Hindi pa rin ako kinikibo ni Daddy hanggang ngayon. Ngayong buwan na ang due date ko pero kahit ilang buwan na ang lumipas ay wala pa ring kibo si Daddy. Sinasabihan naman ako ni Mommy na hindi pa rin natanggap ng Daddy ko na once naging kabit ang pinakamamahal niyang Anak.
Sabi ni mommy magtampo lang si Daddy sa akin. Ilang beses akong sumubok na kausapin ito pero balewala ako nito palagi. Para akong hangin sa paningin ni Daddy habang sumubok ako na magsalita.
“He's hurt Anak. You hurt your father ego. Alam mo naman na lahat ginagawa ng Ama mo para mailayo ka sa mga tao na maaring manakit sa'yo. Kaya ka nga home schooled noon dahil nilalayo ka ng Ama mo sa mundo na puno ng cruelty. Kaya nang malaman niya na gusto mo maging modelo nagmatigas ito. Ilang buwan din kaming hindi nag-imikan ng Ama mo. Hindi ka na niya matiis pumayag ito sa gusto mo. At ngayon iniisip ng Daddy mo na wala siyang kwentang Ama dahil wala man lang siya sa panahon na nasasaktan ka,” tinignan ko ang repleksyon naming dalawa ni Mommy sa salamin.
Manganganak na ako pero sa tuwing magkasama kami ni Mommy binababy pa rin ako nito. Mommy is busy tressofhair my hair. Focus na focus ito sa gingawa. Hinayaan ko si Mommy na gawin pa rin ang mga bagay na ginawa nito sa akin ng bata pa ako.
Ako lang kasi mag-isang Anak at wala naman na ibang magtutuunan ng pansin si Mommy kung hindi ako. Ngayon na malapit na akong manganak ang attention namin ay mababaling na sa Anak kung lalaki.
Tama si David ng sabihin nito na lalaki ang magiging Anak ko. Pero mali talaga ito ng sabihin nito na pumangit at umitim ang aking kililli like haller kailan pa umitim ang kilikili ko?
Malayo man kami ni David sa isat-isa pero hindi kami minsan nawalan ng communication sa isat-isa. Magkaibigan pa rin kami ni David. Gusto ni David na pumunta ng probinsya para nasa tabi ko ito kapag nanganak ako pero ayaw ko naman na magalit sa akin si Daddy.
I suggested na mag-skype na lang muna kami at kukuhanan ko na lang ng picture ang anak ko para makita nito.
“Curious lang talaga ako Anak. May relasyon ba kayo ni David Gaisano? May relasyon ba kayo ngayon? Saka natanong ko na ito sa Daddy Stephen mo noong nakaraang linggo sabi niya kung makakahanap ka ulit ng lalaking mamahalin okay lang daw iyon sa kanya. Basta okay naman daw sa pamilya ng lalaki na may Anak ka na at hindi mo pababayaan ang apo namin,” bumuntong hininga.
“Wala po kaming relasyon ni David. I'm still mourning mommy. Masakit pa rin kahit pa kailan lang kami nagkakilala ni Cross. Ang laking impact sa akin ang nangyari. Ang tangging relasyon na mayroon kami no David mommy iyon ang pagiging magkaibigan. Wala na pong kaming ibang relasyon ni David,” bahagyang ngumiti si mommy.
“Kung mayroon Hailey sana ako ang unang tao ang nakaka-alam. Magtatampo ako Hailey kung hindi ako ang unang sasabihin mo. Don't hesitate to tell it to mommy okay? Buto naman ako kay David, I think that man is a good man. At nakikita ko naman na genuine ang pag-aalala niya sa'yo at pag-aalala niya sa bata,” tumango ako kay Mommy bilang pagsang-ayon.
“Sa ngayon po wala pa po sa isip ko ang mainlove ulit. As long as nasa tabi ko kayo ni Daddy. At as long as magkaibigan pa rin kami ni David sapat na po iyon sa akin. Sabi niya din naman Mommy na willing to wait po siya,” umupo na sa tabi ko si Mommy dahil natapos na nito finally ang pag-aayos sa aking buhok.
“Matulog ka na para gwapo ang baby paglabas.” Napangiti ako at tumango.
Hinatid ko si Mommy hanggang sa makarating ito sa may bukana ng pinto. Sinarado ko na ang pinto at naglakad na ako papalayo sa may pinto.
Kinuha ko ang iPad ko at tinawagan ko na sa Skype si David. Isang ring ko lang ay sinagot na ni David ang tawag. Nakasandal si David sa backrest ng kama. Tangging dibdib ni David at mukha nito ang aking nakikita.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
RomantikThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...