A/N: Sorry! I tried to be consistent pero ayon, waley. Hahaha! Nagbakasyon ako then after aweek nagkasakit. I know, signs of aging. Hayy.
Enjoy!
______________________
Alexander Kiel
Alice walked in Coffee Mornings and Acoustic Nights with her head bobbing side to side. Bago pumunta dito, I gave subtle hints about going back to the places we've been pero hindi ko akalaing itong lugar ang unang pipiliin niya.
Surprisingly, nandito pa rin ang cafe. The owner must've thrived as I've seen other concepts of these cafes turned restobar spread across the city. Iba man ang mga staff dito, nagniningning ang mata ni Alice habang umoorder ng kakainin namin. At kahit naghahanap na kami ng upuan, hindi matanggal ang ngiti nito.
"Doon! Hindi ba dyan ka lagi nakaupo dati?" Nagmamadali siyang okupahin ang mesa sa likod, malayo sa stage. Nang umupo ako sa tapat niya, "Anong feeling?"
"I don't know, uncomfortable? You had bad memories here."
Ngiti siya ng tipid. "Mas marami akong good memories dito ah? Yung mababait na kasamahan ko. Dito ang starting point ng singing career ko. Dito mo lang rin ako tinitignan noong una, kapag kumakanta ako."
I rolled my eyes at the last statement. "Dito ka rin sinampal ng so-called friends mo tapos nilang malaman ang kasinungalingan mo."
"But we handled it well, hindi ba?" tumatango pa siya habang nakatitig sa'kin, as if it would convince me.
"You burst out crying in the backroom, Alice."
"Alam mo namang hindi 'yon ang unang beses na ma-bully ako pero mas magaan pagdaanan kasi alam kong hindi ako nag-iisa. Bukod sa'yo, nandyan ang mga kasama ko dito sa work, sina Janice, Zeke, Avery... Like, 'May kasama ako, I'm not going to go through with it alone like the last time.' Nagegets mo ba?"
"But it was still bad.
"Yun 'yong first time na may nagtanggol sa'kin. Bukod sa kuya ko."
"Kahit si Lester?"
"Oo nga pala! Nakalimutan ko na siya." Napapalakpak siya ng isang beses. "Naibaon ko na siya sa baul. Wala namang kwenta 'yon."
That triggered my curiosity on her past relationships. "May I ask; Are you single since you came to London?"
Tumango siya. "It was by choice."
"Why? Are you waiting for me?"
"No." She rolled his eyes on me. "Hindi ka ganoon kagwapo."
"Sorry ha."
Humalakhak ito sa sarkastikong sabi ko hanggang umabot sa ngiti nang mapalingon ito sa nagaagaw-dilim na langit.
"Ang sarap pala mag-isa?"
"Paano mo nasabi?"
"Kasi kahit hindi pa tayo magkakilala noon, matagal na akong mag-isa but I avoided it like a plague. 'Yong mabigat na masakit sa pakiramdam? So ginawa ko lahat ng mga kagaguhan na 'yon; becoming friends with people I don't like, the lying, clinging to you kahit na dalawang beses mo na ako binasted, having a boyfriend after you kahit alam kong hindi pa ako okay. Naging desperado ako, makatakas lang sa sakit na 'yon."
Alice sadly smiled.
"Pero nang sinimulan kong tanggapin at yakapin ito, nagulat ako. Kasi parang... okay lang pala? It wasn't that painful compared to getting busted for lying to the whole school and getting bullied. Or to having a boyfriend and hurting not just him but his whole nuclear family. Beri wrong. Tapos na-realize ko na pain is okay as long as enduring it will lead to self-growth."