Ngayon alam kong kasing pula na ako ng kamatis dahil sa pamumula. Nagpalakad lakad ako sa aking silid. Bakit pa kasi hindi ako kumatok? Ayan tuloy nakita ko ang dapat na hindi ko makita.
Nakita at nahawakan ko na ito noon pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na mamula. At ito ang kauna-unahan na nakita ko itong nagsarili. Kung kanina ay nahihiya pa ako sa nakita, bakit biglang nagbago ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi na hiya ang nararamdaman ko kundi ang pagka-horny. Gusto ko tuloy na sisihin ang hormones ko. Bakit ba kasi ang hot nito? Gusto ko tuloy na hawakan.
Napa-face palm ako. I am acting like a horny bitch right now and I hate ito. Kakamatay lang ng asawa ko. And now I'm lusting to others man body. Humiga ako sa kama at tinakpan ang ng kumot ang buong mukha.
Ang katawan at facial expression pa rin ni David habang nagsasarili ito ang iniisip ko hanggang sa makatulog na ako.
Kinabukasan late na akong nagising. Ginawa ko lahat ng routine ko bago ako bumaba.
“Si David?” tanong ko kay Nene na ngayon ay busy sa pag-type sa keypad na cellphone nito.
“Kanina pa po umalis para magtrabaho,” tumango ako.
Nakahinga ako ng maluwag. Sa ngayon ayaw ko na muna ito makita. Nahihiya pa rin ako. Nasigawan pa ako nito kagabi. Hindi lang hiya ang nararamdaman ko kundi ang pagtatampo ko kay David dahil sa pagsigaw nito.
Wala akong ibang ginagawa kung hindi manood ng TV. Hinatid lang ng mga kasambahay ang pagkain dahil wala akong ganang bumaba. Baka dumating pa si David hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito.
“Pasok.” Sigaw ko nang may kumatok sa pinto.
“Hindi ka raw bumaba buong magdamag sabi ng mga kasambahay,” napatingin ako sa pinaggalingan ng boses.
Mabilis din akong nag-iwas nang tingin nang makita ko na si David ang pumapasok. Nakasuot pa rin ito nang office attire nito. Sa kamay kaliwa may hawak itong supot ng Jollibee.
Kung normal na araw ito magmamadali ako sa paglalakad at kukunin ang supot.
“Tinatamad ako,” naramdaman ko ang papalapit na yapak ni David papalapit sa aking direksyon.
“Nagmadali ako sa pagpunta sa silid mo. May sakit ka ba?” napatingin ako kay David.
Lumapat ang magaspang na kamay nito sa aking noo. At sa leeg ko. Nag-iwas ako ng tingin nang matapos na ito sa pag-check ng temperatura ng aking katawan.
“Wala akong sakit. Tinatamad lang talaga akong bumaba,” naupo ito sa may tabi ko.
“Iniiwasan mo ba ako?” napatingin ako rito.
Hinintay nito na tumingin ako sa kanyang direksyon kaya ngayon ay nagkatinginan na kami. Hindi ako umiwas ng tingin at mas pinalalim ang tinginan na ginagawa.
“Hindi, bakit naman kita iiwasan?” saka pa ako nag-iwas nang tingin ng masabi ko iyon.
“Pasensya ka na kagabi? Nasigawan kita ikaw kasi hindi ka kumakatok,” nagsalubong ang kilay ko sa narinig.
“Kasalanan ko pa? Naiwan ko kasi ang scented oil.”
“Sa susunod kumatok ka muna bago ka pumasok. Pasensya na talaga Hailey nasigawan pa kita,” kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.
Humarap ako.
“Matanong ko lang, bakit ka nagsasarili? Wala ka bang babae na malabasan nang libog mo sa katawan?” nanlalaki ang mga mata na tanong nito.
“Bakit mo tinatanong 'yan?”
“Sus ang OA nito. Wala ba? Wala ka bang girlfriend ngayon?” mabilis na umiling ito.
“Huwag na huwag mo na ulit ako tanongin sa bagay na 'yan Hailey.” nagkibit balikat ako at kinuha ang supot na hawak nito.
“Pahingi ako. Bakit hindi ka pa nanliligaw? Manligaw ka na at magkaroon ka na ng lahe. Ang ganda kaya ng lahe niyo sayang kung sinasayang mo lang ang mga sperm.” gusto kong matawa dahil sa panlalaki ng ilong ni David habang tinitignan ako.
“Ano ba ang pinagsasabi mo Hailey? Isa pa may mahal na ako. Bakit pa ako manliligaw?” nag-iwas ako ng tingin tinignan ako nito.
“Iwan ko sa'yo. Lumabas ka na David at ng makatulog na ako.”
“Good night then,” nagulat ako ng hinalikan ako nito sa noo.
Tumayo na ito at naglakad na palabas. Samantalang ako ay nakatingin sa pinaggalingan ng pinto na tulala. Naubos ko ang binili nitong french fries.
Nagising ako kinabukasan na may tumatapik na sa aking pisngi. Marahan ang pagkakatapik nito.
“Gising ka na. Sasamahan kita ngayong araw na pumunta ng mall. At kung saan mo pa gustong mamasyal”,mapupungay ang mga mata na tumingin ako rito.
“Talaga?” tumango ito.“Hindi pa weekend ngayon David. Wala ka bang pasok ngayon?”
“I'm the CEO remember? Isa pa isa o dalawang linggo akong mawawala Hailey. Gusto kong samahan ka ngayon. Baka matagalan ako lalo na at may conference akong dadaluhan,” napalitan ng lungkot ang saya na nararamdaman ko.
“Sige, alis ka na. Maliligo pa ako. Hintay ka mga one hour.”
Walang reklamo na umalis. Naligo ako kagaya ng sinasabi ko kay David. One hour mahigit bago ako natapos sa lahat ng routine ko. Malinis ako ngayon pero kapag lumabas na ako mamaya sa loob ng sasakyan marami na namang kakapit na madumi sa katawan ko.
Isang white t-shirt ang suot ko at isang plain black na leggings. Nakalugay ang buhok lang ang buhok ko. Nang na satisfy ako saka pa ako lumabas ng silid.
Ngumiti si David ng makita ako. Binaba nito ang magazine na hawak.
“Ang ganda mo pa rin kahit simple lang ang suot mo,” lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa ulo ko.
“I know right,” nagsimula na kami sa paglalakad.
Pinagbuksan ako nito ng sasakyan. Napakunot ang aking noo at napatingin sa paligid.
“Bakit wala tayong kasama? Nasaan ang mga security guard mo?”
“Hindi ko sila pinasama. Baka matandaan nila ang mukha mo kung kasama ka pa,” bahagya akong natawa sa sinabi nito.“Isa pa, pwede kong kausapin ang security ng mall namin para magbantay sa atin sa pamimili.”
“Ayoko sa mall niyo David,” napabaling ito sa akin.
“Bakit?”
“Ayoko, baka hindi mo ako hayaan magbayad sa pinamili ko.”
“Kung saan ka komportable mamili, ikaw ang masusunod,” nagsimula na ito sa pagmaneho ng sasakyan palabas ng bahay.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi kami bumaba sa mall ng mga ito. Hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako sa pinagsiklop na kamay naming dalawa. Hindi na ako nagreklamo nang magsimula na kaming maglakad palapit sa entrance ng mall.
“Sa baby section na muna tayo. Gusto kong mamili ng damit ng baby natin Hailey.” Ngumiti ito.
Hindi ko nagustuhan ang reaksiyon ng puso ko sa ginawa nitong pag-ngiti.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...