CH11

396 29 35
                                    

A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din.

And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!_________________________________

Lloyd Vincent


Andrew called me a week later to set up a meeting. Nagsimula na rin ang duty ko para sa medical mission kaya kinailangan ko munang malaman ang schedule ko bago magkasundo sa oras. May pasabi pa siya ng ASAP daw, hindi ko alam kung anong kailangan niyang madaliin sa'kin. I believe naibigay ko na lahat ng kailangan nila bago pa man ako umalis.

"Salamat," sabi sa'kin ni Andrew na kararating lang dito sa coffeeshop kung saan kami magkikita. I came from a 36-hour shift when I met him.

"Late ka ng three minutes."

Bago pa man siya umupo, hinagis niya na sa harap ko ang isang long brown envelope. "Can you explain to me what the fuck happened here?"

Tinanong ko siya kung anong laman nito but he shrugged kaya ko binuksan ito at binasa ang mga papel sa loob. "Divorce papers?"

"Bakit parang hindi na ako nagulat na nakalimutan mo rin?"

Tinitigan ko ulit at nakita ko ang pangalan ko at ng kapatid niya. It was as if someone flicked on my memory switch upon realization of what this is for. I raised my left hand where my ring was. "Oh."

Nanlaki ang mga mata ni Drew. "You both had rings?! Nasaan ang kay Alice?!"

"Shhhhhh!" saway ko sa malakas na boses niya. Nakakalimutan niya yatang nasa public place kami. "I gave you her things, it should be there."

Before I left, iniwan ko kay Andrew lahat ng gamit ng kapatid niya na naisalba ko bago kami umalis noon. Nilagay ko pa ito sa isang box para sama-sama at madaling bitbitin.

"Hindi ko pa nabibigay sa kanya."

"Not my fault."

"Ano bang nangyari? Anong iniisip niyo noong mga panahon na 'yon?" iritableng tanong niya.

"Exactly, walang nag-iisip ng gabing 'yon. Bakit hindi mo tinanong ang kapatid mo?"

"Wala daw siyang maalala, kinuwento mo lang daw 'yon sa kanya kinabukasan."

"Oo nga. Pinigil kong ngumiti sa harap ni Drew nang maalala, baka sapakin ako nito. "We were drunk."

"You don't even like drinking. Pinilit mo ba siya?"

"It was the other way. Isa pa, why would I do that? I don't even believe in god, why would I need a wedding?"

"Pinilit ka niya?"

I rolled my eyes at him. "I said no so many times."

"Then why are you wearing the ring?"

"That's for a different reason." Umiwas ako sa tingin niya. This ring was the only reminder of the only time I felt joy, that those months that we're together was real.

"I didn't know you're a sentimental person."

"This is all I had when I left, Andrew. Besides this is mine, it's not like I stole them from you guys."

Tinaas ng lalaki ang dalawang kamay na parang nahuli ng pulis. "Whoa, calm down. Pinapipirmahan ko lang sa'yo itong papel, nagkakaganyan ka."

Tinitigan ko ang papel na nakapatong sa harap ko at nag-isip. "Bakit ikaw ang nagbibigay nito sa'kin?"

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon