A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din. And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!_________________________
Alice
Late na kami para sa dinner sa ancestral house ng mga Zaldivar. Kagagaling ni Brix sa trabaho at sinundo niya pa ako sa Makati kaya ang traffic, halos hindi gumagalaw.
Ramdam ang panic sa mga guard, sa gate pa lang ng mansyon. Lumapit pa sa driver's window ang isa at binalaan si Brix. "Sir, mas maganda po na hindi muna kayo pumasok sa bahay."
"Bakit?"
"Ahh Ehh..." Napakamot na ito kaya lalo kaming na-wirduhan. Brix parked his car as soon as we settled, handed his keys sa guard at nagmamadaling pumasok ng mansyon.
"Now you found the lost son, you will jail him to reinstate the stability of this family?"
Umalingawngaw ang pangungusap na 'yon sa entrance pa lang. Doon namin nalaman na nasa dining area ang komosyon at nagulat akong makita si Vincent sa gitna ng dining area. Nakapaligid dito ang apat na guard na nakahilata at parang mga uod na binudburan ng asin habang namimilipit sa sakit. Hindi ko na kailangan manghula kung anong nangyari.
"You are harming people now. You have to calm down, Kiel."
Nalunod ang mga salita ni Vincent at Tito Miguel sa iyak at sigaw nina tita Aileen, tito Albert, at kuya Kyle kasama ng mga maids at iba pang kasama dito sa bahay. Marami guards ang nasa harap ng mga tao sa bahay at merong dalawa pang biglang humarang sa'min. Pinilit kong humanap ng butas para makita ang nangyayari dahil sa tangkad ng nasa harap ko.
The last time na nakita ko siyang ganito kagalit, sinundo niya ako sa ORG dahil nahuli na nila kami. Anong nangyari?
"Ilan pang guard ang tatawagin mo para maintindihan mo ako? Or do you want to see this?"
Dinampot niya ang isang guard sa paanan niya sa collar nito at gamit ang kanang kamay, pinalupot nito ang mga daliri sa leeg ng lalaki at iniangat sa ere. Nagsimulang tumindi ang sigawan kasabay ng pagkalat ng takot ang hinagpis.
No. No. No...
"Vincent!" Pilit kong tinatakasan ang guard sa harap ko para pigilan kung ano man 'tong ginagawa niya. "This is not you!"
"Alice!" saway ni Brix habang hawak ako sa braso. "Ano sa tingin mong magagawa mo?"
Hinarap ko ang kausap. "Kung walang pipigil sa ginagawa niya, ako na ang gagawa!"
Umarko ang kilay niya. "Lahat nga sila hindi niya pinapakinggan, ikaw pa kaya?"
"Wala siyang marinig. 'Yon ang problema." Muli akong sumilip sa gilid ng guard at humigit ng hininga bago buong pwersang sumigaw. "Vincent!"
He dropped the man immediately after I shouted so I continued. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You do this to protect people. Who are you protecting now? Look at them."
Inaninag muna ako ni Vincent bago gumala ang mga mata nito sa pamilya nito bago sumaigaw at humagulgol ng pagkasakit-sakit. Ewan ko kung bakit pero sumakit din ang dibdib ko.
Humarap ako kay Brix. "See?"
He ignored me with a hardened face, his gaze fixated on what's happening.
Pagbalik ng mata ko kay Vincent, bigla na itong humandusay sa sahig, nakadipa ang isang kamay na para bang may inaabot sa langit habang ang isa ay nasa dibdib.