“Uuwi na ako may ipapabili ka ba?” napangiti ako ng tanongin ako ni David.
Ito ang palaging tinanong ni David sa akin sa tuwing uuwi na siya sa trabaho lalo na sa ibang bansa. Apat na buwan na ang aking tiyan. At sa loob ng apat na buwan hindi ako binigo ni David.
Pinapangiti ako rito at nanatili ito sa tabi ko kahit pa ang sobra ko ng bugnutin. Minsan pa ay nasasaktan ko ito physically dahil sa gigil ako sa mga buhok nito sa katawan. Alam kong ayaw na ayaw nito na magkuha ng mga balahibo sa katawan pero dahil ayokong makita ang mga balahibo nito sa katawan pina-shave niya na ang buhok.
“Uwi ka na. Wala akong ipapabili may ipapatikim lang ako.” Bumuntong hininga ito.
“Sige ibaba ko na ang cellphone.” Napakunot ko ng ibaba na nito ang cellphone.
Hindi nito binaba ang tawag at palaging ako ang pinapauna magbaba pero ngayon ito ang unang nagbaba. May problema ba ito o kaya may nasabi akong hindi nito nagustuhan kaya binabaan ako nito ng tawag?
Nangigilid ang luha sa aking mata. Pabalik balik na ang lakad na ginawa ko rito sa sala. Napapahawak pa ako sa baba sa kakaisip kung may problema ba ito. Ang dalawang kasambahay na nanood ay tinigil ang panood na ginagawa ng makita ako ng mga ito na hindi mapakali.
“Baka may tumawag kay Sir kaya binaba ang tawag.” Umiling ako dahil wala naman akong narinig na tumawag.
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang tunog ng sasakyan. Naglakad ako palapit sa may pintuan. Hinintay na dumating si David. Lumabas na si David ng sasakyan at naglakad na patungo sa akin.
“Bakit binabaan mo ako ng tawag David? May problema ba? May nasabi pa akong mali?” maamo niya akong tinignan at umiling.
“I was just tired from work. Did I make you worry?” parang bata na tumango ako.
Inakbayan ako nito at naglakad.
“Gusto mo massage kita?”
“I will be in a big trouble if you would.” Mahina na sabi nito pero nagawa ko pa rin na marinig.
“Pupuntahan kita mamaya sa silid mo. Bago ako mag-massage sa'yo tikman mo muna ang niluto ko. New discover ko ang 'to.”
“Hm?” Kumuha ako ng platito at nilagyan ko ito kagaya ng mga ginagawa ko sa tuwing may bago akong natutunan na ulam.
“Masarap ba?”
“You never disappoint me when it comes to your cooking skills. Pwede ka ng mag-asawa Hailey.” Bahagya pa itong tumawa.
“Wew! Hindi ko na kailangan ng asawa David. Nasa tabi na naman kita.” Confident na sabi ko.
“Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ako Hailey. Hindi sa lahat ng oras kaibigan tayo.” Tumango ako.
Kumain na kami ni David ng dinner. Nauna itong natapos sa pagkain kaya dumiretso na ito sa taas para maligo. Ito na ang daily routine namin. Ngayon na buntis ako may gusto pa rin na kumuha sa aking maging modelo pero lahat ay tinatanggihan ko.
Ayoko ng stress. At lalo pa at nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng aking asawa. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ako pero ayoko na maakalam ang tao sa aking paligid. Ayokong mag-alala ang mga ito sa akin.
Naligo na muna ako at ginawa lahat ng night routine ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko. Nag-spray ako ng perfume sa aking leeg. Tinignan ko na muna ang sarili ko sa salamin.
At nang makuntento ako at feel na feel ko na na maganda ako saka pa ako tumayo sa may vanity mirror. Isang terno na silk ang suot ko. Kinuha ko ang nabili ko sa online na good for massage na oil.
Tatlong beses na kumatok ako sa may pinto. Ilang sandali pa ay binuksan na ni David ang pinto. Nakangiti na sinalubong ko ang magkasalubong na kilay nito.
“I will start my massage na. I want to try this product I bought online.” Wala pa akong narinig na pasok ka pero dahil ako si Hailey pumasok na ako sa silid nito.
Malinis ang silid nito para sa isang lalaki. Hindi rin naman ako magtataka kung malinis ang silid dahil kada umaga may pupunta rito na kasambahay para maglinis.
Nakapulupot ang isang white towel sa baywang ni David. Napangiti ako ng makita ko ang dibdib nito na wala na ang mahahabang buhok.
“Higa ka na.” Nag-iwas ito ng tingin.
“Are you wearing a bra?” tanong nito habang naglalakad patungo sa kama.
“Hindi, may problema ba? Hindi ako nagsusuot ng bra sa tuwing on the way na ako para matulog. Masakit na rin kasi kung magsusuot ako lalo na at lumalaki na ang dibdib.” Sabi ko.
“I didn't ask.” Matigas na sabi nito.
Napahiya ako ng wala sa oras. Naglagay na ako ng maliit na amount ng scented oil sa aking kamay. Nagsimula na ako sa paglagay ng oil sa aking kamay at nagsimula na ako sa paghaplos sa likod nito.
Nagsimula na ako sa pagmamasahe sa likod nito. Dahil sa pagkahiya ko kanina hindi na ako nagsalita pa ulit. Sa sobrang tahimik ng silid rinig na rinig ang mahihinang ungol na lumalabas sa bibig ni David.
Ang ulo mo naman ang e mamasage ko David.
“Huwag na. Ako na ang bahala sa ulo ko.” Tumango ako.
Sobra talaga akong nahiya kanina kaya tumango ako na ako kay David at lumabas na sa silid nito. Hindi pa rin humaharap si David ng tinignan ko ito bago ako lumabas ng silid. Pumasok na ako sa silid at nahiga.
Ilang sandali pa naramdaman ko na gusto kong maglagay ng scented oil sa aking ulo. Bumangon ako at tumingin ulit ako sa salamin. Inayos ko ang damit ko na ngayon ay lulot lukot na dahil sa pagpalit ko ng posisyon.
Lumabas ako ng silid. Hinawakan ko ang door knob ng silid ni David. Hindi na ako kumatok sa pinto. Binuksan ko ang pinto at pareho kami ni David na nanlalaki ang mga mata ba nakatingin sa isat-isa.
“Tangina! Tangina! Anong ginagawa mo dito?” sigaw nito.
Mabilis na sinara ko ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat sa nakita.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...