CH20

254 24 10
                                    

A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din. And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!________________________

Alice


Pagbukas ko ng pinto, excited na Elaine at Benj ang bumungad sa'kin habang hawak ng huli ang wine sa kanang kamay. Nagpapapadyak kaming tatlo suot ang ngiting tagumpay bago nagsalita si Benj.

"Congrats, Mama!" saka kami nagsigawan pa parang nanalo ako sa Miss Universe. May pabeso-beso pa habang nakatakip ang mga kamay namin sa mga bibig.

Hindi na ako magugulat kung mamaya may barangay na kumatok sa bahay.

Si Elaine ang humila sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Alam kong makakapasok ka pero, girl. Sa isang taon Kim na ang tawag namin sa'yo!"

"May final audition pa, baks." Baka mabati ang swerte, hindi pa makapasok.

"Ikaw na 'yan! Manifest that, bitch!" sabay beso-beso for the nth time ni Benj.

Niluwagan ko ang awang ng pinto bago sila pumasok ng bahay at pumunta sa kwarto. Pangalawang bahay na ang turing nila dito sa'min kaya pumunta na ako sa kusina para tingnan ang brownies na nakasalang sa oven.

Inaya ko silang dito matulog dahil hindi uuwi ngayong araw ang kuya at bukas may booking kami sa iisang party. Mas madali ito dahil may kotse ako at kasya kaming tatlo. It saves time and effort lalo na dito sa Maynila na kinakalaban ng traffic ang will to live at passion for work.

Nilabas ko ang tray ng brownies at nilapag sa marmol na countertop. Pinabayaan ko na silang magsandok ng kanin at ulam na adobo habang kumuha ako gumawa ako ng salad. Habang naghahalo ng sauce para sa pagkain ko, inagaw ni Benj ang kaliwang kamay ko. "Hindi talaga ako maka-get over sa laki ng bato nitong engagement ring mo. Mas malaki pa sa future ko."

"Wala ka namang future," sabat ni Elaine.

Umarko ang kilay ni bakla at tumingin sa dibdib ni Elaine. "A bold statement coming from you, sweetie."

"Dahan-dahan, Mami," tapik ko sa braso ni Benj. "May tatamaan banda dito."

"Ituloy mo lang ang paggawa ng salad, tita. May tea pa ba? Pupunta ba tayo sa Mary Grace's?"

Humalakhak ako habang umupo ang dalawa sa harap ng countertop kung saan ko pinatong ang brownies.

"Customized? Branded?" Tanong ni Benj.

"Tiffany and Co."

Mahabang 'oh' ang narinig ko sa dalawa habang tumatango. Pinaalalahanan ako ni Benj. "Bahay at lupa yata ang nasa daliri ni misis. Ingat ka, baka ma-kidnap ka."

"Konting panahon na lang, makakasama na ni Jane Porter si Tarzan." Hagikgik ni Elaine.

"Adik."

"Sa susunod kapag tinawagan na natin si Jane, hindi na 'yan sasagot. Walang energy. Laging pupuyatin ni Tarzan," panimula ni Benj sa pang-aasar na sinakyan ni Elaine.

"Umulan sa forest kaya napuyat sila."

"Hindi talaga dilig? Umulan talaga."

"Thunderstorm!"

"Matagal pa ang thunderstorm, four years pa."

Nanlaki ang mata ng dalawa at dumikit sa'kin bago bumulon si Benj. "Anyare, girl?"

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon