Chapter 21

3.7K 65 2
                                    

Dahan-dahan na minulat ko ang aking mga mata. Sa hindi pamilyar na ceiling ang unang bumungad sa akin. White ang ceiling ng nasa harap ko ngayon.

Nang maala ko ang nangyari ay dali dali na akong bumangon.

“Gising na po si ma'am.” si mommy na umiiyak ang una kong nakita.

“Anak...” ayaw kong maniwala sa narinig ko na balita ng pulis.

Seeing mommy crying right now is making me sad. Nanininbugho ako umiling iling pa ako kay mommy. Nakalapit na ito sa akin at niyakap ako nito ng mahigpit.

Nakayakap ako sa kamay nito na umiiyak pa rin.

“Buhay pa si Cross mommy. Buhay pa siya...hindi ako iiwan ng asawa ko mommy.” Malakas na umiiyak ako wala na akong paki-alam kung may tao sa paligid.

Umiiyak ako sa bisig ng aking ina na parang bata. Nakaramdam ako ng yakap galing sa aking likuran.

“Sorry anak. Wala man lang kaming nagawa ng mommy.” Umiling ako wala namang kasalanan ang mga magulang ko sa nangyari.

Ako ang dapat na sisihin sa nangyari. Kung sana hindi ako nagpabili ng pagkain sana hindi ito a disgrasya. I cry my heart out. Ang sakit sakit sobra na dahilan kaya nahihirapan na ako sa paghinga.

“Kung hindi sana ako nagpabili ng mangga hindi sana ito ma aaksidente.” Umiling si mommy at hinagod ang aking likod.

“Wala kang kasalanan Hailey. Aksidente ang nangyari at wala kang kasalanan. Walang may gusto na mangyari ito.” Kahit pa pinapagaan ni mommy ang sobrang kabaliktaran naman ng ginagawa niya ang nararamdaman.

“Gusto mo ba na makita na muna ang katawan ng asawa mo sa morgue? O sa punerarya na?” tumango ako kay daddy.

"Gusto ko pong makita ang katawan ni Cross sa morgue daddy." Nagkatinginan ang dalawa ay tumango.

Inalalayan ako ni mommy na tumayo. Humawak ako sa braso ni daddy. Baka mawalan na naman ako ng malay. Ayaw ko na mapahamak ang aking anak.

Naglakad kami patungo ng punerarya.  Umiiyak pa rin ako. Mahihina ko na lamang na hikbi ang naririnig ngayong naglalakad kami sa hallway. At ang tunog ng hells galing sa aking ina ang naririnig.

Binuksan ng isang staff ang pinto. Bumuntong hininga na muna ako bago pumasok. May mga pulis sa loob at nakita ko si daddy na umiiyak at kausap ang mga pulis.

“D-addy.” Tawag ko sa pansin nito.

Malungkot na tumingin ito sa aking direksyon. Naglakad ako palapit dito at niyakap ko ito ng mahigpit. Umiyak ako sa bisig ng ama ng mahal ko.

“I'm sorry daddy... I'm sorry kasalanan ko kung bakit namatay si Cross.” Umiiyak na kami pareho.

“Wala kang kasalanan anak.” Hinagod nito ang aking likuran.

Sa tuwing pinapagaan nila ang loob ko bakit palaging bumibigat ang aking pakiramdam. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa aking manugang ng lumapit ang isang pulis.

“Ito po ang mga nakuha naming mga gamit sa loob ng sasakyan.” Ibinigay kay daddy ang transparent na supot.“Nagpapatuloy pa rin kami sa pag-iimbestiga.We will contact you once na may nalaman kami.”

“It is not an incident?” I asked.

“Naghihinala po si sir na baka sinasadya ang nangyari.” Tumango ako.

“Pwede mo bang tignan ang nasa loob?” tumango ito at binigay sa akin ang supot.

Humawak ako sa kamay ng aking ama. Itinaas ko ang supot. Mga nangga ang nasa loob at ang unang nakatawag ng aking pansin ay ang pink ma card na may red na reborn sa loob. Ang card ay bakas pa ng dugo.

Kinuha ko ang nasa loob na card. Binuksan ko ito. Sa pagbasa ko ng letter ramdam na ramdam ko ang pagmamahal. Kumapit ako kay daddy at umiyak. Nangiginig ang aking tuhod pero na manage ko pa rin na maglakad papalapit sa kinaroroonan ng aking asawa.

Dahan-dahan na ibinaba ang nakatalukbong dito. Nanghihina ng makita ko ang mukha ni Cross. Niyakap ko ang katawan ni Cross at umiiyak ng umiyak.

“Bakit si Cross pa? Bakit maaga mo akong iniwan? Paano na kami ng anak mo Cross?” sigaw ako ng sigaw.“Panaginip lang ito mommy, di'ba?” nakayakap pa rin ako sa katawan nito.

Ang ama ko na hindi ko minsan nakitang umiyak ay umiiyak na ngayon na nakatingin sa akin. Binigyan ako ng mga ito ng panahon upang umiyak. Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko kinabukasan masaya ko na ulit na kasama ang asawa ko sa kama.

“Anak kailangan mo na munang magpahinga. Kailangan na rin ng mga ito na ipunta sa punerarya.”

Yumakap na muna ako kay daddy.

“Ipapahinga ko na muna si Hailey. Baka mapano pa ang nasa sinapupunan nito.”

May baby nga pala sa aking sinapupunan. Kakayanin ko ba na alagaan ang anak ko ng mag-isa? Nagpaubaya ako sa aking mga magulang at sumama na kay mommy.

Si daddy ay nanatili pa rin sa loob ng morgue. Tumutulong si daddy kay daddy sa pag-aayos ng libingan ni Cross. Nakahilig ako sa balikat ni mommy.

Pinopreseso ang mga nangyari ngayon.

“Don't stress yourself Hailey. Nakakasama sa bata ang pagiging stress ng ina. Alam ko na hindi mo maiiwasan pero para sa apo at anak mo anak sundin mo ang payo ko. Ang anak niyo na lang ni Cross ang iniwan nito sa ito kaya sana alagaan mo ang sarili.” Wala sa sarili na tumango ako sa aking ina.

“Natatakot ako mommy. Paano kong hindi ko kayanin? Kakayanin ko ba mag-alaga ng bata ng mag-isa? Ang daming pumapasok na tanong sa aking isipan mommy.”

“Nandito si mommy Hailey. Tutulongan ka ni mommy sa pagbabantay ng bata. Mas mabuti nga na simula ngayon ay bumalik ka na sa bahay ng maalagaan kita. Nasa tabi mo si mommy parati Hailey. Kung may problema ka at kung ano man ang bumabagabag sa'yo nandito si mommy para tumulong.”

“Hindi ko alam ang gagawin ko. Salamat at nandito ka sa tabi ko. Sana lang makayanan ko ang pagsubok ng panginoon sa akin.” Pilit na tinatagan ko ang aking boses.

Ayaw ko na mag-alala pa si mommy sa akin. Matanda na ito at kung dadag pa ako baka mas maaga pa itong tumanda kaysa sa inaasahan. Nasa byahe pa kami pauwi ng bumigat ang talukap ng aking mata.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon