Alexander Kiel
I can't read her mind.
Nang nilapag ko ang papel sa harap niya, Alice took it without much of a reaction. Dinampot niya lang ito at isinuksok sa backpack na dadalhin pauwi. I've never seen her read the document either.
"You're not saying anything to me?"
"Sabi mo ipabasa kay kuya para ipaliwanag sa'kin ng ayos?"
I let it go pero hindi ako mapakali. I'm worried she'll take it the wrong way without reading it. Kahit ngayon na nasa kotse kami pauwi sa kanila, she's just her usual self. I guess I'll have to wait and see.
"Kailan natin sasabihin sa pamilya at friends natin?" Tanong ng babae habang nakatingin sa daan.
"For my family, I had a scheduled dinner with them this week. You could accompany me if you like. Pwede natin sabihin doon kung gusto mo."
Tumango-tango ito. "Okay lang."
"For your brother, pwede ngayon na."
Napalingon siya sa'kin. "Sure ka? Si kuya unang makakaalam?"
"Why not?"
Isang sulyap lang sa rear view mirror, nakita kong nanlaki ang mga mata ni Alice at lumapad ang ngiti nito. Pagdating sa gate ng bahay ng kuya niya, hinila niya ang braso ko nang tangkain kong pumasok dito.
"Videohan mo ako. Punta ka sa likod ko."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Gusto mong makita na naghuhuramentado ang kuya mo on cam?"
"Grabe ka naman. Sa tingin niya saan tayo hahantong?"
"I dunno. Parting ways?"
She rolled her eyes. "As if."
Binunggo niya pa ako bago lumakad papunta sa pintuan. Nang makarating, she turned to me and put her index finger on her lips to shushed me bago binuksan ang pinto at sigaw habang pinapakita ang singsing na nakalagay sa daliri nito. "Kuya! Engaged na kami!"
Napatingin ang nanlalaking mata ni Drew na saktong nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Halatang natigilan ito matapos ang ilang segundo ay nagpabalik-balik ang tingin sa kapatid at sa'kin habang nakauwang ang bibig.
"Where do you think this relationship leads to?"
Titig na titig ang lalaki sa'kin. "Pakakasalan mo talaga ang kapatid ko?"
I rolled my eyes at him. "You demanded this. Was it to scare me away?"
"You're not the type to settle down." Wala sa sarili niyang sabi as he slowly paced back and forth with hesitation in his eyes. "It's too early..."
"For what?–" as if sounding almost offensive but Alice interjected.
"Twenty-Seven na 'ko, Kuya."
"Kaya ba magpapakasal ka na?" Singhal nito sa kapatid. "Dahil matanda ka na?"
"Sinagot ko lang kita," lumapit ang babae sa kuya niya dala ang papel na binigay ko. Madaling kinuha ni Drew ito at binasa.
"Prenup?"
"You could–"
Sa isang iglap, nakalapit na sa'kin si Drew hawak ang collar ng damit ko. Nanlilisik ang mga mata nito. "Wala sa usapan natin 'to."
"This will be a usual marriage. I just wanted to be on our terms."
"'Our terms?' Tinanong mo ba siya kung gusto niya ng prenup?"