Chapter 25

3.6K 55 0
                                    

Napahawak ako sa aking tiyan. Sarap na sarap ako kanina na nakalimutan ko ang salitang diet. Nag-order ulit ako ng kanin dahil sa sarap ng aking kinakain.

Sarap na sarap sa pagkain si David, kagaya ko ay nakalimutan din nito ang salitang diet dahil naka-apat na order ito ng pagkain. Alam ko na hindi advisable ang uminom ng coke sa buntis pero hindi ko na talaga natiis at uminom ako ng coke.

“Thank you kahit papano nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ng aking puso kahit papano ay nakalimutan ko na namatayan ako ng asawa.” Ngumiti ito sa akin.

“Ito lang ang tangging paraan para makabawi man lang ako sa mga kasalanan na aking ginawa. Salamat naman kung ganoon. Hindi useless ang pagbyahe natin.” Sa ilang araw na namatay ang aking asawa hindi na ulit ako ngumiti at tumawa.

I smiled. Hindi na nakita ni David ang ginawa kong pag-ngiti. Kahit papano gumaan ang aking pakiramdam. Nakabalik na kami ng Manila.

“I'm sorry hindi na ako makakapasok sa loob,”  Bagsak ang balikat na sabi nito.

Pinagbuksan ako nito ng pinto.

“Huwag kang mag-sorry. Salamat ulit sa pagsama sa akin sa bukid.” Tumango ito at hinalikan ako nito sa noo.

“Basta para sa'yo. Babalik ako rito bukas. Salamat sa ulit David.”

Pumasok na ito sa sasakyan. Hinintay ko na makalayo ang sasakyan nito bago ako naglakad papasok. Sa may pinto naghihintay si mommy sa akin. Nagmano na muna ako kay mommy.

“Umaliwalas ang mukha ni Hailey. Kamusta ang lakad niyo ni David?” humawak si mommy sa aking baywang at sabay na naglakad kami papasok.

“Gumaan po kahit papano ang pakiramdam ko kahit papano mommy. Nakakain na rin po ako ng tatlong serving ng rice sa karenderya.”

“Ano pang ibang ginawa niyo anak bukod sa pagkain?”

“Umakyat po kami ng burol mommy. Pinasigaw po ako ni David. Isagaw ko raw ang sakit na aking nararamdaman.”

“Mabuti kong ganoon. Hindi na ako tumanggi ng nagpa-alam ito sa akin kaninang umaga. Alam kong kailangan mo na munang lumanghap ng sariwang hangin. Napakabait ng iyong kaibigan anak dahil genuine ang pagmamalasakit na pinapakita nito. At sinamahan ka pang pumunta sa labas ng Manila kahit pa sobrang busy nito.”

Hindi na ako umimik pa sa aking ina. Tahimik nanan ito sa paghaplos sa aking likuran na parang hinihili ako nito. Makalipas ang isang oras isa-isa ng dumating ang mga tao.

Masakit man o ayaw ko man na ilibing ang katawan ni Cross wala na akong magagawa pa para pigilan. Sana lang ay makaya ko na makita na nililibing na ang katawan nito.

Wala akong ibang gagawin sa gabi kundi ang bumati sa mga bumibisita. May mga katulong naman kami sa pagbibigy sa mga ito ng kape para magising ang mga diwa ng mga ito. Malayo layo ang bahay namin sa funeral church.

Sa tuwing sumasapit ang alas dose ng gabi pinapa-uwi na ako ng mga ito sa hotel at pinapatulog. Gusto ko man manatili ngunit ang talukap na nang aking mata ang nagrereklamo. Ang katawan ko na mismo ang nagrereklamo at gusto na akong patulogin.

Alas diyes na ako nagising kinabukasan. Isa sa ayaw ko sa tuwing nagigising ako ay ang pagtakbo ko patungo sa banyo para magsuka.

“Huwag mo namang pahirapan masyado si mommy, baby.”

Sumuka pa ako ng sumuka. Niyayakap ko ang bowl at sumasakit na ang aking lalamunan sa kakasuka. Nang matapos ako ay mabilis na nagmumug ako. Baka malasahan ko na ulit ang lasa ng suka magsusuka na ulit ako.

“Hindi na kita ginising dahil alam ko na kailangan ito ng iyong katawan,” pagkalabas ko ng banyo ito rin ang pagpasok nito.

“Nasa labas si David hija. Hindi ko na muna pinapasok dahil baka hindi mo magustuhan. Papasokin ko ba anak?”

“Sige po,” nakabihis na ako kaya pwede na itong pumasok.

Nang matapos ako sa pagsusuka kanina, nagdesisyon na akong maligo para na rin maging presko abb aking pakiramdam.

“Pasok ka na David.” Pumasok na si David sa silid samantalang si mommy ay nakahawak pa rin sa may pinto.

David is wearing a white polo shirt and a black denim jeans. He paired it with a black slippers.

“Good morning.” Ngumiti si mommy at sumenyas sa aming dalawa ni David na aalis na muna ito.

“Good morning din sa'yo.” Bati ko.“Anong sadya mo David? Pwede ba ako magpatuyo ng buhok?”

He nodded.“Nagsabi ako sa'yo na bibisita ako Hailey.”

“Eh? Bakit ka nandito? Ang akala ko bibisita ka sa funeral chapel kaya nagtaka ako ng sinabi ni mommy na nandito ka at bumisita,” nagkatinginan kaming dalawa ni David gamit ang salamin sa harap ko.

“Wala akong kakilala. Okay sana kung sumama si Ayesha sa akin at ng deritso na ang punta ko.”

Ilang beses akong napalunok sa sarili kong laway.

“David, bigla akong nag-crave.”

“Hm?”

“Gusto kong kumain ng mangga David. At marshmallow pwede mo ba akong bilhan?” nag-puppy eyes ako kay David habang sinasabi ko iyon.

“Magpapahanap ako sa secretary ko ng mangga at marshmallow na gusto mo,” aniya.

“Ayoko na lang,” pagtatampo na boses ang ginamit ko kay David.

“Bakit bigla na lang nagbago ang isip mo Hailey? Ano bang gusto mong kainin ako na ang bibili?” umaliwalas ang aking pakiramdam.

“Iyong mangga at marshmallow pa rin David. Pwede bang dalhin mo sa funeral church at pa alisan mo na ng balat David,” Habang sinasabi ko iyon panay ang lunok ko sa sarili kong laway.

“Ayaw mo lang akong makita kaya gusto mo akong bumili,” akusa nito.

“Mas feel ko kasi kumain kung ikaw ang bumili. Nawalan nga ako kanina ng gana nang sabihin mo na ipapabili mo sa secretary mo. Ibili mo na ako please...” hindi ko alam kung gaano ako kapangit sa pagpuppy eyes kay David pero ginagawa ko pa rin.

Feel na feel ko talagang kumain ng mangga ngayon.

“Bibili ako ngunit mamaya na ako bibili kapag lumabas ka na ng silid at bumaba. Alam kong nauna na ang mommy mo sa funeral. Wala kang masasakyan papunta sa funeral kong hindi kita hihintayin.”

“Okay ikaw bahala. Damihan mo David.”

Kumindat ito.“Para sa'yo susuongin ko ang dagat tatawarin ko ang dagat--” Tumawa ako sa sinabi nito.

Pinatay ko na muna ang blower at hinarap ito.

“Ang korni mo.” Lumapit ako sa kanyang kinaroroonan at hinampas ang matitipuno nitong balikat.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon