Chapter 22

3.7K 68 4
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko na masusuka na ako. Bumangon ako ng kama at nagmadali akong tumakbo papasok ng banyo. Sinuka ko lahat ng kinain ko sa bowl. Niyakap ko na ito at sobrang sakit na ng lalamunan ko kakasuka ng laway.

Tinali ko ang aking buhok ng matapos ako sa pagsusuka. Pinakiramdaman ko na muna ang aking sarili. Nang wala na akong maramdaman ay naglakad na ako patungo ng lababo at nag-toothbrush.

Naligo na din ako para deritso na ang punta ko sa funeral. Patunay na hindi panaginip ang lahat ng hindi ko makita si Cross sa ibabaw ng aming kama. Wala na ang asawa ko na hubad at tangging boxer ang suot na tila ang angel na natutulog.

Napabuntong hininga ako at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapa-iyak dahil sa lungkot. Oras lang na wala si Cross pero bakit tila kay taon na ang lumipas na hindi ko ito nakita.

Tinatagan ko ang aking sarili at lumabas na ng silid at matapos ako sa pagpapatuyo ng buhok at pagbibihis. Isang plain na off shoulder ang aking suot. Na pinares ko sa korean black sandal.

Wala akong flat na sandal dahil hindi ako mahilig. Itong sandal na ito ang pinakamalaking sandal na mayroon ako.

“Ready na po ang breakfast ni'yo ma'am.” Ngayon ko lang napansin na nasa bahay ako ng mga magulang.

Simpling tango ang aking sinagot sa kasambahay. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kusina.

“Morning Hailey.”

“Morning.” Alam kong nakikiramdam pa rin si mommy.

Ayokong magpakasarili at naglagay na ng pagkain sa pinggan. Wala akong ganang kumain at gusto ko lang na dumiretso sa funeral. Alam kong mag-alala si mommy kapag hindi ako kumain at ayoko na mag-alala ito.

Hindi lang si mommy pati na rin si daddy at ang baby sa sinapupunan. Kailangan ko alagaan ang aking katawan kahit pa hindi ko gusto. Ang baby sa sinapupunan ko ang bunga ng pagmamahalan namin ni Cross.

Kinain ko ang lahat ng inilagay ko sa plato at ininom ang gatas na hinanda sa akin.

“Sasamahan mo po ba ako na pumunta ng Chapelle?”

“Nagbihis na ako para masamahan na kita. Sabi ko sa'yo nasa tabi mo ako ngayong kailangan mo ako Hailey.”

Niyakap ko ang aking ina.

"Halika na." Humawak ako sa braso ng aking ina at sumabay sa paglalakad nito.

Bumaba ako. Hinintay ko na makababa si mommy bago ako naglakad. Ilang beses ako na napabuntong hininga. Pumasok ako kami ni mommy sa loob.

“Condelence Hailey.” Nagbeso kami ni Caren.

“Salamat.” Lumapit din si Ayesha at sa likod nito ang kuya niya.

“Condolence dear.”

“Thank you Hailey.” Nagkatinginan kami ni David ng yumakap si Ayesha sa akin.

“Condelence.” Tumango ako kay David.

Magkayakap pa rin kaming dalawa ni Ayesha Nakatingin pa rin ako kay  David ng may narinig ako sa aking likuran na tikhim. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Ayesha at humarap sa pinangalingan ng boses.

“Daddy.” Tinignan ko si Ayesha at senenyasan na kakausapin ko na muna si daddy.

“Nakapagpahinga ka ba hija?” tumango ako.“Wala po akong ganang kumain daddy pero tinitiis ko po para sa hindi mapano ang baby.”

“Ang anak ni'yo na lang ni Cross ang tangging ala ala na mayroon ako sa aking anak. Huwag din sana na mawala ang aking apo.”

“Huwag kayong mag-alala daddy aalagaan ko po ang aking katawan.”

“Condolence bro.” May lumapit na mga matatanda sa aming direksyon.

“Sige po mauuna na po muna ako.” Tumango ito at kina-usap na ang mga lumapit.

Sobrang bigat ng aking mga paa. Matagal bago ako nakarating sa kabaong ni Cross. Tahimik aking umiiyak habang tinitignan si Cross. Hindi pa rin ako makapaniwala na patay na ang asawa ko.

Ilang minuto na akong nakatayo habang nakahawak sa glass ng kabaong. Gusto kong magsisigaw at baka sakaling mabawasan ang sakit na aking nararamdaman.

“Hindi ko inaasahan na mangyayari ito Hailey. Nakikiramay ako. Nandito ako ngayon sa tabi mo. Pwede mo akong sandalan sa panahon na kailangan mo ng masasandalan. Pwede mo akong maging panyo sa tuwing may mga luha na lumalandas sa iyong mga pisngi.” Naglahad ito ng panyo.

“Salamat.” Tinanggap ko ang panyo na inilahad nito.

Kailangan ko ito ngayon lalo na at nakalimutan ko na magdala ng panyo. Binalik ko ang tingin ko kay Cross ng makita kong nakatingin na ito sa kabaong.

“Bakit napakadali lang sa mahal natin na iwan at ipagpalit tayo? Gusto ko na magkabalikan tayo Hailey ngunit hindi ko minsan hiniling na may mawala para magsama tayo. Hindi man ako naging mabuting kaibigan o karelasyon sa'yo noon pero simula ngayon gagawin ko ang lahat para makabawi sa lahat ng kasalanan ko.”

“Hindi na naman kailangan David. Alam kong busy ka at ang pagdamay sa akin ay ang huli mong gagawin. Ayokong umasa na nasa tabi kita sa panahon na ito.”

“Hindi man kita naging priority noon ngunit ngayon Hailey sisiguradohin ko na ikaw ang magiging priority ko.” Umiling ako.

“Uunahan na kita David, wala kang makukuha na kapalit sa akin. Kahit wala na si Cross hindi ko ito pa rin ito ipagpapalit kahit pa sa'yo.”

“Naiintindihan ko Hailey. Wala rin sa plano ko ang iniisip mo. Ang tangging hangad ko sa ngayon ay maging sandalan mo. Gusto kong nakabawi sa lahat ng aking mga kasalanan na nagawa sa'yo kahit pa sabihin mo na napatawad mo na ako. Hindi pa rin ako makatulog ng maayos sa gabi sa tuwing naiisip ko ang mga ginawa ko sa'yo noon Hailey. Kaya sana pagbigyan mo ako na makabawi sa'yo.”

“Ikaw ang bahala David basta isa lang ang masasabi ko, wala kang maasahan sa akin. Gusto ko na muna mag-focus sa pagbubuntis ko at alagaan ang katawan ko.” Nangiginig na ang aking mga balikat habang nakatingin pa rin sa nakahiga na katawan ng aking asawa.

“Buntis ka? Ilang buwan ka ng buntis Hailey?” sunod-sunod na tanong nito.

“Kuya, tara na!?” bago ko pa nasagot ang tanong nito ay dumating na ang kanyang kapatid.

“Bibisita ulit ako mamaya Hailey. Kailangan lang muna namin na umuwi ni Kuya. Condolence uli Hailey.” Tumango ako rito.“Kuya?” tumango rin ang kanyang kuya.

Tumango ito sa akin bago ito bumuntong hininga at sumabay sa paglalakad ng kanyang kapatid.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon