Nakahinga ako ng maluwag. Mas gusto ko ng walang kausap ngayon. Mas gusto ko mapag-isa. Gusto ko na muna lumayo sa mga tao ngayon. Nakatayo pa rin ako hanggang ngayon nakatingin pa rin sa kabaong ng mahal ko.
Bakit sobrang ikli ng panahon na magkasama kami? I planned to spent my life with him forever pero bakit ang aga niya kaming iniwan ng kanyang anak.
“Gising ka na please... bumangon ka na d'yan Cross... bakit nang-iiwan ka? Huh? Bumangon ka na Cross...maawa ka naman sakin Cross...” Sigaw ako ng sigaw.
Mga ilang sandali ay lumapit na si mommy. Niyakap ako nito. Umiiyak na rin ito. Napatingin ako sa direksyon ng mga tao. Nakatingin ang mga ito sa aking direksyon. Lumapit na rin si Caren papalapit sa akin.
Their eyebrows are slightly pulled together in middle or downwards at edges.
“Anak hindi na babangon si Cross. Patay na ang asawa mo anak.”
“Nagsisinungaling ka mommy. Hindi pa patay ang asawa ko. Ibang tao ang nasa kabaong hindi ang asawa ko mommy. Di'ba tama ako Caren? Tama ako di'ba?” umiling si Caren.
We are both shaking with sob. Lumapit si daddy sa amin. Kagaya ng mga tao kanina nakatingin din ito sa akin, naawa ito ang eksaktong salita na nakita ko sa mga mata ng tao sa aming paligid.
Kaawa awa na ba ako? Ayoko lang naman na maniwala na patay na ang aking asawa.
“I uuwi ka na muna ng mommy mo anak. Kailangan mo na munang magpahinga. Baka ma stress ka at mapano ang baby ni'yo.” Hindi makapaniwala na tinignan ko ang aking ama.
“Kakapahinga ko lang daddy. Ayokong umuwi sa bahay. Ayoko...” Nakita ko na papalapit na ang daddy ni Cross.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay mommy at lumapit sa daddy ni Cross. Hinawakan ko sa kamay ang daddy nito.
“Anak...” Umiling ako rito.
“Ayoko pong umuwi sa bahay daddy. Kakapahinga ko lang daddy.”
Tumingin ito sa likod ko. Which is the direksyon of my parents.
“You need to rest hija.”
“Kakapahinga ko lang kanina daddy. Gusto ko na munang manatili dito.” Tila bata na nagmamakaawa ako sa aking ama para bilhan ng candy o bilhan ako ng ice cream.
“You can stay here Hailey pero kailangan mong kumalma. Kapag hindi ka kumalma ako na mismo ang magpapa-alis sa'yo.” Hinawakan nito ang aking mukha at tinignan ako nito sa mata.“May mga bagay hija na kailangan tanggapin kahit pa masakit. Hindi natin kailangan magbulag bulagan para mabawasan ang sakit na ating nararamdaman. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”
Tumango ako.
“Umupo ka muna at makinig ka sa sasabihin ng iyong ina. Mas alam ng ina mo kung anong maka-kabuti sa iyo.”
“Halika na anak.” Humarap na ako sa direksyon ng aking ina na ngayon ay tatlong talampakan na lamang ang layo sa aking direksyon.
Sumunod na ako sa gusto ng ina ko para sa akin. Sobrang makasarili ko talaga. Bakit hindi ko man lang naisip ang anak ko habang nagwawala kanina. Nagmukha akong baliw kanina ngunit wala na akong paki-alam pa.
Tama si daddy na nagbulag bugan ako para maibsan ang sakit na aking nararamdaman. Naupo na kami ni mommy sa upuan. Tinanggap ko ang tubig na binigay ni Caren.
“Salamat Caren.” Tumabi na ito sa akin.
Umiyak pa rin ako ng umiyak ng araw na iyon ngunit hindi na ulit ako nagwala. Sa mga nakalipas na araw hindi nagsinungaling si David ng sabihin niyang gusto nitong maging sandalan sa panahon na kailangan ko ng masasandalan.
“Lagi ka na lang nandito. Hindi ka na yata umuuwi sa inyo. Alam kung masakit pa rin ang lahat ng nangyari Hailey. Pero kailangan mo rin na magpahangin saglit. Tara!.”
Naglahad ito ng kanyang kamay at tumayo sa akin harapan. Napakunot ang aking noo.
“Ayokong umalis David, wala ako sa mood.” Base sa kanyang reaction alam ko na hindi ito papayag ng rejection.
“Ngayong araw lang ako hindi tatanggap ng ayoko Hailey. Kapag hindi ka pa tatayo sa kina-uupuan mo promise hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” He smirked when he see how nervous I am.
“Ano bang gagawin mo? Wala talaga ako sa mood na umalis David.”
“Sumama ka na kay David anak. Kailangan mo rin na makalanghap ng sariwang hangin. Kami na muna ang bahala rito.”
“Nasa Metro Manila tayo mommy at ang makalanghap ng sariwang hangin ay malabong mangyari.”
“Kapag hindi ka sumama at tumayo Hailey bubuhatin talaga kita.”
“You can't do that!” Nahihibang na ba ito.
“You bet?” lumapit na ito sa akin at akmang yuyuko para buhatin ako nang mabilis pa sa alas kwarto na nakatayo ako.
“Sabi ko nga sasama na ako.” He smirked.
Nauna na akong naglakad dito. Hindi ko alam kung may nakakahalata na nagkaroon kami ng relasyon. Ayaw ko na may iba pang maka-alam. I want our sinful affair before to remain secret.
Walang sekreto na hindi nabubunyag. Alam ko iyon ngunit hanggang sa kaya ko gusto ko na wala ng iba pang maka-alam. Lalo na ang aking mga magulang baka atakehin pa ang mga ito sa puso kapag nalaman nila na ang nag-iisa nilang anak ay once na naging kabit.
“Saan ba kasi tayo pupunta?” pinagbuksan ako nito ng pinto.
Busangot ang aking mukha ng makita ko ito sa rear view mirror. Pumasok na si Calvin ng mabuksan na nito ang pinto ng driver seat.
“Away from the Metro for a while. Place where you can shout or scream the pain your feeling.”
“Gusto ko bumalik dito ngayong araw lang din David.” Hindi na ako nag-ingay pang muli at nakatingin lamang sa labas ng sasakyan.
Malungkot ako at mas lalo along nalungkot ng malungkot na music ang pinatugtog nito. Bawat minuto na lumalayo ang aming sasakyan. Nararamdaman ko na hindi ko kasama ang kaluluwa ko.
Sa sobrang bored ko. Bumibigat na ang talukap ng aking mata. Dahan-dahan na pinikit ko ang aking mata. Nagpahila na ako sa antok na aking nararamdaman.
Kung dati rati ay nagigising ako sa mga wet kisses ng asawa ko ngayon ay nagising ako sa marahan na tapik sa aking magkabilang pisngi.
“Thanks God at nagising ka rin. Akala ko kailangan ko pang kumuha ng hotel room para magpalipas tayo dito ng gabi.”
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...