Chapter 26

3.1K 56 0
                                    

Naghintay ako na dumating si David na dala ang gusto kong mangga. Takam na takam na talaga akong kumain ng mangga.

“Mahirap maghanap ng mangga ngayon anak. Lalo na at hindi tag-bunga ng mangga. Hintayin mo na lang ang kaibigan mo na dumating.” Tumango ako kay mommy.

Tumango na ako rito pero ang mga mata ko pa rin ay nagpabalik balik ang tingin sa entrance.

I've been tapping my feet and looking to my wrist watch for a while now. Nagmadali akong tumayo ng makita finally nakita ko ng pumasok si David. May dalang paper bag si David.  Sinalubong ko pa ito sa kanyang paglalakad.

“Ilang oras kang nawala. Nabili mo ba ang mangga? At marshmallow?” I pouted while asking him.

Kinuha ko ang paper bag sa pagkakahawak nito. Narinig ko na lamang ang bahagya nitong pagtawa sa aking ginawa. Nauna na akong naglakad sa isa sa mga lamesa. Inilapag ko ang paper bag sa lamesa.

Naramdaman ko ang presensiya nito sa aking likuran.

“Binalatan na 'yan. Bumili ako ng ginamos para gawan mong sawsawan. Naglagay din ako ng suka, asin at toyo sa container baka hindi mo gusto bilang sawsawan ang gamos.”  Habang nagsasalita si David ako naman ay busy sa paglabas ng mga lalagyan.

Nang makita ko ang mangga at marshmallow ay sobra na akong naglaway. Una kong binuksan ang sachet ng marshmallow. Binuksan ko na din ang lalagyan ng suka at toyo. Pinaghalo ko ang mga ito at umupo.

“I'm sorry hindi ka tuloy nakapasok sa trabaho dahil lang sa pagpapabili ko. Maraming salamat din sa pagbili nito. I've been craving for this for a week now David.”

“No worries. Just tell me if you have cravings. I will buy it for you--yucks!” Nag-peace sign ako kay David.

Sinubo ko ang marshmallow na ininasaw ko sa tuyo at suka. Sarap na sarap ako sa pagkain ng marshmallow. Habang ang kaharap ko ay hindi itinago ang pandidiri habang tinitignan ako nitong kumain ng marshmallow na mas naging malambot pa dahil nabasa ng toyo at suka.

“Masarap? Ew! Sobrang nakakadiri talaga.”

“Gusto mong itry?” Umiling ito parang buntis na umalis dahil mukha itong magsusuka.

Ang sarap kaya. Bakit diring diri ito sa pagtingin sa akin. Hindi niya pa naman sinusubukan na kainin ang kinakain ko. Walang masyadong nakakita sa akin.

Maraming kaibigan si David kaya tuwing gabi ay maraming pumupunta.

“What are you eating?” tanong ni mommy.

Kumuha ako sa lalagyan at pinakita ko kay mommy ang marshmallow at isinawsaw ko sa toyo sa harap ko. Napakunot ang aking noo ng ngumiti si mommy sa akin. Naghila pa ito ng upuan sa harap ko.

“Bakit ka po nakangiti hindi ka po ba nandidiri?” tanong ko kay mommy.

“Bakit naman ako mandidiri kung dumaan din ako di'yan. Nagmana ka sa akin Hailey at pati rin pala sa paglilihe nagmana ka rin sa akin anak. Kaya hindi na pinagdagan ng daddy mo ang anak namin dahil ayaw niya na raw akong makita at kumain ng mga nakakadiring pagkain.” tumawa ako.

Ano kaya ang itsura ni daddy habang kumakain ng mga weird na pagkain ni mommy. Napangisi ako ng may naisip ako na kalokohan. Ngayong araw napagaan ni David ang aking pakiramdam kahit papano.

“I am not imagining when I see you smile?”

“Gumaan din po kahit papano ang nararamdaman ko mommy. May naisip lang po kasi ako na kalokohan.”

“Whatever is your kalokohan I will support you. I just want you to be happy. I will leave you here.” Tumango ako.

Ilang sandali ay bumalik na si David. Tumingin pa rin ito sa pagkain na kinakain ko at napangiwi ng makita na kumakain pa rin ako.

“Upo ka David.” Turo ko sa upuan sa aking harapan.“Saan ka galing?”

“Comfort room. I vommit.” Umiwas ito sa pagkain na nasa harap ko at nakatingin lang ito sa mukha ko.

“Gusto mong itry? Masarap 'to promise. Kaibigan kita kaya gusto ko matikman mo ang masarap na pagkain na kinakain ko.”

“No thanks. I'm already good.” Nag-puppy eyes ako.

Umiwas ito ng tingin sa akin. Ayaw nitong mapilit ko ito sa pagkain ng marshmallow. Hindi ko alam saan ko nahugot ang luha sa aking mata. Feeling ko nirereject din ako nito sa pagtanggi nito ng pagkain.

Naglandas ang mga luha sa magkabilang pisngi habang nakatingin pa rin ito sa akin. Finally tumingin din ito sa aking direksyon. Lumambot ang expression ng mukha nito ng makita akong umiiyak.

“What do you want me to Hailey? Don't cry please...”

“Eat what I want you to eat. If you eat these marshmallow I will stop crying.” Bumuntong hininga ito at napatingin ito sa marshmallow na isinawsaw ko.

“How many marshmallow shall I eat?” napalunok ito.

“Just five pieces of mashmallow.”

“Sige pero kailangan subuan mo ako.” Masaya akong napangiti

Sinubuan ko na ito pagkatapos kong isawsaw ang mashmallow. Napapikit ito habang nginunguya ang mashmallow.

“Kadiri!” Sumimangot ako sa narinig.

Nevertheless binigyan ko pa rin ito ng mashmallow. Wala itong nagawa kundi ang kainin ang mashmallow. Aba! Dapat lang no, ako nga noon kahit ayaw ko sa lasa ng cum niya pinapalunok pa rin sa akin kahit ayaw ko ang lasa.

“Pang huli na 'to.”

“Miss.” tawag nito sa isa sa mga kasambahay.

“Bakit po sir?” lumapit na ito sa amin.

“Can you please get me a cup of water or juice.”

“Sige po sir.” Nagmadali na itong umalis.

Nang humarap na ito sa akin ay napangiti na ako. Kabaliktaran sa expression ng aking mukha ang mukha nito. Busangot na busangot ang mukha nito pero wala na itong reklamo ng isubo ko ang mashmallow sa bibig niya.

“Masarap di'ba?” tanong ko.

“M-asarap.” Utal Utal na sabi nito.

Inabot ng kasambahay ang tubig kay David at nagpaalam na aalis na ito. Mabilis na uminom si David ng tubig. Nakamasid lang ako ng binuksan nito ang container na naglalaman ng nangga. Sobrang bilis ng kilos ni David nang mabuksan na nito ang container.

Kumuha ito ng mangga at isinubo. I don't know what is his reason. Bakit nagmadali ito sa pagkain ng mangga.

“Ang asim.” Iniluwa nito ang mangga.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon