CH24

358 33 22
                                    

A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din. And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!___________________

Alice


Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho at pinuno ang schedule ko as much as possible. Bukod sa pag-aayos ng papers papunta sa London para sa final audition, pinili kong tumanggap ng mas maraming trabaho. Gusto ko na lang matulog pag-uwi. Hindi ko alam kung ayoko talagang mag-isip o pinaparusahan ko ang sarili dahil sa nangyari.

Brix left me at the restaurant that night. Deserved ko na iwan.

It's been a week since? Ineexpect ko din na iiyak ako pero hindi nangyari. Ewan, tuyo na yata tear ducts ko. Ang alam ko, nandito pa rin siya sa Manila. I left several messages and voicemails explaining but I got nothing in return. The last message I sent was to ask him how to return the ring. At this point gusto ko na lang na diretsuhin niya ako.

Na hindi niya kayang pakasalan ang sinungaling na katulad ko.

Kasalukuyan kong kausap ang kliyente para sa 5pm slot. It was on the roofdeck of a hotel at sinabihan ako ng receptionist na dumiretso doon. Tinanong ko pa sila kung may banyo doon para makapagpalit pero wala daw kaya itatawag niya daw sa client nila. After few minutes, binigyan ako ng keycard nito at doon daw magpalit. Baka doon ko na makikilala ang magulang ng birthday celebrant.

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa tapat ng kwarto at naghintay. Nang walang sumagot, pumasok na ako. Hindi ako nagsayang pa ng oras at iniwan ko ang trolley na dala sa gilid ng kama at dumiretso sa banyo para magpalit ng damit. And the princess of the day is Aurora from Sleeping Beauty. This pink off-shoulder gown hugged my waist and fell to the ground. Saka ko sinuot ang wig cap at nakaayos na peluka sa ulo ko. Sinipat ko pa ng konti ang sarili sa salamin, nag-practice ng masayang ngiti, bago lumabas ng kwarto.

Nakatingala ako sa numero ng elevator nang bumukas ito sa roofdeck. Weird. Usually, sinasalubong ako at pilit itinatago ng magulang sa anak nila. Anyway, kita sa kinatatayuan ko ang infinity pool that was stretched throughout the floor. Umabante ako pakaliwa sa pa-fake grass ni mayor at napansin ko ang pastel fabric drapes na nagsisilbing pananggalang sa sinag ng araw. Pink hues were scattered all over the empty table; from table covers, to seats. Paired with long-necked vases in the middle filled with pink flowers. Asymmetric trunks with cherry blossoms ate the empty back of the tables, creating a mystic aura behind them.

Parang pamilyar?

Paglingon ko sa kanan, nandito ang bar counter with the same pink theme kung saan may bartender doon at may inaasikasong customer na lalaki. Napako ako sa kinatatayuan at nalaglag lahat ng baon kung pekeng saya nang mapagtanto kung sino ito. Breathing became shallow and restless nang lumingon siya sa'kin. He then stood with his pale pink button-down, motionless, staring at me.

Siya ang huling taong ine-expect kong makita ngayong araw. "Vincent? A-anong ginagawa mo dito?"

"I didn't get to talk to you the last time we met, I'm sorry."

Ntatawa kong hinablot paalis ang blonde wig at wig cap saka ito nilaglag sa sahig nang mapagtanto ang nangyayari. "Pwede mo akong tawagan o pasabihan kay kuya katulad ng dalawang adult na pwedeng mag-usap, hindi na tayo bata para maglaro ng ganito."

"I'm sorry." ulit niya nang hindi natatanggal ang titig niya sa'kin. Hindi mapakali ang kamay at mga daliri niya. Nang mapansin nitong nakatitig ako, itinago niya ang kamay sa pantalong suot. Nang ibalik ko ang tingin sa mukha niya, lalo akong nabuwisit na hinagod ko ang buhok.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon