CH40

110 3 9
                                    

Alice


Kiel handed me a prenuptial agreement the day after the proposal. Sino ang sumabog sa inis? Kuya ko lang naman.

Expected ko na rin na bibigyan niya ako ng prenuptial agreement. Walang problema sa'kin dahil naiintindihan kong mas malaki talaga ang kinikita ni Kiel sa'kin. Gusto niya lang ng proteksyon just in case.


"Sinabi ko na kanya na walang prenup! Ano 'to?" Galit na turo ni kuya sa papel hawak. Mali yata ang bungad ko. Kakauwi ko lang ng bahay at hindi ko inantisipa ang nangyari. Baka dragon ang nagising ko sa loob niya, imbis na siya.

"Basahin mo kasi muna."

"Nabasa mo na ba?"

"Hindi pa."

Wrong answer. Lalong siyang nanggigil. "Ganyan ba kalaki ang tiwala mo sa kanya?"

"Sabi ni Kiel pabasa ko sa'yo para maipaliwanag mo sa'kin ng ayos. Magamit naman natin 'yang pinag-aralan mo." Ewan ko din sa trip nitong si kuya. Tinapos ang law degree niya pero hindi nag-practice, hindi rin kumuha ng board exam. Display ang diploma na nakasabit sa sala. Sana nagpagawa na lang kami sa recto kung gusto niya pala ng display. "Maka-react akala mo pirmado ko na't may notaryo."

Sanay akong humawak ng kontrata at usually, may kasama talaga akong lawyer bago ako pirmahan. This is a usual day for me.

Padaskol na umupo si kuya sa sofa at salubong ang kilay na binasa ang laman ng papel. Padabog din ang paglilipat niya bawat lipat ng pahina. Umupo ako sa harap niya at kinuha ang chichiria na nasa coffee table saka kinain 'to.

It took him a few minutes to ingest what he read kaya pumunta muna ako sa kwarto para mag-unpack ng gamit. Tagal din binasa ni kuya. Sa dami ba naman ng pahina, nagulat akong nakayanan ng stapler kumapit.

Pagbalik sa sala, nagkalat na sa coffee table ang sangkatutak na iba't ibang kulay ng highlighter habang ang kuya, nakatitig lang sa current page. Nagmistulang windshield wiper ang talukap ng mata niya kakapikit.

Anong meron?

Slow motion ang paglingon nito sa'kin, namimilog ang mata. "We won."

"Anong pinagsasasabi mo?"

"We won!" ulit ni kuya but this time, sumigaw na siya at tumakbo paikot ng bahay bago bumalik sa'kin saka ako niyakap ng mahigpit, binuhat at winagwag na parang basahan.

"Teka—" Buong lakas akong pumiglas. "Ano bang nangyayari?"

Binaba ako nito at tinitigan na may ngiti sa labi. "He's giving you half of everything!"

Natigalgal ako. "Ha?"

"Hindi lang half," naghalungat ito sa mga papel na hawak bago ito binasa. "Binigay niya rin sa'yo ang penthouse sa BGC! Yung tinitirhan niya ngayon? Saka may lupa sa Tagaytay? Do you know anything about this?"

"Ang sabi niya may pinapatayo siyang bahay doon?"

"It's yours!"

"Wait lang," Umupo ako. Nayanig ang mundo ko. "Bakit daw?"

"Because you're going to be his wife!" Humalakhak pa siya. "Even an island in Quezon Province! He really rooted himself here."

Nakangiti si kuyang umupo sa tabi ko habang pinagpatuloy ang pagbabasa. "Alam mo ba kung bakit mahaba 'to? This shit is itemized. He listed everything he owned, down to a cent! He will give you half of everything but will shoulder all the taxes and expenses, throughout your life. When I mean half, you literally own half of his companies outside of ZGC! You can make any fucking decision you want! At heto pa," Napatingin ako sa turo ni kuya. "Shareholder ka na ng ZGC! Enough to make a profit but not enough for a powerful vote. I suspect they're keeping the power within themselves, which I understand. You also get 200,000 pesos a month as an allowance, even after you get divorced or annulled. At tataas ito depende sa inflation. And you get keep everything if ever maghiwalay kayo. Your assets? All yours. Wala ka nang ilalagay sa kontrata, siya na naglagay lahat! Literal na pipirma ka na lang!"

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon