CH16

245 21 12
                                    

A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din. And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!____________________________

Alice


Natatakot ako. Hindi ko alam kung papaano tyumempo na sabihin kay Brix na nandoon si Vincent sa engagement party, sa Vegas wedding, at sa delayed wedding naming dalawa nang hindi niya nami-misinterpret ang sasabihin ko. Hindi ko na talaga kaya magsisinungaling sa kanya. Alam ko ang pakiramdam sa kabilang panig and it was painful, to say the least.

Very least.

I went along with the scheduled meeting naming magkasintahan sa wedding planner. It was supposed to be three in the afternoon sa Greenbelt pero alas once pa lang ng umaga nandito na siya sa bahay. He's so handsome in those dark blue loose button-down shirt tucked in denim pants nang ayain niya ako kumain ng lunch.

"Kamusta si Lem?"

Palagi akong bumibisita kay ate sa ospital bitbit ang iba't ibang klase ng prutas. Kailangan niya ako ngayon dahil wala siyang makakausap kundi ako lang at si kuya Nate. Madalas, kasama ko rin si Brix at nakikipagkwentuhan sa kanya. Pero buti na mag-isa ako nang dumating ang Mama at Papa ni kuya Cyann. I became a wall with ears and a door who have eyes dahil nag-uusap sila na parang hindi ako nag-e-exist.

Gusto kong maging neutral dahil hindi ko relasyon ito pero hindi ko maiwasang mabahiran ng personal feelings. Umabot na nga ang panghihimasok ko sa pamamagitan ng pagpapadala ng litrato ng mga babies kay kuya Sai, nagbabakasakali na makakuha ng kahit na anong reply pero nganga. Magpinsan nga sila.

Hanggang sa ma-discharge si ate, walang dumating na Cyann Mabanta. A cruel move for someone you trusted with your life.

Pero sa dami ng inisip ko, kakarampot ang nasabi ko. "Okay na siya, kaka-discharge lang ni ate."

Tumango si Brix at iniba ang usapan. Naramdaman yata niyang nag-iba ang timpla ko. "Have you decided on the motif?"

"Tropical or vintage kaya? How about a traditional Filipino wedding?"

Magdadalawang linggo nang nakalipas nang sunduin niya ako sa ospital at tinrato ito ni Brix na parang walang nangyari. Kinabukasan noon, nag-usap kami tungkol sa kasal. Preferred date and time, motif, colors, food, lahat.

"Do you want a beach wedding?"

"Hindi pa ako sure."

Tumango itong muli. "I'm sure Lia will present us something."

Tinutukoy ni Brix ang wedding planner na kikitain namin.

Mabait at accommodating si Lia. She looked sharp in her white satin top in a tuxedo jacket and white slacks while presenting to us. Halatang maraming beses na niyang ginawa ang trabahong ito dahil nasagot niya ang mga tanong namin nang maayos at kumpleto ang detalye. We opted for a traditional Filipino wedding and weren't disappointed at the suggested venue.

Casa Real Taguig was a masterpiece. A vintage style mansion with wooden doors, floors, window frames and a grand staircase added to the picturesque place. Sliding through the pictures, para talaga kaming gaganap sa Heneral Luna, huwag magkakaroon ng giyera. Nakita ko agad ang sarili kong suot ang Baro't saya or Traje de mestiza, kasama ni Brix in his Barong tagalog sa ibabaw ng hagdan habang kumakaway sa mga bisita.

"Sobrang galing ng wedding planner kanina. Ready siya sa mga tanong natin lalo na't magulo pa tayong kausap." natutuwang sabi ko kay Brix habang kumakain kami ng dinner dito Va Bene Pasta Deli.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon