka wala daw kasama si Tres eh. Puntahan daw natin." Sagot naman ni Cheska.

"Anak ng pucha! May favoritism talaga sa kompanyang 'to." Biro ni Rome.

Cheska chuckled, "Para namang bago pa yun? Tres has always been big boss' fave. Kaya nga fave din siya bigyan ng gawain, ano ka ba." She said.

"Sabagay. Mas nakatutok naman yun sa computer kesa satin." Rome said.

"Dami niyong sinasabi." Wes said. "Tara na agad. Pumayag naman na, diba?"

They drove to QC but dropped by the mall first to get Tres fruits and milk. Alam naman nilang hindi siya yung mahina na nakaratay at dinadalhan ng mga ganito pero gusto lang din nila pag-tripan. You know, it's not 👷🏻‍♂️ Inhinyeros 👷🏻‍♂️ without this kind of trips.

"Doorbell muna, gago." Rome said kasi papasok na agad dapat si Wesley.

"Do-doorbell pa. Hindi sanay dito?" Wesley said at imbis na mag-doorbell, sumigaw siya. "Lola Au! We're here!"

"Nakakahiya sa mga kapit-bahay nila, oh!" Saway ni Cheska sa kanya.

Hindi naman siya pinansin ni Wesley at hindi na nagpapigil pumasok. Sinalubong naman siya ni Lake na excited na dinambahan siya at dinilaan sa pisngi.

"Shit, Lake! Para ka talagang amo mo, may sapak ang utak!" Wes said.

"Oh, kayo pala yung maingay eh!" Lola Au said. "Pasok kayo, pasok."

"Hi, lo!" Bati nila kay Lolo Al at saka nagmano.

"Ang magaling niyo pong apo, asan?" Rome asked.

"Edi, asa kwarto niya. Wala naman yang ginagawa dito kundi magkulong sa kwarto. Pakanta-kanta dun at puro PS5 niya ang inaatupag." Lola Au answered. "Pero, baka ngayon tulog yan. Tahimik eh."

"Gisingin po namin, la, ah." Cheska said.

"Ay, sige. Buti nga at dumating kayo." Sabi ni Lola Au.

"Akyatin niyo na, sige." Sabi naman ni Lolo Al.

Umakyat nga yung tatlo sa kwarto ni Tres at ni hindi na kumatok. Dahan-dahan silang nagsipasok kasi tama si Lola Au, tulog nga siya.

"Hayop ang itsura, ah! Pang-model ng kama." Natatawang bulong ni Rome.

"Tanga, model ng unan! Tignan mo yakap sa unan, oh. Pusta, may tulo ng laway yan!" Bulong din ni Wes.

"Wag kayong maingay, magising yan eh." Cheska said.

"Eh, diba yun nga yung goal! Ang gisingin siya!" Sigaw ni Rome at hinampas pa si Tres ng unan.

Gulat na gulat na napa-upo naman sa kama si Tres at napa-simangot nung nakita yung tatlo.

"Kingina niyo, lumayas kayo sa harapan ko." He said and lied on his bed again then covered his face with a pillow. "Alis na!"

"Gisingin ka nga daw namin sabi nila Lola Au." Wes said.

"Tigilan niyo ako!" Tres said.

"Sungit ng putek! Bangon na diyan, dali! Dun tayo sa baba. Papakabulok ka na naman dito eh!" Sabi ni Rome.

How Would You FeelWhere stories live. Discover now