Chapter 10

5.6K 92 15
                                    

Nangiginig na bumalik ako sa set. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagmasid ako sa paligid. Nanghihina na ako kaya naglakad na ako papasok sa silid na  naka-assign sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.

"Tingnan mo Caren," kinuha nito ang cellphone sa aking kamay.

"Jusmeyo my innocent eyes." Kahit na kinakabahan ako ay nagawa ko pa rin na mapangiti.

"Innocent ka d'yan. Nanood ka kaya ng porn." Nanlalaki ang mga mata na tumingin ito sa akin at namula ang magkabilang pisngi nito.

Pinanood naming dalawa ang video.

"Anong gagawin ko Caren?" Bumalik ulit ang gaba sa aking dibdib.

"Sabihin mo. Huwag muna ngayon kapag pupunta na si sir sa penthouse." Tumango ako at niyakap ko ng mahigpit si Caren.

"Umayos ka na may interview ka ngayon sa isang talk show." Bumuntong hininga ako.

Naging busy ako buong araw at late na rin kami nakarating ni Caren sa penthouse. Pagod kung tinignan si David na ngayon ay nakahiga sa kama at ang tangging suot ay boxer short.

"Bakit nandito ka? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?"Nakakapagtaka lang kasi bakit pumupunta pa ito dito.

Pagod na pagod na ako ngunit kailangan ko pa rin maligo dahil galing ako sa labas the whole day. Kinuha ko ang Victoria secret robe ko at kumuha ako ng lingerie.

"Maliligo muna ako David." Imporma ko dito.

At pumasok ng banyo. Walang makakasunod sa akin sa banyo dahil sinigurado ko na lock ang pinto. Pagod ako ngayon at wala akong gana na makipagtalik dito lalo na sa nakita ko ng kaninang umaga.

Sampung minuto ang tinagal ko sa banyo bago ako lumabas. Hindi ito kumibo at tinignan ako nito gamit ang vanity mirror. Patuloy ako sa pagpapatuyo ng aking buhok. May nasa pang parte ngunit tinapos ko na sa kadahilanang gusto ko ng matulog.

"Bakit nandito ka ulit?" Tanong ko sabay yakap sa hubad na dibdib nito.

"Ayaw mo ba na nandito ako?" Tanong nito pabalik.

Umiling ako dahil totoo naman na gusto kung ako ang inuuwian nito.

"Nagtataka lang ako. May problema ba kayo ng asawa mo?" Kumunot ang noo nito.

"Bakit mo natanong? May dapat ba kaming problemahin?" Ang mabibigat na paghinga nito ay nagpakaba sa akin.

"Hindi niya pa ba nalalaman ang tungkol sa akin?" Umiling ito at magkasalubong na ang ang dalawang kilay.

"Don't ever try telling Hailey dahil hindi mo pa alam kung paano ako magalit." Napalunok ako.

Nagdadalawang isip na ako kung sasabihin ko pa ang tungkol sa video.

"Nakita ko si Gracie kanina."

"Then? What about Gracie?" Kinakabahan na ako hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang dapat kung sabihin.

"Nakita ko siya sa banyo kanina. At may kasama siyang lalaki ng pumasok ito sa banyo." Ang attensyon nito ay na sa akin na.

Bumangon ito na naging dahilan kaya ang ulo ko ay nahulog sa malambot na kama. Umayos na din ako ng upo.

"Tell me Hailey what did you saw?"

"I have a video actually." Nataranta ako sa pagkuha ng cellphone.

I entered my password first before ko binigay ang cellphone ko. I am holding my phone. I started playing the video. He's jaw clenched a little bit. The video only last for about twenty seven seconds.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon