Chapter 4

6.7K 116 15
                                    

Kinuha ko ang nabili ko sa isang shopee na usong-uso ngayon. The price is cheap pero maganda ang quality ng shoulder bag. Hindi kami sabay na lumabas ni David kagaya ng naka gawian.

Binuksan ko ang pinto ng sports car nito at pumasok. Tahimik kaming dalawa sa byahe. Bumaba ako ng walang paalam rito at pumasok ng hospital. Kada hakbang ko parang gusto ko ng umatras. Gumagamit ako ng pills to maintain my period pero ngayon.

Kumatok ako ng dalawang beses bago pumasok ng clinic.

"Good morning." Bati ko sa aking OB.

"Good morning too. Kindly sit Ms. Tan," Tumango ako umupo kaharap ang babaeng doctor.

"Are you sure that you will get a shot of birth control?" Umiling ako.

Wala akong plano na pumunta dito para sa bagay na iyon.

"I would be straight forward Doc. If ever there is someone asking kung nagpa birth control shot ako kindly please tell that I have. I will pay for the birth control shot." Tumango ito.

"Don't worry." Nakahinga ako ng maluwag.

Umalis na ako ng clinic matapos kung magbayad. Sa ngayon wala akong balak na magpaturok. Lumabas na ako ng tuluyan ng hospital. Naghintay ako ng masasakyan na taxi for about six minutes.

My plan for now I will have a window shopping by myself. Baka hindi rin maging window dahil hindi ko mapigilan na bumili ng mga damit at iba pang nagugustuhan kong damit.

Pumasok ako sa Gaisano shopping mall. I like their products in here dahil guarantee na ang kalidad ng products. Una kong binili ay tumatagingting na bag sa isa sa mga favorite brand ko. Minsan lang ako nakakabili para sa sarili ko kaya lubos lubosin ko na.

My parents is giving me money monthly iba pa ang nilagay ng mga magulang ko sa savings ko. Ngunit lahat ng pera na binibigay ng mga ito ay hindi ko ginagastos sa kadahilanang gusto ko kahit sa paggastos ng pera ay independent ako.

Ubos lahat ng kita ko sa advertisement at minomodel ko sa dami at mahal ng pinamili ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko ng pumasok ako sa shop ng wedding gowns.

How I wish I can wear this wedding gown. Nilagay ko sa lapag ang pinamili ko. May sumunod na sa aking saleslady. Ngunit lahat ng mga sinasabi nito ay hindi pumapasok sa aking kokote.

Every girls dream is to wear a wedding gowns. Actually for me the wedding gown isn't the girls actually dream. They dream to marry the man of thier dreams. Wedding gowns and such or the next thing will follow.

Goodness hindi lang nakakahiya ay nagsukat na ako ng gown. Hindi ko ginawa ang pagsukat sa kadahilanang kilala ako ng saleslady. Lumabas na ako paglabas ko ay may dalawang nakakilala.

Ngumiti ako sa harap ng camera.

"Maraming salamat miss."

Ngumiti ako sa mga ito. Hinintay ko na makalayo ang mga ito bago umalis. Malayo pa ako alam ko na ang nakatalikod na si David. Kakalabas lang ng mga ito sa jewelry store ng mall.

Hapit ni David sa baywang si Gracie. Imbes na direksyon ng mga ito dapat ako patungo ngunit dahil ayoko na munang makita ang mga ito na may ngiti sa mga labi hindi ko na naipagpatuloy at nilihis ang aking landas.

Ang sakit kaya makita ang mga ito. Lalo na at kakalabas pa ng mga ito sa jewelry store. Pinapaalala lang ng aking nakikita na ikakasal na ang mga ito. Pinapaalala sa akin na dapat itigil ko na ang pakikipag kita kay David.

Maling-mali naman talaga ang makipagrelasyon sa taong may girlfriend o asawa. Hindi tama ang pakiki-apid sa asawa ng iba. I'm educated still I enable to this. Sab nila walang status o lebel ng pinag-aralan kapag si kupido na ang pumana.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon