Chapter 32

3.1K 56 3
                                    

Buwan din nawala si David. At isang buwan ko na rin ito na namimiss. Wala rin namang araw na hindi ito tumatawag pero kahit ganoon miss na miss ko na ang presensiya nito.

Naka-half sleep ako sa couch habang hawak ko ang malaki kong tiyan. Ilang sandali ay naramdaman kong may tumakip sa aking mata. Hinawakan ko ang kamay na nakatakip. Na kompirma ko na si David ang tumakip nang mahawakan ko ang kamay nito.

“Tanggalin muna David. I miss you.” Tinanggal na ni David ang kamay niya sa aking mata.

Dahil sa excitement at sobrang unexpected. Tiumapak ako sa couch at niyakap ko ito. Hindi na naging hadlang pa ang couch sa pagka-miss ko kay David.

“I miss you,” natatawa ito sa pagsabi.

Inalalayan ako ni David na makatapak sa sahig. Niyakap ko ito pero hindi mahigpit. Malaki na ang tiyan ko kaya may pagitan sa aming dalawa.

“Bakit ngayon ka lang David? Miss na miss na kita, alam mo ba iyon?” naiiyak na ani ko kay David.

“I know. Wala pa nga akong balak na umuwi rito sa Pinas. Pero dahil malakas ka sa akin umuwi ako,” natatawa na ani nito.

Umiiyak na ako pero ito pa rin ang lumalabas sa bibig nito. Hinampas ko ang dibdib nito.

“Hindi mo ba ako na miss?” tanong ko rito habang hinahampas pa rin ang matipuno nitong dibdib.

“Miss na miss na kita kaya umuwi na ako nang Pilipinas dahil sa'yo. Mas mahalaga ka pa yata sa pinsan ko,” pinunasan nito ang luha sa aking mata habang deritso ang tingin nito sa aking mata.

Tumigil ako sa ginagawa at tumingin din ako sa mata nito. Miss ko na lahat kay David. Kahit pagod si David sa byahe siya ang pinagbukas ko ng mga dala niyang pasalubong.

Habang ako ay naka-crossed arm at nakahilig sa backrest ng kama.

“Si Ayesha ang kasama ko habang namimili ng mga damit,” tinignan ko ang damit na hawak hawak nito.“Baka next week dadating ang mga maternal dress na dinesenyo ni Ayesha para sa'yo,” tumango ako.

“Dito ka matulog mamayang gabi David. Miss na miss na talaga kita,” tinignan ko ang reaksiyon ni David napalunok ito at alangan na tumango.“Mamayang gabi gusto ni mommy na kasama ka sa family dinner namin sa isang restaurant, kung okay lang sa'yo?”

“Why not? Wala rin naman akong gagawin,” hindi ko talaga alam sa sarili ko pero wala talaga akong intesado sa pinamili nito.

Ineexplain nito lahat ng mga nilalabas niya sa paper bag. Tinatanong paa ako pero wala talaga akong intesado sa mga pinapakita nito. Natapos ito sa paglabas at pag-aayos nang pinamili pero wala sa pinamili nito ang attention ko kundi sa nagsasalita.

Bago kami umalis ng bahay nagpaganda na muna ako. Isang buwan din nakapagpahinga ang mukha ko sa make-up. Umakbay si David sa akin. Naglakad na kami patungo sa may sasakyan.

Pinagbuksan kami ng driver ni David nang makarating na kami sa may sasakyan. Pinagsiklop ni David ang aming kamay habang nasa byahe kami papunta sa restaurant na magmamay-ari ng aking pamilya.

“Thank you,” inalalayan ako ni David na makababa ng sasakyan.

Pumasok na kami ng restaurant. Sinalubong kaagad kami ng isang waitress.

“Follow me Ma'am, Sir.” Sinundan na namin ito hanggang sa makarating kami sa may table.

“Good evening parents,” bati ko sa parents ko sabay halik sa pisngi ng mga ito.

“Good evening po Tita and Tito,” bati ni David sa dalawa saka nagmano sa mga ito.

“Good evening sa inyo. Dapat nagpapahinga ka ngayon David, pasensya na kung na disturbo namin ang dapat na pagpapahinga mo. Gusto kasi ng Mommy ni Hailey na magkasabay kayo sa pagkain,” ngumiti si David kay Daddy.

“Pasensya na talaga hijo. Upo na tayo at makapagsimula na sa pagpili ng pagkain.”

Nag-order na kami ng pagkain. Ang dalawang lalaki ay busy sa pag-uusap sa negosyo ako naman ay nakatingin sa menu. Ito ang ayaw ko kapag ang mga lalaki ang nag-uusap puro ang pinag-uusapan.

“Bumibisita ba ang father in law mo Hailey? O kaya bumibisita ka?” tanong ni mommy ang attention ng mga ito ay biglang napabaling sa akin.

“Dumalaw po si Daddy ng isang araw at pumupunta naman po ako sa kanila three times a week,” napangiti si mommy.

“Mabuti iyan anak. Gusto na rin nito na makita ang anak niyo Cross. Excited na rin iyon,” bumalik na ulit ang usapan ng mga ito sa negosyo.

Dumating ang order namin. Nagsimula na kami sa pagkain. Napatingin ako kay David ng maramdaman ko ang kamay nito sa aking tuhod. Pinabayaan ko na lang ang kamay nito hindi naman gumagalaw sadyang nakahawak lang talaga ang kamay nito.

“Ikaw ba David may girlfriend ka ba ba hijo? Sorry for asking pero di'ba annulled ka?” Nakuha ni mommy ang attention ko at bumagal ang paggalaw ng aking kamay at pagnguya.

“No worries po. Wala pa po akong girlfriend at as the moment wala pa po akong balak na manligaw para mayroon ng girlfriend. Priority ko po ngayon ang trabaho,” napangisi si Daddy sa sagot nito.

Hindi ko alam kung bakit sobrang nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang sagot nito.  Masaya rin ako sa sagot nito at hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko once na iba ang sagot nito.

“Trabaho ba talaga 'yan? O baka naman anak ko?” namula ako sa tanong ni Daddy samantalang si Mommy ay nakatingin sa aking reaksiyon.

“David?” napa-angat ang tingin ko sa nagsalita.

Sobrang familiar ng mga ito. Kinabahan ako nang makita ko ang mukha nang nagsalita.

“Who are you?” tanong ni mommy kay Gracie.

Yumuko ako ng makitang naka-awang ang labi ni Gracie.

“Kayo? Ano 'to meet the parents?” mas lalo lamang akong yumuko nang tumaas ang boses ni Gracie.

“Calm down Darling. You can sit on the vacant sit so you can talk to David.” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni David sa aking tuhod.

Sumilip ako at nakita ko na naghila si Gracie ng upuan para sa sarili. Samantalang umiigting ang panga ni David habang nakatingin sa babae na hanggang ngayon ay naka-awang ang labi at nakatingin sa aming direksyon na hindi makapaniwala.

“Dapat lang po natin pag-usapan ito. Pag-usapan po natin ang pagiging malandi ng anak niyo,” kumalabog na ang aking dibdib at nangiginig ang aking kamay.

“Gracie! Umalis ka na.” Hindi sigaw ang pagkakasabi ni David pero alam na alam ko na nagtitimpi ito.

“Watch your word lady. This is my daughter you are talking about,” pagak na tumawa ito tila nababaliw.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon