CH08

196 16 2
                                    

Alice



Maaliwalas ang gising namin kinabukasan. Brix had his arm and leg laced around me with his head buried in my neck as he soundlessly slept. Ginawa niya talaga akong unan na pangyakap. Sana sinabi niya para nagdala kami ng unan, hindi ba.

Kinapa ko ang phone para makita ang oras: 8:28am. Nakakahiya naman kapag may pumuntang bangkero dito tapos siya pa gigising sa'min.

"Gising na." Sinubukan kong bumangon pero cannot be. Binuhat ko ang pagkabigat-bigat na legs niya at tinanggal sa binti ko, dahilan para mapatihaya siya.

Umungol si Brix at sumilip gamit ang isang mata saka ngumiti siya sa'kin. Medyo namamaos pa ang boses niya nang batiin ako."Good morning."

Tinapik ko ang binti niya ng isang beses bago ako tumayo. "Baka hindi tayo abutin sa 9am."

Usually, 9am umaalis ang mga bangka sa dalampasigan. Hinablot ko ang two piece peach polka-dotted swimsuit at dinala ito sa banyo. Tanktop style ang pangtaas nito at nagdala rin ako ng white shorts na babagay sa outfit ko. Syempre hindi mawawala ang knitted white shawl.

Paglabas ko ng banyo, nakabihis na si Brix: White sando with a palm tree in the middle with blue boardshorts. Handa na ang sun hat ko nang may dumating na para sunduin kami. Kami rin ang unang nakasakay sa bangka at medyo naguluhan ako nang pumalaot agad ito.

"Wait, wala ba tayong kasama?" Tanong ko sa bangkero. Nalilito siyang tumingin sa aming dalawa ni Brix.

Nang ibaling ko ang tingin sa boyfriend ko, nakangiti lang ito sa'kin. "Surprise!"

"You rented this boat?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Tumango ito. "Kaya hindi tayo late. Walang male-late ngayong araw."

Katulad ng kahapon, gagawa ng sariling ruta ang bangkero namin para daw mas malasap namin ang mga island na pupuntahan with less tourists.

Tumalon agad kami sa dagat nang makarating sa Helicopter Island. As the name implies, hugis helicopter daw ito kaya 'yon ang pangalan niya. Walang katao-tao at sobrang picturesque ang lugar. With its clear blue skies, calm turquoise sea, at pinong white sand, it would be a shame not to have a visual memory of it.

"Wait! Picture muna tayo."

We snorkeled our way to the beach. Nag-set up ako ng tripod at camera facing the sea at tinayo ito sa sand. Lumingon muna ako kay Brix at nakitang naka-indian seat ito sa harap ng camera, naghihintay sa'kin. Siya ang ginawa kong focus ng camera, iginitna siya sa view finder at matapos i-set ang timer, nagkandarapa akong tumakbo sa kanya. Ten seconds lang ang timer at natataranta ako kung saan pupwesto kaya hinila ako sa braso ni Brix at napaupo sa kandungan nito.

"Ngiti ka, ayan na!"

Hindi ko alam pero parang nasa ere ako ng makuhaan kami. Dismayado akong naglakad papunta sa camera. Disente naman pero para talaga akong nahulog kay Brix. Okay, cute na. Kyot naman kasi kami.

"Mag-isip ka kasi ng pose mo."

"Ganyan ka lang, indian seat?"

"Meron pa bang iba?"

Siguro thirty two times na pabalik-balik ako sa posisyon namin bago ako nagsawa kakapicture. As always, mahaba ang pasensya ni Brix sa'kin kaya di lang ako sa kanya nagpapasalamat, pati na rin kay Lord.

Bumalik kami sa pagbabad sa dagat, pailan-ilang beses na snorkel isa iba't ibang lugar. Bawat sisid, pakiramdam ko bumisita ulit ako sa kahariang hindi ko akalain na nag-e-exist. I couldn't get over how enchanting those tall colorful corals and schools of fish that swam in sync with each other. Nameet ko na rin si Nemo kaso parang ayaw niya sa'kin. Akala niya yata huhulihin ko rin siya.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon