CH09

192 16 6
                                    

Lloyd Vincent



Dumaan ako sa St. Luke's Memorial Hospital a week before the supposed medical mission and was told that all of my colleagues needed to redo the blood test. There were two people na na-mixed up ang sample sa lab back home at may isang hindi medically fit. They had to verify who that was and the medical director here was so glad that I dropped by. Tinanong ko kung pwedeng dito na lang ako magpa-test since I was here at para matapos na rin and they kindly went on the process.

I spent my holidays mostly watching movies and doing recreational hobbies such as archery, kickboxing, and visiting a firing range near my place. It's important for me to maintain my skills cause you'll never know when I'd use them. Bumibisita rin ako sa bahay nina Annie para samahan siya sa pagbabantay ng nanay niya

Makwento ang mama ni Annie. Nasabi niya na yata sa'kin ang buong talambuhay niya, simula sa kung paano mag-away ang girlfriend ko at kapatid nito noong mga bata sila hanggang sa love story nilang mag-asawa. Pati na rin kung gaano kabait at maunawain ang papa ni Annie at ang pagmamahal nito sa asawa hanggang sa huling hininga ng buhay nito.

Inatake pala sa puso ang ama ni Stephannie dito mismo sa studio nila, nakadilat ito nang madatnan ng nanay na nakahiga sa sahig. Parang hinihintay ang asawa dahil tinitigan pa daw siya nito bago pumikit at hindi na muling nagising. Mabuti na nga lang daw at nasa eskwelahan daw ang magkapatid kaya hindi nila ito nakita sa ganoong sitwasyon.

"Kung nandito ang daddy ni Annie, baka hindi ka pinayagan na umalis at tumira ng ibang bansa." Minsang binanggit ito ng ina niya nang bumisita ako sa kanila. Nagluluto sila sa kusina para sa tanghalian.

Nasa stove si Annie at nagluluto habang kami ng ina nito ay nakaupo sa harap ng counter. Binabantayan nito ang anak at nagbibigay ng instructions para sa sinigang sa miso na niluluto.

"Eh di hindi ko makikilala si Vincent, My."

"Nako, saan mo ba nakilala itong gwapong kasintahan mo?"

Nagkatinginan kami ni Annie. I think we both know that a bar was not a good impression on her ultra-conservative mom. "Ahh.. Sa sidewalk, galing ako ng mall. Na-injure ako, natapilok at siya ang nag-assist sa'kin."

It sounded like a romance movie was about to commence. Hindi ako makapag-react dahil sa'kin nakatingin ang nanay niya. Tumingin na lang din ako pabalik dito at ngumiti. "Because your daughter is so pretty."

My answer was not a lie tho.

"Ganyan na ganyan ang mukha ko noong nakilala ko ang papa ni Annie. Mukha nga daw kaming pinagbiyak na buko noong bata."

The deeper I think about that statement, the more awkward it gets. Is she implying that I would hit on her if she's Annie's age? Or mukha ba ng mommy niya ang magiging mukha ni Annie pagtanda niya? I thought age was a touchy subject for women?

"At sana maging kasing galing mo rin akong magluto," salo sa'kin ni Annie.

"Dito na lang kasi kayo manirahan para maturuan kita."

"Masarap pong magluto si Annie." Lihis ko ng usapan. There's no way I'm staying here in the Philippines malapit sa mga Zaldivar. I don't like to torture myself at all.

Isa pa, nagluluto si Annie ng iba't ibang putahe sa bahay kapag hindi siya busy. Madalas, Filipino dishes. It's not that accurate dahil na rin sa substitution ng ingredients, but it's good.

Tinapik ako ng mama niya at nagsalita. "Nako, wala pa 'yan. Kung hindi lang ako nadisgrasya, ipagluluto kita ng masarap na ulam." Ngumiti lang ako at bumaling ito sa anak. "Kailangan gumaling ka sa pagluluto nang hindi ka iwanan nitong si pogi kapag nakasal na kayo."

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon