Chapter 27

3K 50 0
                                    

“Tumawa ako. “Ang pangit mo,” sabi ko sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin ito sa aking direction. Mas lalong nanlaki ang mata nito na nakatingin sa aking likod. Humarap ako sa likod ko. Ang ilan sa mga ito ay nakatingin sa akin.

“Goodness! Anong ginawa ko David?” napayuko ako.

“You laugh.” He answered.

“Yes, I did. What is the problem with it? Kapag malungkot ako they want to see me smiling. And now, why are they looking at me like that?”

“They're just happy and curious Hailey. Don't think about them that much. It might stress you.”

Ilang araw na dumating ang araw na kinakakutan kong mangyari. Ito ay ang ilibing ang katawan ni Cross. Iyak ako ng iyak kagabi. Ayaw ko pang ilibing ang katawan ni Cross.

Iyong tipo na kailangan mo ng magpaalam sa taong mahal mo kahit ayaw mo. Pinasuot sa akin ni mommy ang isang white off shoulder na damit. At bumili rin ito ng tie sandal. Flat na, na sandal ang binili ni mommy.

Ang tiyan ko ay nagiging visible na rin. Nakahawak ako sa braso ng aking ina ng ihatid na namin ang katawan ni Cross sa sementeryo. Habang nasa simbahan kami hindi maubos-ubos ang luha ko.

Lalo na sa pakikinig sa mga kaibigan ni Cross. Alam ko na na mabuting tao si Cross pero mas lalo ko lamang na napatunayan habang nakikinig ako sa nga sinasabi ng kaibigan niya. Mga lalaki ang mga ito pero malakas ang mga iyak ng mga ito kanina sa simbahan.

Kaya mas lalo lamang akong napa-iyak.

“Gusto ko na muna pong mapag-isa mommy. Mauna na po kayo please.” Nagkatinginan ang in laws ko at ang mga magulang ko.

“Are you sure?” Tumango ako hindi pa rin nakatingin sa mga ito.“The driver will sta--”

“Ako na po tita.” hinihingal si David.

“Is it okay?”

“Yes po.” Nagkatinginan muna ang mga matatanda bago ang mga ito nagdesisyon na umalis.

“I'm sorry na late ako. Nagka-aberya lang sa airport kanina kaya na late ako.” Paliwanag nito. 

Nakatayo pa rin ako hanggang ngayon. Nakatingin sa puntod ng mahal kong asawa. Nakayakap din ako sa aking sarili. I want to be alone right now pero ayoko naman na paalisin ito lalo na at nagmadali pa ito sa pag-uwi para lang makadalo sa libing.

“Hindi na nakasama si Ayesha, Hailey. Gustong dumalo ni Ayesha pero hindi na siya pinapahintulotan na bumalik sa Pilipinas matapos ang scandal na sumira sa kanyang reputasyon.” Tumango ako.

“Its okay naiintindihan ko naman.” Napaisip din ako.

Ano kaya kung nahuli kami ni Gracie noon? Kailangan ko rin ba na mangibang bansa? Isa lang ang pagkakapareho namin ni Ayesha iyon ang pagiging kabit. Ang sitwasyon ay hindi, kung ginamit ni David ang katawan ko si Ayesha ay dalawa.

Ginamit ang katawan at pinerahan ito. Pinaniwala pang mahal na mahal ng lalaki. Atleast ako alam ko na hindi ako mahal ni David kaya kung masakit man hindi masyadong malala ang sakit kagaya ng nangyari rito.

I'm still thankful na kami pa rin ang nakaka-alam sa relasyon namin ni David noon. Nagpakawala ako ng hikbi ang balikat ko ay nangiginig pa rin.

“Alam kong masakit pa rin hanggang ngayon ang pagkawala ng iyong asawa. I'm really sorry for your loss Hailey.”

“You don't have to say sorry, really.” Sa hindi malamang dahilan ay biglang dumilim ang paligid ko.

Ang huling kong naramdaman ay ang pagbagsak ng aking katawan sa bisig. Umiiyak na minulat mo ang aking mga mata. Bakit parang totoo ang pag-uusap namin ni Cross? Bakit parang hindi panaginip ang pagyakap at paghalik ni Cross sa akin?

Ang pagdampi ng labi, ang pag-uusap bakit parang totoo.

“Thanks God your finally awake. You got me worried Hailey. Oh! Why are you crying?” nag-half sleep at half sitting na ang posisyon ko ng lumapit si David.

“Nanaginip ako David. Napanaginipan ko si Cross.” Tumango ito encouraging me say more.

Hindi ko na ginawa bagkos niyakap ko lamang si David at umiyak ako ng umiyak. Wala na akong paki-alam kung nababasa ko ang t-shirt na suot nito.

“Shhh...alam mo magandang solusyon sa problema mo ngayon ang alak pero naalala kong buntis ka kaya binilhan na lang kita ng fresh milk. Saab pa at mawawala din ang sakit na nararamdaman mo.” Binigay nito ang fresh milk na sinabi nito kani-kanilang.

Tumigil na ako sa pag-iyak. Hanggang ngayon ay may kumakawala pa rin na hikbi sa aking labi.

“Bakit daw ako nahimatay David? Sinabi mo ba sa kanila ni mommy?”

Umiling at bumuntong hininga ito.

“Hindi ko sinabi. Over fatigue Hailey. Hindi ibig sabihin na patay na si Cross pababayaan mo na rin ang sarili mo Hailey. Kahit huwag ka ng mabuhay para sa sarili kahit para sa bata na lang sa sinapupunan mo. Sabi ng Doctor kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo baka humina ang kapit ng bata.” Naglandas ang luha sa mga mata ni David habang nagsasalita siya.

Napahaplos ako sa aking tiyanng wala sa oras.

“Kung kailangan kong tumira kasama ka gagawin ko. Kailangan kitang bantayan at alagaan Hailey masyado munang pinapabayaan ang sarili mo.” 

Nagkatinginan kami ni David.

“Salamat David at hindi mo sinabi sa mga magulang ko ang nangyari ayaw kong ma stress ang mga ito.” Nagparte ang mga labi nito.

“Titira ako kasama mo at final na iyon.” determinado na ani nito.

“Anong sasabihin ng mga tao? Huwag na David kaya ko na ang sarili ko.”

“Sabihin mo 'yan once na hindi mo na pinabayaan ang sarili mo. Pagbigyan mo na ako Hailey. Hindi ako makakatulong ng maayos kong hindi mo ako hahayaan na tumira sa baha mo.”

Alam kong once na sinabi nito ang kanyang desisyon alam kong hindi ko na mapipigilan iyon. Patuloy pa rin ako sa paghaplos sa aking tiyan. Natatakot ako na baka pati ang baby sa sinapupunan ko at mawala rin sa akin.

“Hindi ko kayang mawala ang baby ko David. Tulungan mo ako please...hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang alam ko na lang gawin ngayon ay ang umiyak ng umiyak.”

“I will help you Hailey. Hanggang sa mga anak ka. Tutulongan din kita sa pagbabantay ng baby mo sa oras na manganak ka na.” sincere na sabi nito.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon