Chapter 3

7.1K 112 15
                                    

I cried silently. Ang pangit ko na ngayon.  Ang make-up ko kanina ay hindi na maayos at nagkalat na sa pag-iyak na ginawa. Tahimik din na hinahagod ni Caren ang aking likod habang umiiyak ako.

Kumuha ako ng make-up remover at nagsimula na sa pag tanggal ng kalat na make-up. Tulala ako at sobrang lalim ng aking iniisip habang busy si Caren sa paglalagay ng make-up.

Sinuot ko ulit ang suot ko kanina. Lumabas ako at pinanood ang ibang model. Hindi ko nakita ang dalawa sa loob ng studio. Hindi ako sumama ng lunch sa mga ito.

Di na rin bago sa mga kapwa ko modelo at mga staff ang hindi ko pagsama.

"Nagtanong ang mommy mo. Kung kanino daw galing ang bulalak?"  Bumuntong hininga ako.

"Sabihin mo na lang na galing sa boyfriend ko." Tumango ito.

Wala na akong gagawin ngayong araw kaya heto nakahilata ay panay ang scroll sa social media account ko. Selos na selos ako dahil sa post ni Ayesha.  Kitang-kita ko ang sweetness ng dalawa sa bawat kuha. 

Sumapit ang gabi naligo ako para makapag handa sa pagtulog. Saktong kakatapos ko lang maligo ng tumunog ang doorbell.  Lumabas ako ng silid.
Ilang beses tumunog ngunit walang Caren ang nagbubukas ng pinto.

Tulog na siguro ito dahil sa pagod. Naglakad ako para buksan ang pinto. Tinignan ako ni David mula ulo hanggang paa. Busangot ang mukha nito. Pumasok siya, ako naman ay ni lock ang pinto.

Uupo na sana ito sa couch sa living room ngunit nakita ako nitong naglakad patungo sa direksyon ng hagdan. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Umupo ako sa harap ng vanity dresser at sinaksak sa outlet ang blower.

Nagsimula na ako sa pagpapatuyo ng aking buhok. 

"Bakit ikaw ang nagbukas ng pinto?
At bakit robe lang ang suot mo? Paano kung hindi ako ang nasa labas?" Tinignan ko ito gamit ang salamin.

"Ikaw naman ang nasa labas." Nagsimula na ulit ako sa pagpapatuyo ng aking buhok.

"Goodness! Paano nga kung hindi ako?" Sinadya kong isalubong ang aking kilay at hindi na ako nag-aksaya pa sa pagsagot.

"At hindi ka pa pumunta sa lunch kanina,  what are you even thinking?" Kumuha ako ng underwear at nagsimula na ako sa pagsuot.

Hinubad ko na rin ang robe at nagbihis na ako ng lingerie.

"Halika, lalagyan kita ng product na ginagamit ko for my night routine." Hinala ko ang braso nito at pinahiga sa kama..

Nagsimula na ako sa paglagay ng mga kalorete sa mukha nito.

"Why are you  even changing the topic?" Bumuntong hininga ako.

"Pumunta ka ba rito para awayin ako dahil lang hindi ako pumunta?" Tumigil ako sa ginagawa. 

"Baka maghinala ang mga tao Hailey." Wala namang nakakasakit sa sinabi nito pero bakit nasasaktan ako?

"Walang maghihinala hon, alam ng mga tao na hindi ako pumupunta sa mga invitation. Magtataka pa ang mga ito kapag pumunta ako sa restaurant." Ipinagpatuloy ko na ulit ang aking ginagawa.

"Dito ka ba matutulog ngayon?" Tumango ito.

"Yes, is there a problem?" Mabilis akong umiling.

"Tulog na tayo," Humiga na ako sa tabi nito at mahigpit itong niyakap.

Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakabihis bumitaw ako sa pagkakayakap. Pinagmasdan ko ito na nag hubad ng kanyang t-shirt na suot at jeans na suot.

"Kailan ba ninyo balak magpakasal?" Tanong ko ng matapos na ito sa paghubad.

"This month, we will have our civil wedding. Then this year we will have our church wedding." I nodded.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon