Nagulat ako dahil sa aking paglingon nakita ko si David. Coincidence ba ulit na makita ko ito sa mall? May sarili silang mall at hindi ko alam kong bakit nasa mall ito ngayon. Hindi na niya kailangan pumunta sa mall na ito actually sa dami na naman ng mall ng mga ito.
Humigpit ang pagkakahawak ni Cross sa aking kamay. Tumingin ito sa amin at alam ko na hindi ako namamalikmata ng makita ko ang sakit na ekspresyon nito ng makita niya ang pagkakahawak ng aming mga kamay.
"Ang creepy na ng ex mo Hailey. Bakit ba panay ang sunod nito sa atin? Hindi pa rin ba ito maka-move on? Sandali kakausapin ko na iyang Gaisano na 'yan." Kinuha nito ang kamay na nakahawak sa kanya.
Alam ko once na hindi ko ito pinigilan baka mag-aaway pa ito sa mall. Ayaw ko naman na magkasakitan ang mga ito.
"Huwag na Cross baka mauwi lang kayo sa pag-aaway. Pabayaan mo na lang." Pinigilan ko ito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito.
"Kapag sa susunod na makita ko ito at alam ko naman na wala siyang sadya dito sa mall huwag na huwag mo na akong pipigilan Hailey. Sinong inuuto nito? Ang isang David Gaisano ay pupunta ng mall kung mayroon naman silang maraming mall goodness hindi ako ganoon noon Hailey." Napahilot pa ito sa kanyang sentido.
Pinapakalma ko na muna si Cross at tinignan ko ito deritso sa mata. Ang tangging na nararamdaman ko ngayon ay ang pagka-awa kay David wala ng iba. Gusto kong maramdaman nito sa pamamagitan ng pagtingin ko rito na mahal na mahal ko ito.
First love ko si David at ika nga nila first love will always have a place in your heart.
"Okay na? Kalma ka na?" tumango ito.
"Bili na tayo ng mga damit. Excited na talaga ako Cross." Hinigit ko ito na ito ng makakita ako ng shop ng mga damit ng mga baby.
Umiigting pa rin ang panga nito. Hindi pa rin nawawala ang galit nito. Namimilog ang aking mata ng makita ko ang mga damit. Ang unang kumuha ng pansin ko na mga damit ay ang mga damit sa babae.
Nagpapahalata naman ako masyado na gusto kong magkaroon ng isang babaeng anak. Binitawan ko na ang kamay ng aking asawa at lumapit ako sa mga naka-display na mga damit ng mga baby.
"Ang ganda ng mga damit Cross." Sabi ko ng maramdaman ko ang presensiya nito sa aking likuran.
Lahat ng mga kinukuha kong damit ay binibigay ko na kay Cross. Iba pa naman ako kapag bumibili. Sobrang magastos ako lalo na kung alam kong hindi ako magbabayad. Hindi ako matipid pero kapag pinaghirapan ko ang pera ay sinisigurado ko na nakikipakinabangan ko o nakikita ko sa mga ito.
"Kung gusto mong mamili ng damit pwede ka rin na mamili." Umiling ito.
"Gusto ko na nasa tabi mo. Marami kang damit na kinukuha. Hindi ko na siguro kailangan pa ng tulong."
"Sa mga panlalaki na damit na naman tayo. Okay lang ba ang dami kong gustong ipabili?"
"As much as you want love. If you feel like buying things for you and the baby my cards is available anytime."
"Talaga? Pwede bang sa akin na muna ang black card mo love? Baka kasi may magustuhan ako na mga damit lalo na sa panahon na wala ka."
"Yes you can have my card love. Lahat ng pagmamay-ari ko ay pagmamay-ari mo na rin." Tumango ako.
"Why are you so sweet without even trying?" He shrugged at sinamahan ako nito sa mga damit ng new born baby para sa mga lalaki.
"Really? So I always make your heart flutter?" Tumango ako. "You always make my heart flutter too. This may sound gay but everytime I'm with you I always feel the butterfly in my stomach." Hinarap ko ito at pinulupot ko ang aking kamay sa leeg nito.
"Your making me so kilig too Cross. This is one of the reasons why I want to spend my whole life with you." Mabilis na hinalikan ko si Cross.
Hindi basta natatapos ang pamimili namin ng damit at iba pang baby stuff na walang harutan na nangyayari. Marami-rami din akong damit na nabili. Umabsent lang talaga sa trabaho si Cross para samahan ako mamili ng mga damit ni baby.
Tinulungan ako ni Cross sa pag-aayos ng mga damit sa luggage. I rerenovate na sa isa sa mga silid para sa magiging silid ng anak namin. Gusto ko kasi na magkaroon ito ng sarili nitong closet.
Tiyak na madami ang magiging damit nito dahil sa mga kapamilya ko at ni Cross. Lalo na at ang baby ko ang magiging first born ng magpinsan.
"Akala ko hindi na na bibili ng mga damit para sa lalaki."
"Wala talaga akong balak na bumili Cross." Humikab ako.
Bumibigat na ang talukap ng aking mata.
"Gusto ko ng matulog Cross. Samahan mo ako please...I miss your smell so bad."
Tumango ito. Tinabihan ako na ako nito sa kama. Hinalikan na muna nito ang aking noo. Bago ako nito pimahintulutan na humiga sa kanyang mga balikat.
Ilang araw na rin ang nakalipas. At sobrang bored ko na rito sa bahay. Good thing din naman ang pagiging bored ko dahil marami na din akong natutunan na gawin.
Habang nag-scroll ako sa aking timeline. Nag-share ang isa sa friend ko sa facebook ng mangga bigla tuloy ako nag-crave sa nakita. Napapalunok pa ako sa nakikita. Ngayon na buntis ako ang dami kong gustong kainin.
At kung noong nakaraan ay nagpipigil ako ngayon ay hindi ko na kaya pang magpigil. Tinawagan ko si Cross. Isang ring lang ng cellphone nito ay sumagot na kaagad ito.
"Hi love!"
"Hello? May gusto ka bang ipabili?" nakangiti akong tumango.
"I am craving for mango. Iyong hilaw sana at gusto kong isawsaw sa bagoong ang mangga love." Habang sinasabi ko ito hindi ko maiwasan na maglaway sa sinasabi.
"I will buy mango kapag natapos ang meeting ko sa isang investor."
"Talaga? Maghihintay ako love. Pwede mo naman na ipabili sa mga staff mo para hindi mo na problemahin." Suggestion ko.
"Alam mo naman na ayaw ko ipabili ang mga gusto mong kainin sa iba kung kaya ko naman na bumili. Ako ang asawa at ama ng ama ng bata kaya ako ang bibili lahat ng cravings mo."
"Kinikilig ako Cross."
"Wait for me. Ibaba ko na ang tawag. I love you."
"I love you." Doon niya pa binaba ang tawag.
Napangiti ako. Habang naghihintay ako ay gumawa na muna ako ng mapagkaka-abalahan ko. At nang inantok ko ay hindi na ako nagdalawang isip at natulog.
Dahan-dahan na minulat ko ang aking mga mata. Kinusot ko ang aking mata at nag-unat. Nagulat ako ng matabig ko ang picture frame. Nagising na ng tuluyan ang aking diwa.
Bumangon ako at kinuha ko picture frame na ngayon ay basag na basag na. Kinuha ko ang picture frame. Bigla akong kinabahan ng makitang picture naming dalawa ni Cross ang nasa loob.
"Goodness." Tinignan ko ang oras sa alarm clock.
Napakunot ang aking noo. Alas otso na ng gabi pero bakit wala pa rin si Cross. Inilagay ko sa bed side table ang picture. Ipapakuha ko na lang sa kasambahay ang mga bubog.
Nasa huling hagdan na ako ng binigay sa akin ni Argen ang cellphone.
"Kanina pa po tumatawag ma'am." Kinuha ko ang cellphone.
Hindi ko na tinignan kung sino ang caller dahil sinagot ko na agad ang tawag.
"Good evening, who's this?" tanong ko.
"Asawa ba ito ni Cross Ty?"
"Oo bakit?"
"Bakit? May problema ba?" nangiginig na ang aking boses at naiiyak na ako.
"Ma'am nasa morgue na po ang katawan ng asawa niyo. Dead on arrival po." Napahawak ako sa railings ng hagdan.
Ilang sandali ay nabalot na ng kadiliman ang paligid. Ang huli kong narinig ay ang sigawan.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...