CH 12

207 21 12
                                    

A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din.

And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!_________________________________

Alice


Pabaliktad akong nakahiga sa sala namin. Ang mga paa sa pader at ulo na nakabitin sa sofa. Baka sakaling dumaloy lahat ng dugo ko sa utak para gumana kahit minsan.

Biglang bumukas ang pintuan ng bahay at iniluwa noon si kuya na galing sa opisina. May dala itong ang take out galing sa isang fast food chain. Nagkandarapa akong sundan si kuya na kinuhanan ako plato at sabay kaming umupo sa tapat ng countertop.

"Bakit namumugto ang mata mo?"

Hindi ko alam kung makakakain ako sa sitwasyon na ito kaya inihiga ko na ang ulo sa counter habang nakatingin kay kuya. "Maloloka na kasi ako, konti na lang."

Narinig ko pang natawa ang kausap saka ako nilapagan ng utensils sa harap ko. Nagsimula na magtubig ang mga mata ko pero tinawanan ulit ako ni kuya. "Nasabi mo na ba kay Brix?"

Marahan akong umiling habang sumisinga sa tissue na hawak. Sinarili ko muna ang lahat para kapain kung anong naramdaman ko. Hindi ko na nga alam kung saan ako naguguluhan. Ang alam ko lang, kailangan kong ilabas lahat ito dahil anytime sasabog na ako.

Napailing si kuya at tumabi sa'kin. Ang galing pa niya. Habang umiiyak ako, kumakain siya. Nag-extra rice pa. "Alam mo na ang susunod na gagawin?"

Umiling ako. "Ano ba dapat?"

"Ang makipagkita kay Vincent."

Nairita ako sa narinig. "Ako pa ang lalapit?"

"Ikaw ang may kailangan."

"Kahit na!"

"Kung natatakot ka, pwedeng sa public place kayo magkita like in a coffee shop or restaurant."

"Hindi ako takot, nabubwisit ako na pa ang lalapit sa kanya. Ang arte. Pwede niyang pirmahan na hindi kami nag-uusap. Sana ngayon inaayos na ang mga papel, pinapatagal niya ang proseso."

"Kaya nga para bumilis, ikaw na ang mag-initiate. Wala siyang hiningi na kahit ano, 'yon lang." Tumayo si kuya para hugasan ang pinagkainan. Kumuha pa siya ng juice sa ref bago muling umupo sa tabi ko.

"Kulit ng lahi mo."

Kinuha ang phone nito sa tabi ng juice niya at sinilip ko ang screen nito. Nang makita ko ang pangalan sa contacts list, hinila ko ang braso ni kuya at tinanong siya. "Anong ginagawa mo?"

"Tatawagan ko si Vincent."

"Para saan?"

"Sabi mo hindi ba gusto mo siya ang maunang lumapit sa'yo? Sabihin ko sa kanya."

"B-bakit? T-teka," Pilit kong inagaw ang phone niya pero itinaas nito ang kamay na may hawak ng phone. Pilit kong inabot ito pero waley. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi fair ang division ng growth gene namin. "Kuya!"

"Binubwisit mo ang sarili mo."

"Oo na, okay. You've made your point. Manahimik ka na." Natatawa nitong ibinaba ang phone sa countertop. Bumalik na rin ako sa pagmumukmok sa upuan ko.

"You have a fiance now. The moment you said yes to him, dapat buo na ang commitment mo sa kanya. Dapat tapos na ang getting to know each-other stage nyo. Kaya nga kayo tumalon from being boyfriend and girlfriend to engaged."

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon