CH14

200 17 5
                                    

Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din. And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!________________________

Alice


On our way to the hospital, tumawag rin ako kay Brix para ipagbigay alam ang nangyari. Sabi ng huli susunod siya after ng conference nila.

Pagbaba ko sa tapat ng vallet area, may dalawang lalaki na nakasuot ng suit ang lumapit sa'kin. Meron silang tig-isang earpiece na nakapasak sa isang tainga at neutral ang tingin nila sa'kin.

"Alice Sevilla?" tanong ng isa sa mga ito.

Tumango ako.

"Sino kayo?" Angil na tanong ng kuya ko na nasa kotse.

"Security personnel of Mr. Nathan Signo. May we lead you to where Ms. Clementine Romualdez is?"

"Hintayin mo ako, Alice." My brother commanded.

"We were specifically instructed that only Ms. Alice Sevilla will be escorted to her cousin."

"I'm Alice's brother! Clementine is also my cousin!"

Lumingon ako kay kuya. "Okay lang. Susunod rin si Brix. Pakiabangan na siya."

Kinakabahan man, tinitigan na nito ng masama ang dalawang security bago pinaandar ang kotse papasok ng parking area.

Nakarating ako ng matiwasay sa isang waiting room dito sa loob. Pagsilip ko sa kwarto, gusto ko na rin umalis. Bumilis ang tibok ng puso ko at susunod na yata ang paa ko para tumakbo palayo.

Speaking of the devil.

Nakaupo siya sa dulong side ng sofa, nakatingin sa'kin habang hawak ang sariling phone nito, gulat na gulat sa pagsulpot ko. At least, quits kami.

Aalis na sana ang dalawang security pero hinila ko ang braso ng isa sa mga ito, dahilan para mapatingin ito sa'kin. Kinakabahan ako na kapag umalis sila, kaming dalawa na lang ang nandito sa loob. At ngayon pa lang, dumadagundong na ang dibdib ko.

"Nasaan ang ate ko?"

Bakit dito ako dinala? Bakit nandito siya? Scam ba'to? Kunwari nasa ospital si ate Lem pero ang totoo nandito siya para makipagkita sa'kin? Gawa-gawa ba niya ang pagkagulat nang sumilip ako? Is he following me? Para ba ito sa divorce papers?

"Nasa delivery room, Ms. Alice."

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng kausap. "Ang ate?"

"I'm sure everything will be explained by my boss later."

"Is he your boss?" turo ko sa taong nakaupo kasama ko sa sofa.

"No,"

Doon ko siya binitiwan. I only smiled with my lips pressed into a thin line and squinting eyes and the security took it as an acknowledgement. Tumango ito ng isang beses at isinarado ang pinto, leaving me and the devil alone. Lalabas na yata ang puso ko sa ribs ko sa pagkakataong ito.

Si Ate Lem ang pinunta ko dito pero bakit siya ang nakita ko? To be fair, his shoulders were broader and his voice heavier but still recognizable. Hindi ko akalaing may ilalaki at itatangkad pa siya.

The room was a little small for us at sa totoo at hindi ko na talaga alam kung anong ginagawa niya dito. I tried my best to look tough nang humarap ako at tinarayan siya. "Do you really have to go this far?"

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon