Nanginginig ang kamay na humawak ako sa kamay ni David na nasa aking tuhod.
“Hello there ex husband! I thought I was the one who cheated in our relationship David. But seing you with Hailey I know from the moment that you also cheated. We cheated David,” napapangiti pa ito habang sinasabi niya iyon.
“I didn't cheat on you Gracie. At pwede ba umalis ka na at huwag manggulo?”
“You're saying that your ex husband cheated with my daughter? Impossible naman yata ang binibintang mo Miss. My daughter is very inlove with her late husband,” napayuko ako ng tumingin si mommy sa akin.
“Huwag mong sabihin David na anak mo ang dinadala ni Hailey? Hindi naman yata kasi nga ilang buwan na rin natigil ang relasyon niyo. Ngayong patay na ang asawa ni Hailey umaaligid ka na naman sa kanya,” naiiyak na sabi nito.
“Hailey anak sabihin mong mali ang sinasabi ng babaeng ito? Sabihin mo Hailey.” Mommy beg at naiiyak na nakatingin ito sa aking direksyon.
“It's a misunderstanding Tita and Tito,” namamawis na ako at lakad na ng kabog ng aking dibdib.
“Hailey. Hailey please tell us the truth anak. Did you had an affair with David?” alam ko dadating ang panahon na mabubunyag ang sekreto naming relasyon noon.
Dahan-dahan akong tumango. Mas humigpit din ang pagkakahawak ko sa kamay ni David. I heard them gasped. Nagyuko pa rin ako ng aking ulo sa sobrang hiya.
“I want you to leave Miss! Leave!” hindi sigaw pero sobrang riin nang pagkakasabi ni Daddy.
“Hindi pa rin ako makapaniwala. All along I was very guilty dahil akala ko ako lang ang mali, ako ang nakagawa ng kasalanan. Tinitingala ka ng marami Hailey. Paano kaya kung malaman ito ng ibang tao? Ano kaya ang magiging reaction nila Hailey?”
“Kindly leave Miss. At kung may ibang makaka-alam lalo na ang media I will make sure you will suffer. Kung kilala mo ako alam kong alam mo ang kaya kung gawin,” nakitaan ko ng takot si Gracie pero saglit lang iyon.
“Mag-usap tayo sa bahay mo. Sumunod kayo.” Nag-alala akong tinignan ni Mommy back ito sumunod kay Daddy na ngayon ay mabilis na naglakad papalayo.
“D--avid... natatakot ako...” Niyakap ko ito.
Isa-isa ng bumagsak ang aking luha. Mabibigat ang hininga ni David habang hinahaplos nito ang aking likod.
“Hindi ko inaasahan na sa ganito mangyayari Hailey. I'm very sorry,” mabilis akong umiling.
“Huwag kang mag-sorry David. May kasalanan din ako. Natatakot lang ako baka itakwil ako ni Daddy bilang anak. At natatakot ako sa gagawin ni Daddy sa'yo,” alam ko kung paano magalit si Daddy.
Kahit Gaisano pa si David walang kinakatakotan si Daddy. Alam ko at saksi ako kung paano naghirap ang mga sumubok na saktan ako through word and action. Ayaw na ayaw na saktan ako kaya laki na rin ang pasalamat ko na umalis na kaagad si Gracie.
“Tara na.” Tumayo ako at inalalayan ako nitong tumayo.
Habang nasa byahe kami papunta sa bahay wala akong ibang ginagawa kundi ang bumuntong hininga nang malalim. Sobrang tahimik din ng sasakyan. Laking pasalamat ko na kasama ni David ang security guards niya kahit papano alam ko na ma proprotectionan siya.
Ibinaling ko ang tingin ko kay David. Nakakunot ang noo nito at nakahawak sa kanyang baba. Hindi na ako nagsalita pa at nang hindi ko ma disturbo ang pag-iisip na ginagawa nito.
“Private room daw po kayo dumiretso Ma'am.” Naglakad na ako papasok habang nasa likuran ko si David.
Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok. Nang makapasok na ako ng tuluyan ay nakita ko naman na mabilis na naglakad si Daddy patungo sa aming direksyon.
“Raul huwag please...maawa ka sa anak mo...buntis siya Raul...” Umiiyak si Mommy habang pinipigilan si Daddy na makalapit.
Huli na ang lahat dahil dumapo na ang mabigat na palad ng aking ama. Kasabay ang pagbagsak ng aking luha. Sa lakas ng suntok na ginagawa ng aking ama tumabingi ang aking mukha.
Naramdaman ko na lang ang kamay ni David na nakahawak sa akin.
“Daddy...” ito ang kauna-unahan na pinagbuhatan ako ng kamay ng aking ama.
“Raul please...tama na...hindi mo lang nasaktan ang Anak mo Raul nasaktan mo din ako...” lumuwag ang pagkakayakap na ginawa ni mommy kay Daddy.
“Mag-usap tayo.” Nauna na ulit na naglakad si Daddy.
Hindi na muna kami sumunod kay Daddy. Umiiyak si Mommy habang hinahawakan ang mukha ko. Tinignan nito ang namumula kong mukha.
“I'm sorry Anak. Ako na ang hihingi ng sorry sa ginagawa ng Daddy mo. I'm sorry dahil hindi ko kaagad napigilan an daddy mo,” umiling ako at bigla akong napangiwi dahil sa paghaplos ni mommy sa sampal ng aking ama.
“Kasalanan ko po Mommy, I'm sorry Mommy,” hinalikan nito ang aking pisngi.
“Tell your father the truth Anak. He will get mad that's for sure pero saan pa't huhupa din ang galit na kanyang nararamdaman,” nauna nang maglakad si mommy.
“I'm sorry Hailey. Hindi ka sana masasampal kung hindi dahil sa akin,” ngumiti ako at tinapik ang pisngi nito.
Naglakad na kami ni David papunta sa table ni Daddy.
“I don't tolerate cheating Hailey. Kahit pa anak kita I will never tolerate cheating and cheaters. Dahil ni minsan hindi ko magawang mag-cheat sa mommy mo. Gusto kong sagotin mo ito ng maayos. Nag-cheat ka ba habang buhay pa si Cross?”
“Hindi ko po kayang gawin iyon Daddy. Simula ng pumayag ako na magpakasal kay Cross itinigil ko na ang pakikipagrelasyon ko kay David. Dahil alam ko po na mali. Itinigil ko na dahil hindi na ako pinapatulog ng konsensya ko. Kahit pa gaano mo kamahal ang isang tao darating at darating ang panahon na kailangan mo na siyang pagkawalan lalo na kung tama naman at maka-kabuti ang desisyon mo,” hindi ko maiwasan na pagpakawala ng hikbi.
“Si Cross ang tatay ng anak ng dinadala mo anak.?” The way nang pagkakasabi ni mommy para itong nagsasabi imbes na magtanong.
“Isang tanong David, mahal mo ba ang Anak ko?” tumango si David.“Kung mahal mo ang anak ko David umalis ka sa bahay ng anak ko. Para sa ikakapanatag ng loob ko umalis ka sa bahay niya at huwag kang magpapakita sa anak ko. Ayokong gumawa ng gulo dahil alam ko na malaki rin ang naitulong mo sa Anak ko. Iwan niyo muna kami ni David.” Walang binanggit si Daddy na pangalan.
Tumayo si Mommy at may binulong kay Daddy bago ito bumaling sa akin. Tinignan ko muna si David. Ngumiti ito sa akin labag man sa loob ay tumayo na ako at lumapit kay Mommy.
“Mommy baka ano pong gawin ni Daddy kay David,” bahagyang tumawa si Mommy.
“Hindi 'yan. Lagot lang ang Daddy mo sa akin kapag nakita kong may pasa ang gwapong mukha ni David,” nakahinga ako ng maluwag kahit papano.
Pumasok kami sa silid ko.
“Mommy I'm sorry. I'm such a disgrace to our family. I just love him so much that I willingly commit a sinful affair with him,” umiiyak ako na parang bata kay Mommy.
“Tama ang desisyon mo Anak. Right the moment na tinigil mo ang pakikipagrelasyon kay David hindi ka disgrace sa ating pamilya. Hindi ako ang ina na sasabihin sa'yo na tama ang ginawa mo kahit pa mali naman kasi Anak sobrang mali ang ginawa niyo. Sobrang mali, alam mo kung kabit ang isang tao hindi siya magiging fully na masaya. Hindi magiging masaya ang relasyon niyo kung ipinagpatuloy niyo pa iyon kung sakali. Hindi ko na palakakihin Anak sana huwag na itong mangyari ulit. Dahil sa oras na malaman ko na naging kabit ka ulit iyon ang araw na wala ng Hailey ang nag-eexist sa akin. Wala na akong Anak,” she started caressing my back like I'm the seven years old Hailey.
“I'm sorry...”
“Habang papunta kami ng Daddy mo sa bahay Anak. Nagdesisyon na ang Daddy mo na patirahin ka sa Auntie mo. Kahit pa ayoko anak kapag nagdesisyon na ang Daddy mo wala na akong magagawa. Mas mabuti na rin doon mas healthy ang environment,” mas lalo akong naiyak sa narinig.
Wala na akong nagawa kundi tumango.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...