Lloyd Vincent
Surprising Annie was an easy task. Makwento siya at nabanggit niyang papunta siya sa ospital. Just in case mauna ako, alam ko namang nasa harap ng bahay nila ang family-owned studio na pag-aari rin nila. Hindi mahirap na mahanap ito sa GPS dahil registered as a business ang address nila.
Umaga na nang makalapag ang eroplano sa NAIA. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa St. Luke's Memorial Hospital bago ako tumawag sa kanya. "Baby? Kamusta?"
"Okay lang babe, kakarating ko lang ng ospital. Ikaw?"
"Kakauwi ko lang. Saan ba ulit na-confine ang mama mo?"
"St. Luke's. Bakit?"
"On the way?"
"Papasok na. Bakit?"
Sakto nakita ko siyang nakaipit ang phone sa pagitan ng tainga at balikat habang sukbit ang isang malaking shoulder bag at bitbit ang dalawa pa sa magkaibilang kamay. Paano niya nasagot ang tawag ko?
"Wala lang." Sinundan ko siya at bago pa man makapasok, kinuha ko na ang isang bag sa kaliwang kamay niya at hinila ito na siyang ikinagulat niya.
"AY! PUSANG GALA KA!" Salubong ang mga kilay nito nang tignan ako at handang awayin ako pero nanlaki lang ang mga mata nito nang makita kung sino ang umistorbo sa kanya. "Vincent?! W-what are you doing here?"
"I'm on vacation, might as well sulitin ko na."
She squealed with joy as she threw her arms around me together with all those bags, dahilan para humampas sa'kin lahat ito. Dumaing man ako, hindi niya ito narinig dahil mukhang maiiyak pa yata si Annie. "Akala ko matagal pa bago kita makita ulit."
"Nagpaalam muna ako syempre."
Lumapit na rin ang guard para sabihin tumabi muna kami dahil nakaharang na kami sa entrance. Natatawa kami pareho. Kinuha ko na ang mga dala niya at nagsimula na kaming maglakad papasok sa ospital.
"Kailan ka pa dumating?"
"Kanina lang."
"Hala, you went straight here? Galing kang airport?"
"Natulog ako buong flight kaya good ako."
"Weh..." Kahit parang duda siya sa sinabi ko, kita ko naman sa ngiti niya na masaya siyang makita ako. "May tutuluyan ka na ba? Gusto mo magpaalam ako kay kuya?"
"I rented an Airbnb near here, don't worry. Mamaya pa namang 2pm ang check in."
"Gaano ka katagal dito? Two? Three weeks?"
Umiling ako. "Longer. Coincidentally, may medical mission dito na kasama ako kaya magtatagal pa ako. Siguro mga one month and three weeks?"
Nanlaki ang mga mata niya sa saya. "Talaga?"
"How's your mom?"
Naging malungkot sa mga mata ni Annie. "Few broken ribs, tons of wounds and bruises, at limitado ang galaw niya kaya kailangan niyang magpahinga ng ilang buwan. Hindi na daw kailangan ng surgery pero physiotherapy ang advise ng doktor kaya baka mas tumagal pa ako dito sa Pinas."
"Have you told Sophie? I'm sure she'll be worried." Sa kaibigan inihabilin ni Annie ang naiwang commitments. Tapos isasara na muna nila ang studio niya sa LA for the mean time.
"Later. Alam kong marami rin kaming gig na na-cancel dahil sa'kin." Puno ang work schedule ni Annie this month alone and this accident definitely put a stall on her business' growth. Pero sa tingin ko, walang pagsisisihan si Annie dahil mas priority pa rin niya ang pamilya niya.