Ch06

196 18 14
                                    

Alice 



Ako ang unang nagising kinabukasan. Dahil tulog pa ang kasama ko, tumambay muna ako sa upuan sa labas. Ang lamig ng hangin, tanging mga dahon at ibon lang ang naririnig ko mula sa tinutuluyan namin. Tumingala ako para masilayan ang ulap pero nagulat ako na nasa paanan pala kami ng bundok na bato.

Sakto sinabihan ako ni ateng bantay na within 10 minutes, darating na ang free breakfast namin. Tinanong na rin niya ako kung gusto ko ng kape or Milo. Syempre doon tayo sa Milo at kape naman ang inorder ko para kay Brix. Nagagalit nga ako sa kanya dahil ginagawa yata niyang tubig ang pag-inom ng kape. Sabi ko tigilan niya 'yon, kaya ngayon parang juice na lang daw. Kabwisit na sagot.

Pagkagising niya, binuksan niya agad ang pintuan ng kubo na sumasabit-sabit pa ang kanto nito. Isang mata pa lang ang nakadilat sa kanya pero matamis na ang ngiti na ibinigay niya sa'kin. "Good morning, Love."

"Good morning! I love you." Ngumuso pa ako para kyot.

"I love you too." Lalapit sana siya sa'kin pero pinigilan niya ang sarili at tinakpan nito ang bibig gamit ang kamay niya. "Saglit lang, magto-toothbrush lang ako."

Pagbalik niya, umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako saka inihilig ang ulo niya sa balikat ko.

"Mamaya darating na rito ang breakfast natin," Paalam ko sa kanya.

Tumango lang siya sa'kin and that was followed by a comfortable silence. One that doesn't require anything other than the soft breeze of morning air with a breathtaking view of mountain rocks made of limestones and birds singing.

Kumain kami agad ng breakfast pagdating nito; malingsilog. Tapos noon, niyakap ng dalawang palad ko ang basong may hawak na mainit na Milo at muling tumulala sa bundok. "Alam mo, ganito lang ang pangarap kong buhay."

"Mag-aaral na ba ako maging bangkero?"

"Ako na lang mag-manage ng inn natin at magluluto ng breakfast."

"Pag-ipunan natin yan."

Nagdesisyon kaming maglakad-lakad sa lugar nang makapag-excercise na rin. Nagtanong na kami sa caretaker kung saan ang pinakamalapit na palengke dito. Sakto naman meron, walking distance lang kaya makakabili ako ng prutas na dadalhin kong baon sa dagat.

Pagsapit ng kinse minutos bago mag-alas nuebe, nagbihis na kami. I curled my hair just above my shoulders and added a bit of pink tint on my lips. At para sa outfit of the day, I chose this white off shoulder one-piece swimsuit na pinatungan ko ng pink floral sundress at white slippers. Pinarisan naman ako ni Brix ng black and white striped sando, black board shorts at tsinelas. Sukbit rin sa kanang balikat ang medium-sized aqua bag para sa necessities namin katulad ng electronics at pera. We headed to shore na puno ng iba't ibang sizes at kulay ng mga bangka.

Wala pang 10 minutes, nakasakay na kami kasama ng iba pang turista at pumalaot. Nakakatuwa dahil hindi lang Pinoy ang nandito kundi iba't ibang lahi rin. The islands were 10 to 15 minutes away from each other at nag-decide ang bangkero namin na instead of going on the traditional route of island hopping, we'll go backwards or mid-ways. Marami daw kasing tao if we'll go the usual route and he wanted us to enjoy the scenery with less people in it. So the first stop was; Secret lagoon.

Our boat stopped just near the island because it was a rocky and shallow seabed so we had to swim to get there. Mayabang ako dahil nakapag-swimming lessons na ako at marunong na kong lumangoy. Handa rin si Brix, nagdala talaga siya ng snorkeling gear at aqua shoes for us na nasa loob ng aqua bag and we had the pleasure to see the corals underneath the sea while swimming. It was a sight, buhay ang mga kulay nito lalo na ang mga starfish. Grabe, para akong nasa ibang mundo. Mala-glow in the dark ang mga kulay pero tirik ang araw, parang alien na nalaglag sa spaceship at nagdesisyon silang manirahan dito sa ilalim ng tubig.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon