Chapter 35

5.7K 69 0
                                    

Tatlong araw kaming nanatili sa hospital bago kami pinalabas ng Doctor. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na isang ganap na ina na ako ngayon. Parang kailan lang pinilit ko na si David na buntisin ako.

Dati ko pa pinapangarap na maging ina. At hindi ako nagsisi dahil sobrang sarap sa pakiramdam na maging ina. Ang isa naman sa kina-iinisan ko ngayong ina na ako ay wala akong masyadong oras na mahawakan ang anak ko dahil palaging kinuha ng mga ito ang anak ko sa aking bisig.

Oo nga at naka-uwi na kami pero wala pa rin akong masyadong time kay baby dahil na sa mga pinsan ko at ang dalawang maglolo ay attached na attached sa kanilang apo.

Ngayong gabi finally nagka-oras din ako sa aking anak. Kinuha ko ang iPad ko at tinawagan ko si David. Hindi na ako nagkaroon ng problema pa dahil nasagot na ni David ang tawag.

Nakakunot ang noo ni David sa screen at halata ang pag-aalala sa mukha.

“Bakit ngayon ka lang tumawag Hailey? Nag-alala ako!” pinalit nito sa back cam at pinakita nito ang luggage nito.“Sobrang nag-aalala ako Hailey. Nagawa ko pang mag-empake sa sobrang pag-aalala ko--” natigil ito sa rant pang sasabihin ng pinakita ko sa screen ang mukha ng anak ko.

“Nanganak na kasi ako David kaya hindi ako nakatawag sa'yo. Tignan mo ang cute ng baby ko. Sorry kung nag-aalala ka. Naka-uwi na kami kanina pa pero hirap nilang ibigay si baby kaya hindi kaagad ako nakatawag,” napangiti itong nakatingin sa screen.

“Nag-aalala ako Hailey akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Thanks God at safe ka,” nasa kay baby ko pa rin ang camera at titig na titig si David kay baby.“Wala ba kayong balak na umuwi? Gusto ko kayong makita ni baby. Kakausapin ko ang Daddy mo para payagan ako na makabisita sa inyo.”

“Ang narinig ko kanina next week uuwi na kami sa Manila. Hassle at hindi masyadong nakakabisita ang mga matatanda kapag nandito pa rin kami sa probinsya. Hindi lang naman ikaw ang may gusto na makita kami. Gustong-gusto na rin kita makita. Miss na miss na kita David,” napangiti ito at tila satisfied na satisfied sa narinig.

“Gusto ko na tuloy na pumunta diyan at nang mayakap ka ng mahigpit na mahigpit,” ilang oras din kaming magka-usap ni David sa telepono bago kami nagpaalam sa isat-isa.

Nanatili kami ng isa pang linggo bago kami bumyahe patungo sa Metro. Papalapit na ang sasakyan namin sa bahay ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan.

“Sir, kanina pa po naghihintay si Sir Gaisano sa loob,” tumango si Daddy sa security.

Kaya pala sobrang pamilyar na sasakyan dahil pala sasakyan ni David ito. Pinagbuksan kami ng driver ng pinto at sinalubong kami ng mga kasambahay. Ang tingin ko ay kaagad na inilibot ang aking paningin.

Nagtama ang paningin naming dalawa ni David. Kumaway at may ngiti sa labi ni David habang ginagawa niya iyon. Ngumiti naman ako at kumaway pabalik.

“Ahem!” Napalingon ako kay Daddy nang marinig ko ang tikhim nito.

Napakamot ako sa aking ulo. Si Mommy ay napangiti at iginaya na ako na maglakad patungo sa bukana ng pinto.

“Mauuna na kami ng Daddy mo Anak,” kumindat si Mommy ng hilahin niya ang kamay ni Daddy.

Hindi na nakahinto si Daddy para kausapin si David.

“Hi! Kamusta ka David?” natatawa na bati ko.“Gusto mo bang hawakan si baby David?” tumango ito.“Kay Daddy David ka muna baby,” inayos ko ang pagkakabuhat ko kay baby at binigay ko ito sa kanya.

“Daddy?”

“Oo ayaw mo ba? Sige tito David na lang,” mabilis itong umiling.

“Gusto kong tatawagin niya akong Daddy. Bakit ang saya ko Hailey? Ang saya saya ko gusto ko na tawagin ako nitong Daddy,” nakangiti pa rin itong nakatingin kay David at paminsan-minsan itong tumitingin sa aking direksyon.

“Hindi ka pa nga tinatawag Daddy. At isa pa kailangan na po nating pumasok sa bahay. Ilang minuto na rin po tayong nakatayo rito.” Nauna na akong naglakad papasok kay David.

Nang araw na iyon kina-usap ni Daddy si David. Nagtataka ako at kahit ilang beses akong magtanong kay David ay wala itong sinasabi. Nakakapagtaka lang kasi, nakangiti kasing lumabas si David ng silid.

Mabilis na lumipas ang panahon. Tatlong taon na simula ng mamatay ang aking asawa. At dalawang taon na na walang sawa na nililigawan ako ni David. Mahal ko na ulit si David mas mahal ko ito sa pagmamahal ko kay David dati.

“Mahal gusto ko sanang magpaalam sa'yo. Gusto ko magpaalam sa'yo mahal. Hindi pala magpaalam ang right term mahal gusto kong ipaalam sa'yo mahal. Gusto kong malaman mo na kahit mahal ko si David. Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hindi man katulad ng dati pero isa lang ang masisigurado ko Cross may special na bahagi ka pa rin sa puso ko. Mananatili ka rito Cross,” umiyak ako ng umiyak habang hinahaplos ko ang lapida nito.

Pumunta ako rito para magpaalam kay Cross na sasagotin ko na si David. Gusto ko malaman ni Cross na susubukan ko ulit na pumasok sa isang relasyon.

“Sinisigurado ko naman na muna Cross na okay kami both sides ni David. Sinigurado ko naman na muna na okay ang pamilya ni David kahit pa may anak na ako. Cross huwag kang mag-alala mabait ang pamilya ni David. Tanggap nila ang anak ko hindi lang pagpapakitang tao para maging okay ang relasyon namin ni David Cross. Ramdam na ramdam ko na genuine ang pagtanggap at pag-care ng mga ito sa anak natin. At ganoon din si David Cross mahal na mahal niya ang anak natin na para itong tunay na anak niya ang Junior mo,” umiiyak pa rin ako.

Ilang oras din ako nanatili sa cemetery at kinaka-usap si Cross bago ako nagdesisyon na umalis. Hindi pa rin ako nakakalimot na bumisita sa asawa ko. Weekends dinadalaw ko ito kasama ang anak ko. Paminsan-minsan naman ay kasama ko ang dalawang taon kung anak na bumisita.

“Kamusta ang bisita mo kay Cross?” tumingin ako sa deritso sa mata nito.

“David?”

“Hm?” bumuntong hininga ako.

“Upo na muna tayo.” Sumunod ito at umupo.“ Nagpaalam ba ako kay Cross David.” Hindi ito umiiwas habang nagsasalita.

Naghihintay ng susunod kung sasabihin.

“Hm?” His eyes is serious and waiting for me to spill the tea.

“Sinabi ko kay Cross kung gaano mo ako kamahal at kung gaano mo kamahal ang anak naming dalawa. Sinabi ko na bubuksan ko na ang puso ko. David sinasagot na kita,” hinawakan ni David ang dalawa kung kamay.

Naluluha ako nitong tinignan. Hinalikan nito ang dalawa kung kamay habang nakatingin sa akin.

“Hindi na naman nagbibiro Hailey? Hindi ka nagbibiro di'ba?” tumango ako kay David.

May nangigilid ng luha sa mata ni David kaya kahit wala sa plano ko ang umiiyak ay naiiyak na tinagnan ko si David. Para kaming timang na nakatingin sa mata ng isa't-isa.

“Hailey...kung noon hindi kita na trato ng mabuti. Kung noon...ay ginawa kitang basahan...ngayon Hailey mangangako ako na mas maayos kitang tatratohin. Gagawin kitang reyna Hailey. Hindi man reyna ng London pero siguraduhin kong gagawin kitang reyna... salamat sa pagtitiwala mo sa akin Hailey... maraming salamat...” panay pa rin talaga ang halik ni David kahit na lumalandas na ang luha sa kanyang mga mata.

I am falling again. I am falling to David Gaisano better version. Ang mas mapagmahal na David, mas maalaga na David at higit sa lahat ay sobrang mapagmahal sa aking anak.

Bago ang lahat mangyari sa amin ni David. Nagtanong na muna ako. Bago ako pumunta sa cemetery kanina nagtanong na ako kay Daddy Stephen. Nagtanong na ako sa mga magulang ko. Humingi muna ako ng permisso sa mga ito.

Wala naman silang reklamo at susuportahan daw ako ng mga ito sa desisyon na gagawin ko. Buto ang mga ito kay David dahil nakakasama ng mga ito si David sa tuwing niyaya ng mga ito na maglaro ng golf kasama ng mga ito.

Kung nanatili ako sa pagiging pangalawa nito wala kami ngayon. Walang maling relasyon na nagiging masaya. Oo at masaya sa panahon ng taglibog pero dadating ang panahon na magiging miserable ang relasyon.

“I love you David ko,” hinalikan ko ito sa kanyang labi.

____
Epilogue is next.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon