Wala na kaming naging problema pa ni Cross ng taposin namin ang isang buwan na pananatili sa loob ng resort. Hindi na kami nasundan pa ni David dahil exclusive na sa amin ang resort ng ikalawang are namin na pananatili roon.
Hindi ko na inungkat ang halikan na aking nakita. As in puro happy moments na lang ang aming napapag-usapan. As much as possible ayaw kong pag-usapan ang mga nega sa aking relasyon.
"Ito po mommy exited na exited ng bumili ng mga damit at gamit para sa baby." I giggled.
"Hindi naman maiwasan 'yan Cross. Alam kong ganoon din ang mommy mo noon." Tumango si Cross bilang pagsang-ayon.
"Sa resort po may mga binili rin kami. Kung exited na ako makita si baby mas exited naman si Hailey." Mas hinigpitan nito ang yakap nito sa akin.
"Hindi ko idedeny na exited na talaga ako." Nakangiti si mommy na nakatingin sa amin ng aking asawa.
"I hope you have love the same with your us."
"Sana nga po, palagi ko pong ipinagdadasal na sana wala sa aming dalawa ni Cross ang ma fall out of love. O kaya ay ilayo kami ng panginoon sa tukso. Ayaw ko po na dadating ang oras na kailangan naming maghiwalay."
"I'm sorry." Bulong nito.
Umiling ako at hinawakan ang kamay na nakapulupot sa akin. Pinahigpit ko pa lalo ang pagkakayakap nito sa akin.
"Simula ngayon ay isa na ako sa magdadasal. Tandaan ni'yo hindi kayo ang mag-susuffer kong nagpadala kayo sa init ng katawan at sa tukso sa paligid. Anak ni'yo ang mag-susuffer ng consequences. Tandaan ni'yo nasa paligid lang ang tukso." Tinapik ko ang kamay na nakapulupot sa akin.
"Makinig ka Cross."
"Nakikinig ako."
"Sa gitna ng libog na inyong nararamdaman hindi niyo na naiisip ang anak ni'yo. Hindi niyo naiisip na may asawa pa kayong uuwian dahil nagpadala na kayo sa libog. Kaya umiwas sa tukso sa paligid at ng hindi kayo makalimot. Huwag niyong arrange marriage lang kayo kaya pweding mag-cheat. Sa haba ng panahon aaminin ko sa inyo kami ng daddy niyo ay bunga rin ng arrange marriage. Makalimutan na namin sa tagal ng panahon na kami ay nagsasama dahil ni minsan hindi hadlang ang pagiging arrange marriage naming dalawa." Ako man ay nagulat sa revelation ng aking ina.
Sa tagal tagal ng panahon na kasama ko ang nga ito ngayon ko lang nalaman na arrange marriage ang mga ito.
"Sige mommy tatandaan namin ang mga sinabi mo. Salamat po."
"Bibisita po kami ulit ni Cross dito. Kailangan ba po munang bumili ng mga damit ng baby." Hindi ma pagkakaila ang excitement sa aking boses.
"Huwag na kayong bumili ng crib para sa baby magpagawa na kami ng daddy niyo."
"Thank you po."
"Thank you mommy. Mauuna na po kami." Pagpapa-alam ko rito.
Humalik muna ako sa pisngi ng ina bago ako kumapit sa braso ni Cross.
"Saan mo gustong bumili ng nga damit?"
"Sa mall." Pinagbuksan ako nito ng pinto.
"Gusto mo bang mamimili ng damit ng walang masyadong tao? Baka kasi siksikan ngayon sa mga mall."
"Hindi naman tayo mamimili sa ordinary mall. Baka may makakilala pa sa akin. Famous kaya itong asawa mo." Biro ko.
"Sana all famous." Nagulat ako.
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Cross.
"Did I heard it correctly? Did you just said sana all?"
"What is the deal love?" natatawa na tanong nito.
"Wew, it's just so unusual to hear it coming from a very masculine man."
"I just heard it from my staff yesterday. I thought it's cool so I tried saying it."
"Really. It's cool and funny at the same time." Nag-focus na ito sa pagmamaneho.
Humawak ako sa lap nito. Tumingin ito sa kamay kong nakahawak. Pinagsiklop nito ang aming mga kamay na labis kong ikinatuwa. Para pa rin talaga akong teenager dahil sa walang kupas na kilig na nararamdaman ko sa tuwing magkahawak ang aming mga kamay.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall. Ang mall na pinuntahan namin ngayon ay tangging may kaya sa buhay ang makakabili. Designer bags, clothes and etc is found.
Pumasok na kami sa loob ng mall. Iilan lang ang nakikita ko rito sa loob which is good thing. Gaisano mall and other mall is always crowded kabaliktaran ng kinatatayuan namin ngayon.
"Hello there mister Ty." Lumapit ang isang babae na sa tanya ko ay kasing edad lamang ni Cross.
"Janice! Kamusta?" gulat na gulat pa rin ito ng makita nito ang babae na nasa harap namin ngayon.
Kung ihahambing kung sino ang kamukha ng babae na nasa harapan namin. Ang unang pagpasok sa aking isipan ay si Moana sa disney movie.
"I'm good. How about you? I heard your married?" naiinis ako sa babae dahil parang ngayon pa ako nito nakita.
"Yes. This is my wife Hailey Tan and this is my friend and my best friend Janice Salvador." Her surename is familiar to me.
"Oh! Arrange mirrage? Sabi ko na nga ba." Napakunot ang aking noo sa reaksiyon ng aming kaharap.
"We are not." Defensive na ani ko at sinisigurado ko na nararamdaman nito ang galit ko.
"O-kay. Pupunta ka ba sa reunion natin?" goodness sino ang hindi maiinis sa kaharap namin.
Nag-iinit na ang aking ulo at kumukulo na ang aking dugo sa galit na aking nararamdaman.
"Asawa ko ang magdedesisyon kung sasama ako at kung sasama ako isasama ko ang aking asawa." Nahalata ko ang disappointment sa kanyang mukha.
Ramdam ko dahil babae rin ako at alam ko ang mga kinikilos ng isang babae.
"Pasensya na pero kailangan na ng asawa ko bumili ng mga damit para sa baby."
"Late na ba ako Cross?" nagulat ako sa nakitang lungkot sa boses nito ngunit mas magugulat pa pala ako sa narinig kong tanong nito.
"Hindi ka late Janice. Wala naman tayo sa trabaho o sa eskuwela para ma late ka." Hinawakan na nito ang aking kamay at naglakad na kami palayo.
Nagulat ako sa nakita ko ng lumingon ako. Umiiyak ang babae. Nagsisinungaling ba si Cross sa pagpakilala sa akin sa babae. Nagsisinungaling ba ito sa akin. Ayoko na muna na magtanong kaya nanahimik ako.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...