28

675 27 8
                                    

Last two weeks na nila dito sa Cebu kaya focus na focus na sa trabaho sila Tres. Obvious naman na hindi matatapos yung condo in a month. Lol. Gusto lang talaga nung client na at least the first month, andito yung mga engineers at architects para tutok daw sa project. The next months, yung foreman na lang yung magbabantay tas pupunta-punta na lang sila dito.

"Bro, pahinga ka naman muna. Kanina ka pa pabalik-balik eh." Rome told Tres.

Alis kasi nang alis si Tres kasama si Jas at ibang construction workers kasi bumibili na sila ng ibang materials na gagamitin for the next months of the construction.

"Okay lang, tol." Tres said and took a deep breath saka uminom ng tubig.

"Kami kaya muna sumama sa kanila?" Wes said.

"Sige nga, pre. Alam naman na nila kuya yung mga kailangan eh. Tsaka, andiyan naman nakalista." Tres said as he sat on the chair at the side.

"Ayos ka lang ba?" Rome asked.

"Ayos lang. Kapagod lang magpabalik-balik." Tres answered and drank from his water bottle again. "Sama na lang kayo parehas. Si Jas lang mag-isa dun eh."

"Sige sige." Rome said. "Sure ka, ayos ka lang, ah?"

"Ayos nga lang ako. Sige na, para matapos na din yan." Sabi ni Tres at tumango sa kanila.

"Maputla ka ata, tol." Sabi ni Wesley.

"Wala yan. Pagod lang ako. Sige na, naghihintay sila dun sa labas." Tres said and smiled at them. "Parang mga tanga. Okay nga lang ako! Sige na." He said and chuckled kasi nakatitig lang yung dalawa sa kanya.

"Baka masama pakiramdam mo, ah?" Wes said.

Tres chuckled again, "Okay lang ako. Masyado niyo naman akong lab eh. Hahaha. Sige na, sige na. I'm fine." He said and gave them a reassuring smile and a thumbs up.

Rome and Wes went out of the site pero sinabihan muna nila si Cheska na lapitan si Tres kasi mukha talagang hindi okay yung pakiramdam niya.

"Si Dev, asa lab--ayon." Cheska said.

Hindi pa kasi siya tapos magsalita, tumingin na agad si Tres sa kanya. Yung kaninang nakatungo, biglang napaayos ng upo nung narinig ang pangalan ni Dev.

"Masama daw pakiramdam mo?" Cheska asked.

"Kulit talaga ng mga yun." Tres whispered. "Okay lang ako. Kapagod lang yung pagbalik-balik from here tas sa bilihan ng materials." He said.

"Malayo ba?" Cheska asked.

"Hindi naman. Ewan ko nga rin kung bakit ang bilis ko mapagod ngayon eh." Tres answered.

"Kasi, lolo ka na!" Asar ni Cheska sa kanya.

"Lolo amp. Hiyang-hiya naman ako sayo, no." Tres said and chuckled a bit. "Pero, medyo totoo. I feel like I can't play basketball anymore."

"OA naman. You're just 27. Basketball lang, kayang-kaya mo yun." Cheska said.

"Eh, I'll do surgery pa after natin dito, diba. Baka lalo na akong hindi makalaro." Tres said.

"About that nga pala. Anong sabi ng doktor mo?" Cheska asked.

"Wala naman. Next month pa talaga sched ko nun. Wala naman siyang sinabi na bawal kong gawin. I just have to be ready lang daw." Sagot ni Tres.

"Are you ready?" Cheska asked again.

"Yeah. I guess, I am. I have all the reasons to do it. I have my family, you guys, Kobe and Dev. Gotta do it for all of you." Tres said and smiled. "Risky pero.." He said while slowly shaking his head.

How Would You FeelWhere stories live. Discover now