A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din.
And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!_______________________
Alice
Brix declined to have the talk before the party and I declined to have it after nang sabihin niyang may importante siyang appointments bukas. Ang sabi ko pagkatapos na lang ng gagawin niya bukas, tutal pauwi na siya ng Australia sa makalawa. Surprisingly, umoo siya. Alam kong naramdaman niyang malayo ako sa kanya kagabi pero hindi niya kinuwestyon ito.
Tanghaling tapat nang tumunog ang doorbell namin. Pagbukas ko, nakatayo si Brix sa harap ko; may dalang bouquet of roses. He looked disheveled contrary to his suit up the night before. Yumuko ako at tiningnan ang bulaklak imbis na ang mata niya.
"I'm sorry. I left you that night, I shouldn't have done that." patuloy nito. But Vincent's voice echoed inside my head at automatic na bumigat ang dibdib ko.
"About the wedding you had, I talked to a couple of lawyers kaya–"
"Okay na." Pinutol ko ang sinasabi niya. "The wedding in Las Vegas wasn't legally binding. It was a fancy ceremony, nothing more."
Nagulat si Brix. "Nagkausap kayo?"
"Noong isang linggo lang." Matipid kong sagot.
"Noong isang linggo pa? Nagkita kayo kagabi."
"We did."
"Anong nangyari?"
Pumikit ako ng mariin para hindi kumawala ang luhang nagbabadya na pumatak sa pisngi ko.
"Alice?"
Nakakahiya. Ginawa niya ang lahat para sa'kin pero ganito ang igaganti ko? Inalog ko ang ulo. I took deep breaths bago hinagod ang buhok at muling tumingin sa kanya pero isang segundo lang ang itinagal nito. Inilipat ko agad ang tingin sa balikat niya hanggang sa bumaba ulit ito hanggang sa yumuko na ulit ako. "Gusto niyang mag-sorry sa lahat ng ginawa niyang mali. Sinagot niya lahat ng tanong ko, pati na rin tungkol sa kasal."
"May sinabi pa ba siyang iba?" Rinig ko ang paninigurado sa boses niya.
Ayoko nang palakihin pero 'yon ang totoo; malaki siyang issue. I was unfaithful. I was just bracing myself for what's to come.
"Saan kayo nagkita?"
Humakbang pa siya ng isang beses papalapit sa'kin but I couldn't take it anymore. I bursted out crying at his question. Guilt and remorse ate me alive and swallowed me whole that my legs couldn't keep up with it. "I'm sorry, I'm sorry."
Inalalayan niya akong pumasok sa sala at umupo sa sofa. Saglit na nawala ito para kumuha ng tubig para sa'kin. Hinintay niya muna akong kumalma ng konti bago siya nagtanong.
"Sabi ng kuya mo hindi lumalabas ng bahay, ni hindi ka rin daw nagtatrabaho. Kahapon ka lang lumabas nang kasama ako."
Marahan akong tumango. Isang linggo na akong nakakulong dito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung papaano sasabihin kay Brix ang lahat.
"Hindi 'yon nang napag-usapan nyo, tama ba? Kaya ka nagkakaganyan?"
Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit nang hindi tinititigan ang mga mata niya. "S-sobrang swerte ko sa'yo, sa pag-aalaga mo. Sobrang saya ko na nakilala kita."