CH 33

203 11 3
                                    

A/N: Sorry, my fault. Changed the name Hera to Arden. May overlapping name sa universe ng ZGC. Char. hahaha! Patawarin.

_________________________________

Alexander Kiel


I am here at the reception, you dumb fuck.


After I ignored his call 10 times, I got this message from Drew. Hindi ko alam kung anong trip nitong niya at laging umaga gusto gawin lahat ng bagay. I unlocked the door because I know he'd burst out of it. Nangyari nga ito nang makarating sa unit ko at sumigaw.

"Kiel!" Napaatras ito nang mapagtantong nagbago ang itsura ng bahay ko. "You renovated your whole unit?"

"Yeah,"

"Ang aliwalas." Ikot ng mata nito sa buong unit. "Dahil alam mong darating ang kapatid ko?"

"Paid premium for it to be rushed."

"Nasaan siya?"

"Kakatulog lang ni Alice kaya huwag kang sumigaw. It's 1am now in London." Hindi pa nga nakakapag-adjust sa timezone dito ang kapatid niya dahil kararating lang nito kahapon tapos mag-iingay siya ng ganito.

Naglakad ito papalapit sa'kin sa kitchen island at umupo. "Kailan pa? Huwag mo sabihing taon na 'to?"

Tumalikod ako sa ref to get my cold brew. "I would be residing now in London if that's the case."

"Ibig sabihin recently lang? Noong nagbakasyon ka sa London few month ago?"

"Yes." Poured it in a cup and took a sip. I was contemplating whether to offer Drew some pero baka lalong nerbyusin ang kausap ko.

"Nagbakasyon ka doon para balikan si Alice?"

"No, your sister set me up."

"Liar."

"Ako pa ngayon sinungaling." Humarap ako sa kanya. "Itanong mo sa kapatid mo paggising niya."

Hininaan ng lalaki ang boses nito, but he hissed at me. "Bakit mo binalikan si Alice? Do you see how complicated this relationship is going to be? Ngayon pa lang nagkakagulo na ang buong Pilipinas sa inyo!"

"Ano ba kasi ang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan 'yang viral na 'yan."

Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Someone took a video of you and Alice at the airport, in an amorous hug, posted it on Facebook, and garnered millions of views! Do you know how alarming that is?"

How can it be alarming if it's a couple who are in dire need of a hug dahil sa long distance relationship?

"Ano na lang ang magiging tingin ng tao sa kapatid ko? Na pagkatapos sa anak-anakan ng Zaldivar, doon naman siya sa totoo pumatol? Hindi ka ba nag-iisip? No one knows your history with her! Anong gagawin mo? Ang itago siya? Did you know she had a following on social media?"

Oh. "I'm not intending to hide amyone."

"Then how would you protect her?"

My mouth anticipated any word would come out of it but my brain went blank. Napapaatras si Drew nang makitang nag-iisip ako. "You didn't think this through."

"I didn't." I admitted. I know my mother would be a problem, pero hindi ko naisip ang trabaho ni Alice. Hindi ko na naman siya naisip.

"Anong sabi ng parents mo sa video?"

"They think she plotted it too." Naunang tumawag si Aileen sa'kin kaninang 6am pa, paggising ko lang noon. She was equally as mad as Drew kaya hindi na ako nagulat sa reaksyon ng huli.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon