ERRATUM(Mar-8-2024): For those na nabasa na to, sorry. I cut the middle part of this para i-transfer sa CH40, I'm sorry. para lang balanse dahil ang haba pala nitong part na to. Sorry ulit.
_________________
Alice
Busy ang buong umaga ni Kiel.
Dumating ang limang tao bandang alas-diyes ng umaga. May darating pang dalawa after lunch. Kaya pala may eight-seater na dining table dito sa bahay, kailangan pala talaga niya. Minsan daw kapag nagkakasakit siya, pati ang mga tao niya sa opisina nandito.
May dumating pang kape at pastries na dala ni Ferds bago sinarado ang bintana para dito itapat ang projector. Sumulyap muna ako sa kanya bago pumasok muna sa bedroom. Nagpalit lang 'yan ng white shirt at straight-cut black pants kanina bago humarap sa bisita suot ang house slippers pero professional na agad ang aura niya.
There's something about guys being focused and passionate about what they do na talagang nakakagwapo. Lalo na kapag nag-uumapaw ang confidence kapag nagtatanong or sumasagot, mapapa-thank you ka talaga kay lord.
Binuksan ko ang kurtina bago humiga sa kama at tumingin sa kisame.
Shets, hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ang lahat nang 'to sa'kin.
Dinipa ko ang kaliwang kamay at tinitigan ang engagement ring sa palasingsingan ko. It was an emerald-cut onyx beside a pink heart-shaped diamond Toi et Moi ring with a vine-like band made with gold with green stones as leaves. The more na igalaw ko ang kamay, the more na kumikinang ito sa sinag ng araw na tumatama sa mga bato. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa sobrang saya. Hindi ko 'to inasahan.
AYYIIIEEE.
HAHAHAHAHAHA!
The proposal last night was so 'us'! Kumakain ng dinner tapos gugulatin at mag-iiyakan habang tumatawa? On-brand. He's so good at surprising people because he barely does anything for anyone. Pero ang kyot niya nung nakita ko na kinakabahan siya! Lalo na nung hindi siya makapagsalita? My heart felt like it's going to burst! He was as nervous and giddy as I am! Akala ko talaga diretso kasal na kami.
Dalawang oras ang itinagal ng unang meeting niya at natapos sila five minutes before lunch. May isang oras kami para kumain bago ang susunod na bisita. Lumabas ako nang marinig ang pagpapaalam ng mga subordinates niya. Pumasok si Kiel sa office niya kaya tumulong muna ako sa paglilinis ni Ferds sa table.
"Akala ko bodyguard ka lang? All around ka pala?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ng pinggan sa cupboard. Abot ko na. Ang hayop, binilhan muna ako ng bangkita.
"Masyadong malaki ang sahod ko para tumayo lang sa labas ng pintuan, Miss."
"Alice na lang, para ka namang others." Pumunta ako sa center island para ihanda ang plastic ng take out na nasa ibabaw nito. "Matagal tayong magkakasama dito, not unless mag-resign ka."
"Dito na po ako habang buhay."
"Huwag ka magsalita ng tapos, malay mo makakita ka pa ng mas maganda opportunities. Hindi naman magagalit sa'yo si Kiel kapag nangyari 'yon."
"Alam ko po. Pero si Kiel ang nagbayad ng dialysis ng nanay ko ng dalawang taon bago kami nakahanap ng donor para sa kanya. Siya din ang nagbayad ng operasyon." Natigilan ako at napatitig sa kanya habang casual na nagpupunas ng water residue sa mesa. "Hindi lang dahil sa pera, kundi sa pangalawang buhay na binigay niya sa nanay ko. Ang minimum na kaya kong gawin sa kanya eh alalayan siya sa araw-araw dahil ayaw niya ng helper sa bahay na stay-in."
Tipid akong ngumiti at dinala ang pinggan sa mesa na siya namang pagpunta ni Ferds sa lababo para hugasan ang basahan doon. Pagbalik ng lalaki, dala na nito ang ulam at kanin sa magkaibang bowl na hinanda ko.