Chapter 11

5K 80 9
                                    

"Do have one?" gusto kong sampalin si David ngayon.

Paano ako magkakaroon kung palagi kaming nagkikita? Gusto kong sabihin na ito ang mahal ko.

"Wala baka may kakilala ka na pweding magpanggap na boyfriend David? umiling ito.

"Uuwi na ako at papasok na sa trabaho." Tinignan ko itong nagbibihis na ng suot nito kagabi.

Hinalikan ako nito bago ito lumabas. Ngayong taon ang last chance na binigay ng mga magulang ko para ipakilala ang boyfriend ko. At ngayong taon gusto na ng mga ito na makita ako na ikakasal dahil kung hindi pa rin ay sila na ang hahanap ng lalaki na aking papakasalan.

Mas madaling sabihin na nakapili na ang mga ito mas gusto pa ng mga ito na hindi pumayag ang boyfriend ko kuno na pumayag sa dinner na gusto ng mga ito. Pumasok ako sa trabaho ng sumapit ang hapon.

Umuwi din ako kinagabihan.

"Kung okay lang pwede ba akong lumabas?" napakunot ang aking noo at nanunuya ko itong tinignan.

"Date? Sure!?" ngumiti ito at tumango.

"Gusto mo tulungan kita sa pag-aayos?" nahihiya itong nagyuko.

"Ngayon ba? Halika kailangan natin ng matinding make over." Naglakad kami papalapit sa vanity dresser kung nasaan ang mga make-up ko.

Make-up artist si Caren pero hindi ko ito nakikitang nag-ayos. If you will see Caren you wouldn't say she is pretty. Unang papasok sa isip mo ay simple. Hindi si Caren pangit hindi din ito maganda.  But the beauty of the person depends to the eye holder.

Kung maglalagay ito ng make-up ay gaganda ito. Lalo pa at mayroon itong mahabang pilik mata at makapal na mga kilay. Una kung inayos ay ang buhok nito. Hindi ko ito pinagbabawalan na gumamit ng mga make-up ko.

Ngunit hindi ko ito nakita na naglagay ng make-up o nag straight ng buhok.

"Gwapo ba iyang date mo?" She has a straight and long hair.

Kaya ang ginawa ko ay kinulot ko ang dulo ng buhok nito.

"Ang security guard na kinuha ni David ang date ko." Kinurot ko ang tagiliran nito.

Binigyan ko din ito ng dress at pumps na susuotin nito sa date ng nga ito. Nang maka-alis si Caren ay umalis din ako ng penthouse.

Gusto ko maglakad-lakad at para makapag-isip ako ng tamang gawin. I'm wearing a black hoodie jacket and a black cycling short habang naglalakad ako.

Ang pollution ng Manila at ang malamig na simoy ng hangin ang unang sumalubong sa akin. Ang mga ilaw galing sa skyscrapers ay ang gagandang tignan ngunit mas maganda kung nasa taas ka. Ang ingay ng sasakyan at ingay ng mga tao ang naririnig ko.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakapag- lakad ng ganito. Pumasok ako sa isang coffee shop na bukas. I ordered a mocha latte and a mocha flavored cake bago ako umupo sa isa sa upuan na walang tao.

Malapit sa salamin ang aking kina-uupuan. Kita ko ang nga tao na naglalakad. At sa bawat naglalakad na mga mag jowa hindi ko maiwasan na mainggit. Sarap din sumigaw na walang forever at maghihiwalay din ang mga ito.

"Huwag kang maging bitter sa may mga karelasyon magkaka-jowa ka rin pagdating ng panahon." Basa ko sa isa sa mga nakadikit sa wall ng coffee shop.

Napabuntong hininga ako. Tahimik aking uminom ng kape. Isa sa gusto ko bilang modelo ay minsan lang ang nagpapakuha sa akin ng litrato. At hindi ko na kailangan mag disguise.

Nag-iwas ako ng tingin ng makita kung pumasok si Gracie kasama ang modelong si Kyle. Panay ang kapit ng babae sa lalaki. Alam ba ito ni David? I didn't take pictures o pagkuha ng video kahit pa rinig ko ang pinag-uusapan ng mga ito.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon