Chapter 28

3K 56 1
                                    

“Bakit ang dami mong kasama David?” napakunot ang noo na napatingin ako sa mga kasama ni David.

Binilang ko ang mga ito. At nasa lima ang mga ito. Nag-isa isa ng naglabas ng mga maleta ang mga ito.

“Kailangan ko ng katulong sa pag-aayos ng mga ito Hailey. Ang dalawa sa mga ito ay ang magiging kasambahay ng bahay. Ang isa driver ko 'yan at ang dalawa ay security ko Hailey. Alam mo na hindi ako pweding umalis ng bahay ng walang security na kasama.”

Umawang ang aking labi. Hindi makapaniwala na tinignan ko si David.

“As much as I remember I only agree you staying at my house.”

“Wala ka ng magagawa Hailey. It's been decided. At isa pa kailangan natin sila Hailey. Buntis ka ayokong nagtratrabaho ka pa. Kung gagawa na man ng gawaing bahay atleast my kaagapay ka sa pagbabantay.” Napabuntong hininga ako.

Sumunod na ako kay David. Tila siya ang may-ari ng bahay na ito dahil mas nauna at komportable ito sa paglalakad. Panay din ang utos nito sa mga tauhan na kasama.

“Gutom na ako David. I am craving for chicken  macaroni today.” Malambot ang expression ng mukha ni David ng tumingin ito sa aking direksyon.

Wala nang pang-itaas si David. Ang mga butil ng pawis ay naglalandas na sa mabalahibo nitong katawan.

“Do you have ingredients? I can ask the kasambahay to cook chicken macaroni

“I want you to cook the chicken macaroni.” Kinuha nito ang sando na suot at ginamit iyong pampunas sa kanyang namamawis na katawan.

“Okay. Do you want to watch your future husband cook?” ngumiti ako sa biro nito.

“Ano ka hilo? Gusto kong makita magluto si ex FUBU na magluto. Ex, David.”

“Baka mainlove ka ulit niyan.” Sinamaan ko ito ng tingin.

“Masakit pa rin ang pagkawala ni Cross at hanggang ngayon David siya pa rin ang mahal.”

“I was just trying to light the mood.” Seryoso na ani nito.

Nanood ako na« magluto si David ng chicken macaroni. Habang nagpapakulo siya ng tubig naghiwa naman siya ng iba pang sangkap para sa chicken macaroni.

“Nagluluto rin ba ang asawa mo?” tanong nito.

“Oo, hindi nga ako non hinayaan na magluto. Mas gusto niya raw kasing ipagluto niya ako kaysa sa ipagluto ko siya.” Sabi ko.

Sobrang miss na miss ko na ang asawa ko. Isang araw pa lang ang nakalipas. Hinahanap ko pa rin ang init ng katawan nito sa tuwing natutulog kami. Ang yakap nito at ang maliit na mga halik na ginagawad nito sa aking noo para makatulog ako at marami pang iba.

Tumahimik ito at mukhang ang malalim na ng iniisip.

“Hoy! Bakit sobrang lalim ng iniisip mo?”

“Huh?” napangiti ako.

“Ano iniisip mo? Kasama ba ako sa iniisip mo?” nag-iwas ito ng tingin at nagpanggap na wala itong narinig.

“Baka may gusto ka pang ipagluto? O kaya may gusto ka ipagbili?” umiling ako.

“May lakad ka ba?”

“May meeting ako sa isang investor mamaya.  Kung may gusto kang ipaluto pwede mo naman na utusan ang dalawang kasambahay. Kung may gusto kang ipabili mamaya pwede mo akong tawagan at magpabili ng gusto mong ipabili.”

View ko ngayon ang malapad na malapad na likod ni David. Likod pa lang ulam na. Napatakip ako sa aking mukha sa naiisip. Ang na tuloy na dirty thoughts ang pumasok sa isipan ko ngayon.

Umayos ako ng upo ng marinig ko ang yabag na papalapit dito sa kusina. Pumasok sa kusina ang isa sa mga lalaki na kasama ni David.

“Sir.” Tawag nito sa attention ng amo.

Humarap ito.

“Bakit Gerald?” seryoso na ani nito.

“Tapos na po kami sa pag-aayos ng silid niyo sir. Saan po ang silid namin sir?” tumingin si David sa aking direksyon.

“Ang isang room po kuya ay maids quarter. At ang katabi po ay guest room. Sa guest room po ang silid niyong mga lalaki. Mas malaki po kasi ang guest room.” Tinuro ko ang mga silid.

“Magpatulong na rin kayo sa kanila ni Nicole na mag-ayos ng mga gamit niyo. May importante pa tayong lakad.” Tumango ito at umalis.

“Sige ma'am mauuna na po ako.”

“Here is chicken macaroni  madam.” Ngumiti ito.

Tinanggap ko ang pinggan at nagsimula na ako sa pagkain. Napakunot ako ng aking noo ng makita ko siyang kumuha ng pinggan. Nagsimula na ito sa paglagay ng chicken macaroni sa phone pinggan.

“What are you doing?” huminto ako sa pagkain at hinintay ang sagot nito.

“Naglalagay ng macaroni salad sa pinggan ko Hailey. Bakit may problema ka ba? O may gusto ka bang ipakuha?”

Umiling ako.“Paano kung magutom ako mamaya David? Huwag ka ng kumain ng chicken macaroni David. May niluto aking cake kanina iyon na lang ang kainin mo.” Bumuntong hininga at tumango.

Tinigil nito ang ginagawa at binalik sa lalagyan ang nilagay nitong chicken macaroni.   Tinignan ko ang galaw ni David. Naglakad na ito papalapit sa may ref at kinuha ang cake na niluto ko kanina.

Kapag bored na bored ako ay nagluluto ako ng cake. Lalo na noong panahon na nagpakasal ako kay Cross. Simula ng umuwi ako sa amin hindi na ulit kami ni Caren nagkakasama ng matagal. May negosyo na rin ito na inaatupag.

“Masarap na David?” tanong ko.

Isang subo niya pa ng cake at tinanong ko na siya. Hindi kaagad ito nakasagot at ngumuya pa ito.

“Lasang cake.” Bagsak ang balikat ko ng marinig ko ang sagot nito.

Ano pang aasahan ko kay David? Alam ko naman na hindi ito appreciative lalo na kung tungkol sa pagkain ang usapan.

“Masarap.” Bawi nito sa sinasabi niya ng makita nito ang lungkot sa aking mata.

Pinanood ko itong kumain ng cake. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin ang memories namin ni Cross tungkol sa cake. Uminit ang dalawa kong pisngi ng maala ko ang intimate naming dalawa ni Cross gamit ang icing ng cake.

“Nilalagnat ka ba?” mabilis na akong umiling.

“Hindi. May naisip lang.” Tumango ito.

Nang matapos ako sa pagkain nagpaalam na ako kay David na aakyat ng silid. Doon pa bumuhos ang aking luha. Sumikip din ang aking dibdib. Nagtakip ako ng kumot habang may kumukawalang hikbi sa aking labi. Masakit na masakit pa rin ang pagkawala nito.

“Cross bakit ang aga mo akong iniwan?”

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon