A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din.
And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!________________________
Alice
Nagpatuloy ang pagiging ermitanyo ko sa bahay namin sa susunod na anim na araw. Tuwing gabi, sinisilip ako ni kuya. Lagi niya akong tinatanong, "Are you ready to talk about it?"
Anim na araw na rin akong umiiling sa kanya.
Inatake akong bigla ng mini heart attack nang makarinig ako ng tatlong katok galing sa pinto ng kwarto ko. Paglingon ko, "Ice cream?"
Si kuya, nakangiti sa'kin habang may dalang plastic na may lamang tub ng ice cream. Pampitong beses na ito ngayong linggo kaya tumango na ako at lumabas kasama niya sa kusina.
Mabait ngayon ang kuya ko, kinuhaan niya pa ako ng sariling bowl at kutsara. On usual days wala kaming pakialam sa isa't isa basta pagkain ang nasa harap namin.
"Ready ka na bang pag-usapan?"
Ngayon pa nainis na ako sa sarili dahil imahe ni Vincent ang nakita ko sa loob ng utak ko. Kunwari wala akong naisip at tinanong si kuya. "Ang alin?"
"Kung anong unang naisip mo."
Bumuntong hininga ako at yumuko, pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. "Nakakainis ka talaga."
Tinawanan ako ng kausap. "Wala pa nga akong sinasabi."
"Kasalanan mo ito."
"Ako ba may karelasyon?"
Imbis na sumagot, nilaro ko lang ang icecream na hawak.
"Is it safe to say that Brix and you broke up last week?"
Dahan-dahan akong tumango.
"Bakit kayo nasa Alabang? Hindi ba sa Makati siya nakatira?"
Hindi ako nakapagpigil, umarangkada na ang mga luha ko. Parang tren na walang hanggan.
"Hindi pa ba mauubos 'yan?"
"Feeling ko nga dehydrated na ako." sagot ko habang nagpupunas ng luha.
"Alice, Alice.. What am I going to do with you?" Tumayo saglit si kuya para ikuha ako ng baso ng tubig. Bago pa man maabot ni kuya ang baso sa'kin, natigilan na ito. "Alabang? Pinuntahan nyo si Vincent? Nag-usap kayong tatlo tungkol sa kasal?"
Umiling muna ako bago kinuha ng baso sa kamay niya at ininom itong lahat.
Hindi na ako nagulat na alam na ni kuya na sa Alabang na nakatira si Vincent. It's all over the news that Alexander Kiel came back to the Zaldivar. Malinaw ang statement na nilabas ng pamilya niya; He ended up in an orphanage with us, got adopted by an old couple in New Hampshire, lived there, got his medical degree and so on. Ginawa niya pa kaming props para magkaroon ng kwento kung bakit merong time na enrolled siya as a nursing student dito sa Pinas. Okay lang kasi walang pangalan na nakalagay.
Of course, there were these ridiculous stories on social media of how he lived his life before meeting his family. Merong hindi talaga si Vincent ang anak, kumuha sila ng replacement para magmukhang buo ang pamilya nila. Meron ding manloloko siya at pineke niya lahat para makapasok sa maharlikang pamilya na 'yon. Mga chismis na nakabase sa creativity ng mga taong walang ginawa kundi pagpyestahan ang buhay ng iba. Hindi nila alam kung gaano kasalimuot ang pinagdaanan ni Vincent bago siya maging Kiel.