CH 34

199 13 4
                                    

Alice


"Sigurado ka ba sa dinner na 'to?"

Tinupad niya naman ang sinabi kanina at nakatulog ako pagkatapos. Actually, hapon na ako nagising at nang sabihin niyang isasama niya ako pauwi sa bahay ng mga Zaldivar, nakaranas ako ng out of the body experience. Kahit ngayong nasa kotse na kami, kundi lang plakado ang buhok at make up ko today, baka nasabunutan ko na ang sarili para lang bumalik ang kaluluwa kong sumalangit. Kailangan ko na siya now na, curfew na niya.

"Sooner or later, pupunta ka rin naman. Why not face it now?"

"Last time I was here, I was someone else's fiance." Paalala ko, baka nakakalimutan niya.

"Now you're someone else's girlfriend. And that someone is me."

"Alam kong trabaho ko ang umarte pero hindi ganoong kakapal ang mukha ko sa personal na bagay."

"Well, it's too late. Magpakita ka man o hindi, everyone knows."

Oo nga pala. "Sino ba kasing kumuha ng video na 'to?" Hapon ko na nalaman ang mga pangyayari dahil choice kong huwag dumalaw sa social media accounts ko for a week. Bakasyon na rin para kay Kiel ang buong atensyon ko.

Alam mo kung anong nakakainis? Yung talon kong pa-starfish sa kanya sa video. Nagmukha akong ibong adarna na galing sa Divisoria kontra sa pagsalo niya sa'kin na parang ending ng romance movie kahit na may bouquet pa siyang hawak. Malinaw na magkaiba kami ng genre na inaartehan; siya sa romance, ako sa comedy.

Wala bang mas karespe-respeto ako tignan? Sana inabisuhan man lang ako bago kami kinuhaan ng video para nakapag-ayos ako kahit konti.

'

Ang tugon: Sana all'

'Ms. alice ikaw po ba yung nasa video?'

'Boyfriend mo ba sya, Alice?'

'Ang gwapoooooo ng boyfriend mo Alice ❤️❤️'

'Di ba sya yung nawawalang anak ng Zaldivar? Yung guy?'

'Nako, ingat ka dyan Alice. My cousin had a fling with that guy. Hanggang fling lang ang gusto ni guy.'

'Player daw yang guy sabi ng friend ko. She works in the condo where he resides. Iba ibang babae daw ang dinadala nyan.'

'Alam ko kung saang bar tumatambay si guy, confirmed, fuckboy.'


Thousands of notification filled my screen, mostly nagtataka dahil sa koneksyon naming hindi nila nakita. And it was assumed I met him through my ex, assuming what they see in my vlogs and what I say in all my kwentuhan blues is all that's there. Hindi nila maisip na kaya kong magtago ng ganitong detalye.

It was out of the blue for them, but always here for us. "Bakit hindi mo pinatanggal 'tong video?"

"Your brother would've done that kung ganoon lang kadali. By the time I saw it, the video had a million views already. A portion of people might have saved the video already and another would've reposted it somewhere else. So kahit na ipabura ko ang original video, it would still exist no matter how diligent we are in removing them."

"Tignan mo naman itsura ko! Mukha akong basahan?"

"Hindi ah. Magugustuhan ba kita kung mukha kang basahan?"

"Exception to the rule."

"Nandito na tayo."

Bumalik ang kabog ng dibdib ko. Sinabayan pa ng nakakagulat napagbukas ng gate ng bahay nila.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon