CH10

318 25 71
                                    

Alice


Lights of Love Events Place here in Quezon City has a magnificent night view. Bungad pa ng lugar, marami nang pailaw sa mga poste nito, parang subsidized ng Meralco. Pumasok kami dito at naglakad sa mabatong pathway papunta sa mismong pagdadausan ng 63th birthday ng auntie ni Brix.

Nakarating kami sa isang malawak na damuhan sa gitna ng mga bungalow in what I assume was where the indoor venues were located. Kapansin-pansin ang malalaking puno na nakapaligid dahil sa naglalakihang sanga na gumagapang papunta sa gitna ng hardin. Bawat sanga nito ay nasabitan ng maraming maliliit na bilog na lantern na nagsisilbing dilaw na liwanag sa buong lugar. Nagmumukha itong mga bituin lalo na kung malayo ang tingin, tila ba gumagabay sa'min sa paikot naayos ng mga mesa which filled the empty space in the middle that I think was a dancefloor. Sa gilid ng malaking bilog ng mga table ang buffet section, adjacent to the bar.

Kahit na marami akong napuntahang gathering sa side nina Brix, kinakabahan pa rin ako tuwing sasabihan niya ako na may pupuntahan kami. Hindi pa rin ako immune sa komento ng ibang tao sa'kin lalo pa't kamag anak ito ng taong mahal mo.

He told me to wear something nice so I put on a knitted off shoulder blouse in light brown, paired with a khaki pleated skirt and beige-coloured toe pumps. Dahan-dahan akong naglalakad sa bermuda grass habang nakakunyapit sa braso ni Brix who looked dashing in his all black outfit: a long-sleeved polo that was folded to his upper arms, pants, and shoes.

"Kung alam ko na garden ang pupuntahan natin, nagsuot sana ako ng rubber shoes."

"I'm sorry, my love."

Napatingin ako sa kanya. "Nagbibiro ako, sineryoso mo ako."

Wala siyang nagawa kundi ngumiti at kamutin ang ulo. Hinila ko ang kanyang braso at pinabayaang mag-slide down ang kamay papunta sa palad niya. "Bakit ang lamig ng kamay mo?"

He squeezed it tight and kissed the back of my hand. "Umiinom ako ng iced tea sa kotse kanina."

He led me to where his parents were and his mom automatically embraced me with a genuine smile on her face. "Hija! You're here!"

"Kailan pa po kayo nandito sa Manila?"

"Noong isang araw lang."

"Pasensya na po at hindi ko kayo nabisita."

"Wala 'yon, anak. Sinabihan ko si Brix na gusto kong supresahin ka ngayon, hindi ba?"

Nilingon ko si Brix at tumango ito ng tipid. Anong nangyayari sa lalaking ito? "Ma, punta muna kami sa table namin."

Tumango ang mama niya at hinila niya na ako paalis.

We sat in the opposite direction of the bar, near the buffet table. Alam na. Hindi ako mahilig uminom at isa pa, nahihiya kasi akong mag-round two kapag malayo na ang table na inuupuan ko sa kukuhaan ng pagkain.

"Nasaan ang auntie mo?" First time ko pa kasi makikita ang auntie niyang ito. Hindi pa yata niya nababanggit ang pangalan nito.

Luminga-linga siya bago sumagot sa'kin. "Marami pa siyang kausap, maya-maya na natin siya lapitan."

"Okay."

"Saglit lang, punta ako ng restroom."

At nagmuni-muni habang tinitignan ang iba't ibang ilaw na nandito. Maraming imbitado sa pagtitipon ngayon dahil kahit konti pa ang mga tao, marami pang bakanteng upuan.

If I would be with Brix for the rest of my life, kailangan ko masanay sa ganitong mga function. People who talked with their Tiffany's and Rolexes, holding their wine glass while photographers took pictures for memories. This is his clan, ito na ang kinagisnan niya. Hindi sila matapobre or rude pero ramdam ko pa rin na alangan ako sa kanya paminsan-minsan. His parents are loving and it feels as if they adopted me and my brother as their own. Sobrang welcome kami sa family nila lalo na noong una kaming inimbitahan sa Australia kung saan pinanganak at lumaki si Brix. Inilibot niya kami doon para sa dalawang linggong bakasyon.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon