Chapter 31

3.2K 53 1
                                    

Sa paglalakad namin patungo sa baby section  panay ang sulyap ko kay David. Alam kong nahahalata nito ang tingin na ginagawa ko pero wala na akong paki-alam.

Aminado ako na kinikilig ako kanina. Kinilig ako dahil sobrang genuine niya nang sabihin niya iyon kanina. Ang spark sa mata nito habang sinasabi niya na bibili kami ng damit para sa baby.

Nararamdaman ko na mas exited pa ito bumili kaysa sa akin. Nakarating na kami sa baby section ng mall. Binitawan ni David ang kamay ko at naglakad sa direction kung saan ang mga damit ng lalaki.

Sinundan ko ito. Kumuha na ito nang mga damit ng panlalaki. Nanlalaki ang mga mata ko sa kinuha nito. Mga damit na para na sa four to five years old.

“What are you doing?” nakasampay pa sa balikat nito ang mga damit na hindi naman na kailangan.

“Kumuha ng damit?” nakataas ang kilay na sagot at tanong nito.

“Mga pang baby na muna ang bilhin mo David. Para hindi masayang ang pera ko. At isa pa hindi pa sure ang gender ni baby,” hindi pa rin ito nakinig at kumuha pa ng damit.

“Sinong nagsabi na ikaw ang magbabayad? Ako ang magbabayad nito.”

“Huwag kang magbayad David. Ako ang magbabayad. Isa pa nararamdaman ko na babae ang magiging anak ko,” umiling ito.

“Ramdam ko na lalaki ang anak natin Hailey. Gusto ko ring bilhan ang anak natin Hailey. Ano bang pipoproblema mo para naman 'to sa bata,” bagsak ang balikat ko dahil alam ko na wala na akong magagawa

“Bakit nararamdaman mo na lalaki ang anak ko aber?” nakapamaywang pa ako habang tinanong ko ito.

“Umitim ang kilikili mo Hailey. Nagtaka rin ako kung bakit ko na sabi na lalaki ang anak natin. Sabi sabi na kapag lalaki ang anak pumapangit daw ang babae pero bakit ganoon? Bakit mas lalo kang gumanda.”

Hinampas ko ito. Bakit ba kasi palagi akong pinapakilig ni David. Feeling troubled na tuloy ako. Ayokong mahulog ulit kay David. Mas gusto kong problemahin ang anak ko kaysa sa tibok ng puso ko.

Biglang uminit ang ulo ko nang maalala ko ang sinabi nitong umitim ang kilikili.

“Hindi umitim ang kilikili ko David. Nag-shave ako nang isang araw. Sinungaling!” 

“Hm? Punta ka na sa mga damit pambabae.” Umiling ako at inirapan ito.

Naglakad na ako palayo kay David. Lahat ng mga nagugustuhan ko na damit pang babae ay kinuha ko. Hindi na ako nagkaproblema nang lumapit ang isang saleslady at kinuha ang mga damit na hawak ko.

Ngayon na magiging ina na ako mas gusto kong bumili ng damit para sa anak ko. Hindi ko rin inaala kung magkano na ang gastos ko pero pagdating sa akin inaala ko at nanghihinayang ako kapag gumagastos ako ng malaki

“Nabayaran ko ang sa pinamili ko Hailey,” napalingon ako rito at napatingin sa hawak nitong paper bag.“Hindi ka pa rin ba tapos sa pagpili ng mga damit?”

“Tapos na,” napilitan kong sabi at sinamahan ang saleslady sa cashier.

Sumunod si David sa amin. Kinuha ko na ang card ko. Hinintay na matapos ang cashier sa punch ng mga order.

“Here is my card Miss,” napatingin ito sa akin.

May card na, na hawak ito. Ito ang ginamit niya para mabayaran ang lahat ng pinamili ko.

“Ito na po ang card Sir,” hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na si David.

Inabot nito ang card. Dahil sa galit ko nahampas ko tuloy ito.

“Sabi ko ako magbabayad ng mga bibilhin ko,” nginuso ni David ang mga babae ngayon ay nakatingin na sa akin.

“Sabi ko sa inyo kanina may LQ kami,” kinuha nito ang paper bag.

Bago kami magpatuloy sa pamimili kumain na muna kami nang snack. Marami-rami na rin ang taong naglalakad sa mall. Sa may bench kaming dalawa ni David habang kumakain kami ng shawarma habang may ice cream akong hawak.

“Pagkatapos natin dito gusto ko ng umuwi ng bahay. Gusto ko na humiga sa malambot na kama,” tumango ito.

Pinapanood namin ang mga tao na naglalakad. Mga magkapamilya, magjowa, at magkaibigan na naglalakad.

“Kamusta na si Ayesha David?”

“Ngayon ko lang naalala baka abotin ako ng buwan bago ako makauwi Hailey. Nangako ako kay Ayesha na manatili sa Singapore nang dalawang linggo. We can contact each naman through Skype,” nalungkot ako sa narinig.

Kung hindi nakakakilig ang sinasabi ni David, nakakalungkot naman. Humikab ako.

“Uwi na tayo David. Inaantok na ako,” inaantok na ako at nawalan na ako nang gana na mamili.

Bumalik na kami sa sasakyan. Sobrang tahimik ng paligid. Walang nagsasalita at wala rin akong balak na magsalita. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Sa sobrang tahimik na rin siguro ng paligid kaya nagpaubaya na ako sa antok.

Nagising ako na buhat buhat na ako ni David. Nakapulupot ako sa leeg ni David ng wala sa oras.

“Ibaba ako David.” Umiling ito.

“Continue your sleep. You look exhausted.” hindi ako nakinig at pinulupot pa lalo ang aking kamay.

Nakarating na kami sa aking silid. Dahan-dahan akong binaba ni David sa kama. Ipinikit ko ang aking mata.

“I love you,” ito ang huli kong narinig bago ako matulog.

Nagising ako na kumukulo ang aking tiyan at nararamdaman ko ang nakapulupot na kamay sa aking tiyan. Kaya pala nagising ako dahil pala sa kamay na nakadagan sa akin. Napangiti ako.

Hinarap ko si David. Maamo ang mukha nito habang natutulog. Hinaplos ko ang jaw line nito na sobrang define. Sa tagal na pagiging modelo ko wala yata akong nakitang Gaisano na pangit. Mga magulang hanggang sa anak ay may taglay na kagandahan na dinadala.

Crush na crush ko na talaga ito, noon. Kaya umabot ako sa pagiging kabit nito. Hindi ko pinagsisihan lahat nang nangyari sa akin. Hindi ako nagsisi na naging kabit ako. Dahil kung hindi, hindi ako papayag na maikasal sa gusto ng mga magulang ko para sa akin.

Hindi ko makikilala si Cross at baka hanggang ngayon hindi pa rin ako buntis. Gustong gusto ko na magkaroon ng anak. Mas marami mas maganda pero paano ako magkakaroon ng anak na marami kung patay na ang mahal ko.

Nagmulat ng mata si David. Mabilis na binawi ko ang aking kamay at nagpanggap na natutulog.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon